MARGAUX'S MOUTH SHUT upon hearing Rome. Kabaligtaran sa nakikiusap na tono nito kanina ay naging napakalambing ng utos nito."I like seeing it there. Just keep it there for now, Margaux, please."Gusto niyang takasan ang sitwasyon dahil pinapaalala nito ang mga bagay na gusto na niyang kalimutan. However, she felt trapped in the comfort of his arms. Kaya naman natahimik na lang siya.'Damn it! Stop thinking, Margaux! Just stop—'"Ayos ka lang ba?"Hindi siya makasagot kaya nginudngod na lang niya ang kanyang mukha sa balikat nito. She focused on clearing her mind.Sandali pa at tahimik na narating din nila ang kanyang tree house. Hindi man maipaliwanag ni Margaux kung paano siya naiakyat nito nang ganoon kadali roon, ay tandang-tanda naman niya kung paano ito natigilan nang mabuksan nila ang pinto.Madilim ang buong tree house. Bukod sa liwanag ng buwan na lumalagos sa mga siwang sa dingding ay wala nang iba pang liwanag doon. Tumutulo rin ang tubig ulan sa loob dahil sa butas na kisa
BLANGKONG BEDSHEET ANG GUMISING kay Margaux kinabukasan. Instantly, she felt scared to the bone upon not seeing Rome beside her.Tarantang nailibot niya ang kanyang paningin sa buong paligid. Pinasingkit pa niya ang mga mata nang pasadahan nang mabilis na tingin ang lahat ng naroon.'P-paanong...' Ilang ulit siyang kumurap nang mapagtantong wala na siya sa kanyang tree house. For Pete's sake! Nasa loob na siya ng kanyang kwarto at nakasuot ng pantulog.Binuhat ba siya ni Rome papunta roon? Ang naaalala niya lang ay ang inis na mukha nito nang mabungaran ang loob ng kanyang tree house kagabi.Rushing out of her bed, she grabbed the alarm clock on her bedside table and checked the time. Napamura siya ng malakas nang makitang tanghalian na pala.Ganoon ba kasarap ang tulog niya habang nakadantay kay Rome? Paano naman niya ipapaliwanag na nailipat nga siya nito ng lugar ng hindi man lang siya nagigising?Ang mas masakit, nakatirik na ang araw nang magmulat siya ng mga mata. Ibig sabihin a
BUMAGSAK SA DRESSER ang nabitawang relo ni Margaux. Hindi niya alam kung matatawa ba siya o magtataas ng kilay matapos buksan ang brown envelope na inabot sa kanya ng kanilang katulong.Sino ba naman kasi ang hindi magugulat kung matapos ang isang buwan mula sugurin siya ng mga magulang ni Greg ay bigla na lang siyang makatanggap ng package mula sa mga ito? At ang laman? Hindi legal demand letter o subpoena para kay Rome. They sent her a pair of tickets for one of their most prestigious cruise ships and an expensive diamond crusted watch for her husband—Mr. Scum.‘Baliw na ang mga Montecillo!’Ang tunog ng bumukas na sliding door ang umagaw ng atensyon ni Margaux. Nagmamadali niyang tinago ang mga hawak sa drawer, bago pinapormal ang kanyang mukha. She would like to ask a lot of questions, but this is not the right time for it. May lakad kasi sya."Rome, lumabas ka na ng—" Her jaw automatically froze as soon as she turned around. Scorn. Wala namang nakapagsabi sa kanyang may diyos pa
[WE HAD A SECURITY BREACH YESTERDAY, MAESTRO.]Humigpit ang mga daliri ni Rome sa manibela kasabay ng balita. He was listening to Lucille through his lapel mic, and he seriously wanted to give the woman double black eyes. Kaso babae nga pala ang kanyang assistant, kaya hindi niya kayang gagawin 'yon. Although he was a hitman, he had never lifted a finger on any woman that way. Sa huli ay kinuntento niya na lang ang sarili sa pagtiim-bagang.Kanina pa maiinit ang kanyang ulo dahil sa sagutan nila ni Margaux. Paano naman niya pagkakasyahin ang isa pang problema sa utak niya kung punong-puno na iyon ng kanyang cara?Oo, malinaw na sa kanya ang nararamdaman niya at kinagagalit niya 'yon nang husto. Sa kauna-unahang pagkakataon ay nakakaramdam siya: naguguluhan, nagdaramdam, nagtatampo, at paminsan-minsan sumasaya.He was falling for her— helplessly. Hindi niya alam kung kailan nangyari, pero sa sobrang bilis ay hindi man lang siya nakapaghanda.Para itong isang malaking truck na bumunggo
