Hi dear readers! Bakit kaya kasama ni Maximus ang babaeng sakang na yon? Abangan niyo po ang magpapagulo ng isip ni Sarina. Kita po tayo sa next chapter! Paki add po sa library at pa-follow na rin po ako sa aking profile. Maraming salamat po!!
SarinaKinabukasan ay maaga akong nagising kagaya ng dati. Nang dito pa ako nakatira ay sanay na sanay ang aking katawan na natutulog ng maaga at gumigising ng maaga. Kaya hindi na katakataka sa pamilya ko kung lumabas na ako ng aking silid hindi pa man tumitilaok ang manok.Nasa hapag na sila at nag-aalmusal habang ang mga pamangkin ko naman ay siguradong mga tulog pa. Okay lang iyon dahil mga bata pa ito at kailangan pa nila iyon. “Good morning po,” ang bati ko sa kanila. Mabilis namang tumayo ang kuya ko at ipinaglagay ako ng pinggan. “Huwag mo na yang gawin para sa akin, Kuya. Si ate ang dapat mong inaasikaso ng mabuti at baka maumpog yan, mahirap na.”“Ikaw naman, ang aga aga eh,” sabi niya na mukha namang hindi napikon. “Inuna
Sarina“Jason!” gulat kong sabi. Tapos ay naalala ko si Maximus kaya naman mabilis kong in-end ang call. Hindi ko na tinignan kung nasagot ba o hindi. “Sandali lang,” sabi ko pa tapos ay ibinalik ko sa aking silid ang aking cell phone. Huminga muna ako ng malalim bago ako bumalik sa sala.“Para sayo, Love,” sabay abot ng isang dosena yatang pulang pulang rose at may kasama pang chocolate na kinuha ko rin naman. Tumingin ako sa paligid at nakita kong nandoon lang ang aking pamilya na pinanlakihan ko ng aking mga mata.“Ah, sa labas lang muna kami anak.”“Sige ho, ‘nay.” At isa isa na silang naglabasan hanggang sa naiwan na kaming dalawa ni Jason. &ldqu
Sarina“Bakit nandito ka? Akala ko ay lumayas ka na?” Galit na sabi ng lola ni Maximus. Mainit ang ulo ko at hangga’t maaari ay gusto kong pagpasensyahan siya. Pero sa tagpong nadatnan ko ay mukhang malabong mangyari iyon kung hindi siya titigil.“La, asawa ko ho si Sarina.” Tumaas ang kilay ko dahil sa sinabi niya at hindi ko yon itinago sa kanya. Akalain mong sinaway niya agad agad ang matanda.“Wala akong pakialam!” Galit na galit na sabi ng lola niya at nanlilisik pa ang mga mata niya sa pagkakatingin sa akin.“Eh kung alam ko lang ho na nandito naman pala kayo at ang malanding babaeng yan eh di sana hindi na lang din ho ako umuwi at patuloy na nagpakasaya sa bakas
Maximus“Hello,” ang sagot ko sa tawag ni Aries,“Nakita ko po si Ma’am Sarina,”“Sundan mo and huwag mong hayaang mawala siya sa paningin mo. I want to know kung saan siya puppunta.”“Okay po, sir,” tapos ay in-end ko na ang call at hinarap ang lola ko pati na rin si Midori. Sobrang galit ang nararamdaman ko kaya lang ay lola ko pa rin naman kasi siya.“Midori, I don’t want to see your face ever again. Kung hindi ka titigil sa kakalapit ay hindi ko rin papatahimikin ang pamilya mo. Tandaan mo yan,”“But babe,”“And stop calling me your fucking babe because I’m not!” napapitlag siya ng dahil sa sigaw ko.“Maximus,” ang tawag sa akin ng kaibigan kong doktor na hindi na rin nakahuma dahil sa mga pangyayari.“Stay out of this, Jerold.” Tumingin ako sa kanya at tumango naman ito,“Maiwan ko muna kayo,” paalam niya na sinang-ayunan ko na rin. Ayaw ko ring marinig niya ang kung ano mang sasabihin ko sa mga babaeng kaharap ko ngayon.“Hindi mo na ako ni respeto, Maximus!” galit ang lola ko, k
