Share

HOW TO UNLOVE YOU

NOONG SINABI NI ROME NA LALABAS SILA, ang unang pumasok sa isip ni Margaux ay inaaya siya nitong mag-date. Iyong tipong dadalhin siya nito sa isang mamahaling restaurant, bibigyan ng bulaklak, pagkatapos ay aayain siyang manood ng sine.

Iyon ang mga inaasahan ni Margaux ngayong gabi. Iyong mga 'normal' na bagay na ginagawa ng mga 'normal' na tao.

Kaya lang may nakalimutan siya —hindi nga pala normal ang kanyang caro.

"Itaas mo ang mga kamao mo, cara mia!"

'S-sandali. Ano raw—SHIT!'

"Lesson four. Huwag mong ibaba ang depensa mo kahit anong mangyari."

Napasigaw si Margaux nang isang humahagibis na kamao ang tumama sa kanyang noo. Sa sobrang gulat niya ay mabilis siyang nawalan ng balanse at napaupo siya sa gitna ng boxing ring.

Hindi naman siya nasaktan. Actually, parang tinulak lang siya ng kanyang kamao ni Rome. Kaso dalawang beses na siyang bumabagsak sa kanyang pang-upo—Masakit na.

'Oh sweet God! Bakit ba ko napunta rito?'

"Tayo, cara."

'Bili ko kaya ng diksyonaryo 'tong lokong 'to.
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status