"PUSSY."Malakas ang naging buntong-hininga ni Margaux nang marinig si Rome. They were on their way to 'God-knows-where' but she couldn't even ask where they were heading. Ganoon na siya simula umalis sila sa sementeryo— voided."Nagkakaganyan ka ba kasi sinira ko na naman ang isa sa mga rules mo?"Nanigas ang kanyang likod kasabay ng pag-iwas ng tingin sa binata. Pasimpleng tinalikuran niya ito at sinandal ang ulo sa inuupuan. She then pretended to be busy with the establishments they were passing by.Hindi siya handang sagutin ang mga sinabi ni Rome. Ang alam niya lang ay hindi ganito ang kanyang orihinal na plano. Her caro was not even a 'rebound boyfriend'. Mas mababa pa ito roon. Isa itong outlet, taga-salo ng sama ng loob. O sa mas balbal na salita—shock absorber.'God. Mababaliw na yata ako.'"I should have known that you are a real pussy. Damn it!""Quits lang. I should have known that you are a real dick." Sa wakas ay natagpuan niya ang kanyang boses. She shot him a glare thr
NOTHING WAS NORMAL WITH THE SAAVEDRA'S HOUSE. It was located in a hidden valley about half an hour away from the city. Pati ang kalsadang papunta roon ay hindi rin normal. Isa 'yong madilim na tunnel na nakakonekta sa main road ng siyudad. Ni walang nakakapansin na may lagusan sa parteng 'yon. Kung sa bagay, ano pa ba ang dapat asahan sa isang safe house?A long drive inside that dark, sophisticated cave, and Rome's car reached the mansion's gate. Gawa sa bakal 'yon at may dalawang gwardiya sa harapan.Sandaling sumilip sa bintana ng kanyang kotse ang isa sa mga gwardiya. Agad na yumukod ito nang makilala ang pinakabatang anak ng mga Saavedra. That triggered the electric door to open, giving a clear view of the place Rome grew up in— The House.Isa iyong red-brick mansion na may apat na palapag. Sa buong paligid nito ay napakalawak na shooting range na puno ng mga topiary. Magarbo? Oo, lalo pa kung lilingon ang papasok pakaliwa at makikita ang napakalaking swimming pool. Sa kanan nama
ALAS-DOS NG UMAGA │MISYON SA CASA GRANDE HOTELAlam ni Rome na hindi siya dapat naroon dahil oras ito ni margaux. Para sa dalaga ang alas-onse hanggang alas-kwatro ng kanyang bawat gabi at hindi niya ugaling palampasin 'yon. He was craving to be sleeping with his cara.However, this night was different. Dahil gustuhin niya mang mag-drive pabalik kay Margaux at tabihan ito sa pagtulog ay hindi niya magagawa. He had to attend his father's deal, or rather, punishment.Kasalanan niya. Hindi niya naikubli kaagad ang nadama nang saktan siya nito. Napansin agad ng Don ang bumalatay na hapdi sa kanyang mga mata at kinagalit nito 'yon.That was a fucking big no.Kaya binigyan siya nito ng karagdagang trabaho. Isang dagdag na misyon bukod pa sa pinagagawa nito sa villa nila Margaux.His father said that it was to put him back on track and harden him up. Lumambot daw ang dibdib niya kaya patayin niya raw ang 'malapit na kaibigan' nitong si Senator Luis. Nagtraydor daw sa organisasyon ang senador
NADAMA NI MARGAUX ANG PAGLUNDO NG KAMA nang may humiga sa kanyang likuran. Laging ganito simula nang magkita sila muli ng kanyang caro sa cellar. A sick routine that had been going on for the past five nights.Kabidaso na niya 'yon dahil hindi siya nagmintis sa paghihintay dito. Madalas na pinanonood niya ang oras sa kanyang alarm clock, hoping for the freaking screen to scream the numbers that would mark their schedule. Alas-onse ng gabi.Pero bakit kaya nahuli na naman si Rome ngayon? Pasado alas-dos na ng madaling araw. Alam ba nito na para siyang mamamatay sa bawat minutong lumilipas na hindi ito nagsasalita sa kanyang tabi? May kasama siya pero para ring wala.The question had been burning inside her throat for hours, and she knew that spatting it would make her tremendously better."Saan ka nanggaling, caro?" she tried her luck.Pero tulad ng mga nakaraang tanong niya rito ay hindi man lang bumuka ang mga labi ni Rome. Nanatili lang itong nakahiga sa malayong parte ng kama na pa