BUMAGSAK SA DRESSER ang nabitawang relo ni Margaux. Hindi niya alam kung matatawa ba siya o magtataas ng kilay matapos buksan ang brown envelope na inabot sa kanya ng kanilang katulong.Sino ba naman kasi ang hindi magugulat kung matapos ang isang buwan mula sugurin siya ng mga magulang ni Greg ay bigla na lang siyang makatanggap ng package mula sa mga ito? At ang laman? Hindi legal demand letter o subpoena para kay Rome. They sent her a pair of tickets for one of their most prestigious cruise ships and an expensive diamond crusted watch for her husband—Mr. Scum.‘Baliw na ang mga Montecillo!’Ang tunog ng bumukas na sliding door ang umagaw ng atensyon ni Margaux. Nagmamadali niyang tinago ang mga hawak sa drawer, bago pinapormal ang kanyang mukha. She would like to ask a lot of questions, but this is not the right time for it. May lakad kasi sya."Rome, lumabas ka na ng—" Her jaw automatically froze as soon as she turned around. Scorn. Wala namang nakapagsabi sa kanyang may diyos pa
[WE HAD A SECURITY BREACH YESTERDAY, MAESTRO.]Humigpit ang mga daliri ni Rome sa manibela kasabay ng balita. He was listening to Lucille through his lapel mic, and he seriously wanted to give the woman double black eyes. Kaso babae nga pala ang kanyang assistant, kaya hindi niya kayang gagawin 'yon. Although he was a hitman, he had never lifted a finger on any woman that way. Sa huli ay kinuntento niya na lang ang sarili sa pagtiim-bagang.Kanina pa maiinit ang kanyang ulo dahil sa sagutan nila ni Margaux. Paano naman niya pagkakasyahin ang isa pang problema sa utak niya kung punong-puno na iyon ng kanyang cara?Oo, malinaw na sa kanya ang nararamdaman niya at kinagagalit niya 'yon nang husto. Sa kauna-unahang pagkakataon ay nakakaramdam siya: naguguluhan, nagdaramdam, nagtatampo, at paminsan-minsan sumasaya.He was falling for her— helplessly. Hindi niya alam kung kailan nangyari, pero sa sobrang bilis ay hindi man lang siya nakapaghanda.Para itong isang malaking truck na bumunggo
"PUSSY."Malakas ang naging buntong-hininga ni Margaux nang marinig si Rome. They were on their way to 'God-knows-where' but she couldn't even ask where they were heading. Ganoon na siya simula umalis sila sa sementeryo— voided."Nagkakaganyan ka ba kasi sinira ko na naman ang isa sa mga rules mo?"Nanigas ang kanyang likod kasabay ng pag-iwas ng tingin sa binata. Pasimpleng tinalikuran niya ito at sinandal ang ulo sa inuupuan. She then pretended to be busy with the establishments they were passing by.Hindi siya handang sagutin ang mga sinabi ni Rome. Ang alam niya lang ay hindi ganito ang kanyang orihinal na plano. Her caro was not even a 'rebound boyfriend'. Mas mababa pa ito roon. Isa itong outlet, taga-salo ng sama ng loob. O sa mas balbal na salita—shock absorber.'God. Mababaliw na yata ako.'"I should have known that you are a real pussy. Damn it!""Quits lang. I should have known that you are a real dick." Sa wakas ay natagpuan niya ang kanyang boses. She shot him a glare thr
NOTHING WAS NORMAL WITH THE SAAVEDRA'S HOUSE. It was located in a hidden valley about half an hour away from the city. Pati ang kalsadang papunta roon ay hindi rin normal. Isa 'yong madilim na tunnel na nakakonekta sa main road ng siyudad. Ni walang nakakapansin na may lagusan sa parteng 'yon. Kung sa bagay, ano pa ba ang dapat asahan sa isang safe house?A long drive inside that dark, sophisticated cave, and Rome's car reached the mansion's gate. Gawa sa bakal 'yon at may dalawang gwardiya sa harapan.Sandaling sumilip sa bintana ng kanyang kotse ang isa sa mga gwardiya. Agad na yumukod ito nang makilala ang pinakabatang anak ng mga Saavedra. That triggered the electric door to open, giving a clear view of the place Rome grew up in— The House.Isa iyong red-brick mansion na may apat na palapag. Sa buong paligid nito ay napakalawak na shooting range na puno ng mga topiary. Magarbo? Oo, lalo pa kung lilingon ang papasok pakaliwa at makikita ang napakalaking swimming pool. Sa kanan nama
