Share

CHAPTER 16

"W-wala naman," Sagot ko kay Jonas.

Tumango siya sa akin at saka nag patuloy sa pag kain. Gano'n din ang ginawa ko at tahimik lang na nakikinig sa pag uusap nila tungkol sa business.

Nalaman kong real estate ang business ng pamilya nila Maliyah at nandito siya dahil sa isang project at kasali rin siya sa conference since business partners pala ang pamilya nilang tatlo.

Para silang mga sanga ng isang matibay na puno. Punong binubuo ng kapangyarihan, koneksyon at salapi.

Tahimik lang akong ngumunguya sa gilid at iwinaglit na sa isip ang kaninang kalokohan tungkol sa pulseras nang biglang mapunta sa akin ang atensyon nilang lahat.

"How about you Hope? Are you into business? What's the business of your family?" 

Tinapos ko ng marahan ang pag nguya ko at umusbong ang kaba sa dibdib ko lalo pa't buong atensyon nila lalo na ni Gideon ang nakatuon sa akin.

Nag punas ako ng bibig at tumikhim handa ng sumagot pero inunahan ako ni Abbigail.

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status