Share

Kabanata 38

PAGPASOK ng kuwarto ng magkaibigan, patakbong lumapit ng kama si Alyssa. Padapang nahiga ng kama ang dalaga.

Ini-lock ni Maggie ang pinto at pagkatapos humakbang na ito palapit sa kaibigan.

"Alyssa," tawag niya sa kaibigan. Narinig ni Maggie ang mahinang hikbi nito. Nag-alalang hinagod naman ni Maggie ang likod ng dalaga.

"Huwag ka ng umiyak," alo ni Maggie kay Alyssa. Iniisip nito na umiiyak ang kaibigan dahil napahiya ito.

"Maggie, ikaw ba naniniwala ka saakin?" tanong ni Alyssa sa kaibigan. Nakasubsob pa din sa unan mukha ng dalaga.

"Oo naman kaibigan kita eh." Sagot ni Maggie.

"Nanganganib ang mga buhay natin, hindi na tayo ligtas sa mansiyon na ito." Sagot ni Alyssa. Bakas sa luhaang mukha ng dalaga ang pag-aalala para sa mga kasama.

"Bukas na lang natin pag-usapan ang tungkol diyan, matulog na tayo dahil hating-gabi na." Pag iwas ni

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status