SarinaNapakasarap sa pakiramdam at para akong pinaghehele. Hindi ko alam kung dahil ba sa lakas ng aircon kaya parang napakagaan ng aking pakiramdam. Dahan dahan kong iminulat ang aking mga mata bago pupungas pungas na sinino ang nasa aking tabi na nakatingin pa sa akin.Kinusot ko pa para lang matanggal ang luhang natuyo sa aking mga mata na naging muta para lang maka sigurong may katabi nga ako. “Maximus?” ang gulat kong sabi sabay balikwas ng bangon na naging dahilan ng bahagya kong pagkaliyo. Agad naman niya akong nahila palapit bago pa ako matumba at bumagsak sa sahig mula sa kama.Nagpalingon lingon ako sa paligid para lang masiguro kung nasaan ako. At kagaya kaninang bago ako makatulog ay napansin kong nasa hotel pa rin ako. “Anong ginagawa mo dito? Paano ka nakapasok?”“I don’t see any reason para hindi ako makapasok dito,” ang sabi niya bago prenteng sumandal pa sa headboard ng kama habang nakahalukipkip ang mga braso.“Anong you don’t see any reason? Eh hotel room ko ito! Hi
Sarina“Why stay in this room when you can get better?” tanong ni Maximus. Kakatapos lang naming kumain at aaminin kong marami ang nakain ko kaya pasalamat ako dahil marami rin ang in-order ng asawa ko. Wala akong kamalay malay eh gutom na pala ako. “Wala akong pera,” sagot ko naman habang patuloy siya sa paghimas sa kamay kong hawak hawak niya. Kasalukuyan kaming nasa couch at nakasandig ako sa kanyang braso habang ang isang kamay naman niya ay nakayapos sa akin. “What about the card I gave you?”“Ayaw kong gamitin kahit na natetempt na talaga ako kanina. Naisip ko lang ang lola mo na manggagalaiti na naman sa galit kapag nalaman iyon kaya pinigilan ko ang sarili ko.”“You don't have to think about her. Obligasyon ko bilang lalaki at bilang asawa mo to provide for everything you needs and wants. So next time, huwag kang magdalawang isip na magwaldas ng pera ko.” “No need, Maximus. May sarili akong pera.” Kahit na ang sarap pakinggan ng sinabi niya eh hindi din naman para waldasin k
Sarina“Sana naman ho nay ay nagsabi muna kayo bago kayo nag desisyon lumuwas.” Sabi ko ng sunduin ko sila sa Cubao. “Kakagaling ko lang doon eh na miss nyo na ho ako agad,” dagdag ko pa.“Hay naku anak, ikaw pa eh alam ko namang babawalan mo kaming gawin ito. Mabuti na rin yung surprise para wala ka ng maidahilan. Matagal ko ng gustong lumuwas para malaman ko naman kung anong klase ba ang pamumuhay mo dito sa Maynila. Aba mahirap na eh mag-isa ka lang dito,” sagot ng nanay mo.“Tsaka anak, gusto kong personal na rin na magpasalamat sa boss mo dahil sa pagpapahiram nya sa atin ng ipinambayad ko sa utang ko,” dahdah naman ng tatay ko bago kami sumakay sa grabcar na bi-nook ko.“Eh wala na hong katapusan ang pasasalamat natin niyan, nagpasalamat na nga po ako eh magpapasalamat pa kayo.”“Ikaw talagang bata ka, alam mo ng malaking tulong iyon sa atin,” sabi ni nanay.Nasa opisina si Maximus ngayon at kagabi ay hindi ako tumigil hanggat hindi ko siya napapayag na huwag sabihin sa mga magul
SarinaLumabas ako ng kanyang silid matapos niya akong punasan. Isang bagay na gustong gusto kong ginagawa niya para sa akin. Hindi siya ang tipo ng partner na kapag nakatapos na ay hahayaan na ang kapartner nila. Feeling ko ay alagang alaga niya ako at hindi ko maiwasang hunanga sa kanya. Naisip ko tuloy na iyon din marahil ang dahilan kung bakit maraming mga babae ang nahuhumaling sa kanya at kagaya ng sinabi niya ay humihingi ng second time. “Nakita mo ba ang hinahanap ng boss mo?” tanong ni nanay. Oo nga pala,“Hindi ho eh,” sabi ni Maximus na nakasunod na sa akin ng hindi ko namalayan. “Baka po si Manang Lisa ang nakapag tabi.”“Manang Lisa?” usisa ni tatay na kakagaling lang sa kusina. “Opo, tay. Kasama po namin siya dito sa bahay din. Kaya lang po sa ngayon ay kailangan siya ng manugang niyang bagong panganak kaya wala po siya dito.” Paliwanag ni Maximus sabay upo sa tabi ko bago ipinatong sa kanyang kandungan ang laptop niya at binuksan iyon. Ano kayang naisip ng manyak na it