Share

Chapter 12

Sarina

Pumunta na ako sa room ni Maximus pagkatapos naming mag-usap ni Jason at wala na ang dalawang bruha doon. Saan kaya sila na nagpunta. “Tapos ka na?” ang tanong ko sa asawa ko na nakaupo sa wheelchair niya habang hawak ang kanyang cellphone na mukhang may hinihintay at galit? Bakit? Kanino? Huwag niyang sabihin sa akin.

“Where have you been?” ang tanong niya na hindi ko malaman kung bakit parang iba ang dating sa akin.

“Dyan lang sa labas. Sinabi ko naman na hindi ako uuwi di ba?” sagot ko. “Nasan na ang pamilya mo?”

“Kung nandyan ka lang sa labas, bakit hindi mo alam kung nasan sila?”

“Hindi ko alam kailangan ko rin pala silang bantayan.”

“Hinahanap mo sila di ba? Ang sabi mo nandyan ka lang sa labas eh di dapat alam mo na kanina pa sila nakaalis.” Galit talaga ang dating ng tono ng pananalita niya.

“Galit ka dahil sa nangyari kanina?”

“Let's go home, Sarina,” sabi niya sabay tayo. Iba na ang dating niya ngayong talagang nakakalakad na siya. Sobrang confident ng kanyang tindig.
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status