Share

CHAPTER 15

"Hindi ko alam kung bakit kailangan pa tayong isama ni Kuya sa mga ganap niya sa buhay tss." 

Umirap si Abbi habang pababa kami ng chopper. Ilang linggo ang nakalipas at heto kami ngayon sa isang hotel dito sa Cagayan de Oro dahil sa business trip ni Jonas.

At kanina pa nagerereklamo si Abbi dahil maging ako ay hindi alam kung bakit ba kailangan pa kaming dalawa rito eh siya naman yung businessman sa aming tatlo.

Bumuntong hininga na lang ako at nag patuloy sa pag lalakad.

"Ang sabi niya may party daw na kailangang daluhan at tatapat sa isang importanteng meeting niya at dahil doon, tayong dalawa ang magiging proxy niya." Tamad kong sagot.

Pwede naman kasing secretary na lang niya napaka daming arte.

Nakangiti kaming sinalubong ng mga staff ng Hotel at kinuha ang mga gamit namin saka hinatid papunta sa magiging Hotel Room.

Ngumuso ako habang nililibot ang paningin sa Hotel na magara, malinis at engrande. Hindi kataka-takang five

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status