ALAS-DOS NG UMAGA │MISYON SA CASA GRANDE HOTELAlam ni Rome na hindi siya dapat naroon dahil oras ito ni margaux. Para sa dalaga ang alas-onse hanggang alas-kwatro ng kanyang bawat gabi at hindi niya ugaling palampasin 'yon. He was craving to be sleeping with his cara.However, this night was different. Dahil gustuhin niya mang mag-drive pabalik kay Margaux at tabihan ito sa pagtulog ay hindi niya magagawa. He had to attend his father's deal, or rather, punishment.Kasalanan niya. Hindi niya naikubli kaagad ang nadama nang saktan siya nito. Napansin agad ng Don ang bumalatay na hapdi sa kanyang mga mata at kinagalit nito 'yon.That was a fucking big no.Kaya binigyan siya nito ng karagdagang trabaho. Isang dagdag na misyon bukod pa sa pinagagawa nito sa villa nila Margaux.His father said that it was to put him back on track and harden him up. Lumambot daw ang dibdib niya kaya patayin niya raw ang 'malapit na kaibigan' nitong si Senator Luis. Nagtraydor daw sa organisasyon ang senador
NADAMA NI MARGAUX ANG PAGLUNDO NG KAMA nang may humiga sa kanyang likuran. Laging ganito simula nang magkita sila muli ng kanyang caro sa cellar. A sick routine that had been going on for the past five nights.Kabidaso na niya 'yon dahil hindi siya nagmintis sa paghihintay dito. Madalas na pinanonood niya ang oras sa kanyang alarm clock, hoping for the freaking screen to scream the numbers that would mark their schedule. Alas-onse ng gabi.Pero bakit kaya nahuli na naman si Rome ngayon? Pasado alas-dos na ng madaling araw. Alam ba nito na para siyang mamamatay sa bawat minutong lumilipas na hindi ito nagsasalita sa kanyang tabi? May kasama siya pero para ring wala.The question had been burning inside her throat for hours, and she knew that spatting it would make her tremendously better."Saan ka nanggaling, caro?" she tried her luck.Pero tulad ng mga nakaraang tanong niya rito ay hindi man lang bumuka ang mga labi ni Rome. Nanatili lang itong nakahiga sa malayong parte ng kama na pa
GIGIL NA GIGIL SI MARGAUX nang hampasin ang kaharap na lamesa. Kumalampag ang pinggan ni Rome kaya nagtatakang napatingin ito sa kanya.Umaga na noon at sabay silang kumakain sa dining room. Malamig naman ang simoy ng hangin pero ang ulo ni Margaux sobrang init. "You see, caro. Hindi ko alam kung paano gumagana 'yang utak mo. But I swear I'm gonna kill you next time you make me do that!"As a reply, Rome just cocked his head innocently. Ni hindi ito tinablan ng kanyang banta. Kung sa bagay, paano ba naman ito tatablan ng kanyang sinabi kung sumasalo nga ito ng balang hindi naman para rito?Wala sa dating ng kanyang caro ang takot sa baril. Niligtas nga nito ang kanyang papa, 'di ba? Tatlong araw na ang nakakaraan mula nang tanungin niya si Alberta tungkol dito. At sa puntong ito, alam niya na kung paanong napadpad si Rome sa kanila at kung bakit ganoon na lang ang respeto ng mga tauhan ng villa sa binata.Rome was her father's hero.'Ng papa mo lang ba, Margaux?' Napailing siya nang m
NOONG SINABI NI ROME NA LALABAS SILA, ang unang pumasok sa isip ni Margaux ay inaaya siya nitong mag-date. Iyong tipong dadalhin siya nito sa isang mamahaling restaurant, bibigyan ng bulaklak, pagkatapos ay aayain siyang manood ng sine.Iyon ang mga inaasahan ni Margaux ngayong gabi. Iyong mga 'normal' na bagay na ginagawa ng mga 'normal' na tao.Kaya lang may nakalimutan siya —hindi nga pala normal ang kanyang caro."Itaas mo ang mga kamao mo, cara mia!"'S-sandali. Ano raw—SHIT!'"Lesson four. Huwag mong ibaba ang depensa mo kahit anong mangyari."Napasigaw si Margaux nang isang humahagibis na kamao ang tumama sa kanyang noo. Sa sobrang gulat niya ay mabilis siyang nawalan ng balanse at napaupo siya sa gitna ng boxing ring.Hindi naman siya nasaktan. Actually, parang tinulak lang siya ng kanyang kamao ni Rome. Kaso dalawang beses na siyang bumabagsak sa kanyang pang-upo—Masakit na.'Oh sweet God! Bakit ba ko napunta rito?'"Tayo, cara."'Bili ko kaya ng diksyonaryo 'tong lokong 'to.