NAPAHINTO sa paglakad si Ella Jane nang makita niya ang lalaking naging dahilan ng puyat niya noong nakaraan, walang iba kun’di si Rafael. Nakatingin ito sa kaniyang mata habang ang isang kamay ay nasa baba at naka-de-kuwatro pa ito. Halos ‘di ito kumukurap katulad niya na para bang may hinihintay.Nag-iwas siya ng tingin at pumasok na sa kaniyang classroom. Hindi na lang siya nagpahalata na nagulat siya nang makita niya ito sa kaniyang classroom na daig pa ang presidente ng Pilipinas kung makaupo. Mabuti na lang dahil iilan lang ang nasa loob ng classroom niya, kaya lang niyang bilangin gamit ang kaniyang mga daliri sa dalawang kamay at panay laro pa ang mga bata.Sinulyapan niya muna ang suot na relo at tinahak ang kaniyang mesa. Wala siyang panahon na makipag-away at makipaglaro sa lalaking naging dahilan na naman kung bakit hindi siya nakabawi ng tulog kagabi. Naglakbay sa kaniyang isipan at diwa kung ano marahil ang rason na naman nito sa hindi nito pagpasok.Great, kung maka-de-
WALA sa sariling inamoy ni Ella Jane ang suot niyang blusa at inalam kung dumikit pa ba ang pabangong ginamit niya kanina nang lumabas siya ng bahay. Mabuti na ang sigurado, baka peke ang inutang niya sa kapitbahay na hindi pala aabot kahit isang oras lang ang pabango na tinda nito. Nang masiguro niya na kumapit pa pala ang pabango ay inayos na niya ang suot at humakbang palapit sa gate.Ito ang pangalawang beses na nakapunta siya sa bahay ni Rafael. Ilang kalye lang naman ang agwat nila pero pakiramdam niya ay sobrang layo nila ng lalaki. Mabuti na rin iyon para maiwasan niya ang malas. Dahil hanggang ngayon ay tumalab pa rin ang kulam, mukhang wala yatang expiration date ‘yon. Ang malas niya talaga.Hindi niya alam kung dapat ba siyang malungkot dahil hindi niya matandaan kung paano siya nakarating sa bahay ni Rafael noon. Ang laki siguro talaga ng tama sa kaniya ng alak at pati ang detalye na iyon ay hindi niya maalala. Hindi niya rin alam kung dapat ba niya iyong ikatuwa na hindi
MULING naramdaman ni Ella Jane ang labi ng binata na inaangkin na naman ang labi niya. Para itong isang bata na nahanap ang masarap na gatas ng ina. Pero ibang gatas yata ang nahanap nito sa kaniya.Wala siyang ibang nagawa kun’di ang pumikit at makiramdam sa bawat halik na ibinibigay nito sa kaniya. Ito na yata ang halik na ayaw niyang matapos. Bawat galaw ng labi ni Rafael ay parang kinikiliti ang buo niyang katawan. Parang kinakalkal pati ang kasulok-sulokan niya.Dahan-dahan siyang pinahiga ni Rafael sa higaan nito. Hindi nga niya napansin na nasa kuwarto na pala sila. Parang kanina lang ay nagtatalo pa ang utak at puso niya kung tutugon ba siya sa halik ng binata o hindi.Lunod na lunod ang masarap na dulot ng halik ni Rafael sa kaniyang katawan. Hanggang sa ang halik nito ay bumaba patungo sa kaniyang leeg. Ramdam na ramdam niya ang hininga nito na dumapo sa kaniyang balat. Pakiramdam niya, tumayo yata ang mga balahibo niya upang pagbuksan ng pinto ang binata.Ganito pala ang pa
SABADO. Ilalapag na sana ni Ella Jane ang hawak na cellphone nang bigla na namang tumunog iyon. Kanina pa tumaas ang dugo niya dahil sa buwesit na caller niya na para bang wala talagang magawa sa buhay. Pang-apat na sigurong tawag iyon ng kung sinumang herodes ang gustong sirain ang weekend niya.“Last ka na talaga, kapag hindi ka pa nagsalita, block ang kahahantungan mo.” Napakamot pa siya sa ulo niya at muling kinuha ang cellphone.Tuwing sinasagot niya kasi ang tawag ay wala siyang naririnig na nagsasalita sa kabilang linya. Ewan kung trip lang ba talaga nitong sirain ang araw niya o bored lang ito sa buhay. Iyon nga ang kinaiinisan niya, marami namang tao riyan na bored din, bakit siya pa talaga ang trip nitong guluhin?Hinanda na niya ang sasabihin niya pero bigla siyang natigilan nang makitang ibang numero ang nakapaskil sa kaniyang cellphone. Nanay iyon ni Rafael. Biglang bumalik sa kaniyang alaala ang huling tagpo na nakasama niya ang binata.Ilang araw na ba ang lumipas? Dala
TANGING yakap ng binata ang nagbigay init kay Ella Jane. Hindi na naman siya makapaniwala na nagawa na naman niya ito. Parang panaginip lang ang lahat pati ang pagpayag niya. Pero wala siyang maramdaman na lungkot o kahit kaunting pagsisisi sa dibdib niya.Hinalikan siya ni Rafael sa noo at pinasiksik siya sa katawan nito. Mabuti na lang talaga na wala ang Mama niya.Oh God, ang sama mo, Ella Jane! Pangaral niya sa sarili.Nakayakap siya sa binata habang sinusuklay nito ang buhok niya. Kanina pa siya nagising pero si Rafael parang hindi man lang nakatulog. Tinawanan pa siya nito dahil ang lakas niya raw kuno humilik. ‘Di naman niya narinig na humilik siya.Hinampas niya ito sa dibdib at bumangon siya. Tiningnan niya ito nang masama at muli na namang hinampas. Tumawa lang si Rafael sa kaniya at ginawang shield ang unan.“Hindi nga kasi sabi ako humilik!” sigaw na naman niya pero panay tawa lang ang lalaki. “Bakit ba ipinipilit mo na humilik ako?”“Bakit ba pinipilit mo rin na hindi ka
MABILIS na lumipas ang isang linggo sa buhay ni Ella Jane. Pagkatapos ng pag-uusap nila ni Rafael tungkol sa Papa niya ay gumaan ang kaniyang loob at mas naging malapit siya sa lalaki. Aminin man niya o hindi, palaging dumadaan sa isip niya ang maamong mukha ng binata.Hindi niya inakalang may sense pala kausap ang Rafael na ‘yon, na may mga punto rin naman pala siyang makukuha. Akala niya kasi puro panlalait lang ang kaniyang maririnig dito. Wala kasi itong ibang ginawa noon kun’di ang ipamukha sa kaniya na hindi siya nito kilala at iparinig ang lahat ng panlalait nito sa kaniya.Pero mula nang araw na iyon, nagbago ang kaniyang paningin sa lalaki at sinubukan niyang ibigay ang kapatawaran sa kaniyang Papa na matagal na panahon niyang ipinagkait rito. Ilang araw lang ang lumipas ay dumalaw siya sa puntod ng kaniyang Papa.Masakit para sa kaniya ang biglaang pagkawala nito. Hindi man lang ibinigay ng panahon na muli niya itong makita na may buhay at lakas pa. Hindi niya inaasahan na s
MAHIGIT ang pagkakapit ni Ella Jane sa baywang ni Rafael habang sakay sila sa motor nito. Isang linggo na ang lumipas mula nang maging sila ni Rafael.Pauwi na sila sa bahay ng lalaki dahil ngayong araw na ito ang balak nila na ipapakilala raw siya nito sa mga kaibigan nito na dati nitong kasama sa trabaho. Isipin palang na mga guro din ang makikilala niya mamaya ay kinakabahan na siya.Noong isang araw ay tinanong niya si Rafael tungkol sa sinabi ng Nanay nito na wala raw itong mga barkada. Nagtataka lang siya dahil bakit hindi kilala ng Nanay nito ang mga sinasabi ni Rafael na kaibigan raw kuno nito.Taga ibang baranggay daw kasi ang mga kaibigan ng nobyo kaya hindi pa nadadalaw sa bahay nito at hindi pa nito napakilala sa sarili nitong Nanay. Hindi na lang siya muling nagtanong pa.Sabagay, hindi nga rin kilala ng Mama niya ang best friend niya noon. Mabuti na lang pala at hindi niya pinakilala, baka mas lalo lang ma-stress ang Mama niya.Noong pinakilala niya si Rafael sa Mama niy
TANGING cellphone lang ang nadala ni Ella Jane nang umalis siya sa bahay ng nobyo niya. Nobyo niya ba talaga si Rafael o naging nobyo lang niya ang lalaki dahil gusto nitong makuha ang brand new car at brand new nitong relo.Inilapat niya ang noo sa pinto at pumikit. Dinama niya ang isinisigaw ng puso niya. Sumisigaw ito ng tama na dahil hindi na nito kaya. Bakit hindi pa rin siya nadala? Bakit sumubok pa rin siya? Hindi pa ba siya natuto nang iwanan siya ng una niyang nobyo? Mas magaan pa nga iyon para sa kaniya dahil tao ang ipinalit nito sa kaniya. Pero si Rafael? Bagay lang! Bagay na nasisira pa.Pinaglalaruan lang siya nito. Pinaglaruan lang nito ang damdamin niya. Mas pinili nito ang sasakyan at relo kumpara sa kaniya. Nasaan na ang sinabi nitong mahal siya nito? Mahal? Hindi naman totoo ang salitang ‘yon eh. Kasi kung totoo ‘yon, bakit nasasaktan ako? Bakit dalawang beses pa talaga akong naloko?Tumalikod siya upang ang likod naman ang ilapat. Kahit anong gawin niyang pagkausa