“Ella.”
Natigil siya sa paglakad nang marinig ang boses ng barangay captain nila. Nais pa naman sana niyang magmadali pero parang nais pa siyang pigilan ng Kapitan nila. Uuwi na lang sana siya, para kasing hindi nakahintay ang Kapitan nila at naghanap na agad ng iba.Ang galing ng talent, grabe, bulong niya sa sarili.Sabagay, lahat ng lalaki ay ganoon talaga ang ugali. Oo, nilalahat na niya. Mga lalaki na hindi marunong tumupad sa mga pangako pero panay bitaw naman ng pangako. Bakit ba kasi parang ang dali lang sa mga lalaki na mangako? Daig pa ang extra rice sa canteen nila noong high school. Ang mali nga lang din, naniwala siya. Parang hindi na siya nasanay.Ilang lalaki na ba ang nangako sa kaniya na hindi marunong tumupad? Ilang lalaki na ba ang nagbitaw ng pangako na pinaniwalaan niya? Si Kenneth?No, hindi lang si Kenneth. May iba pa na ayaw na niyang banggitin pa. May iba pa na ayaw na niyang isipin pa. May iba pa na ayaw na niyang maalala pa.Pero sabagay, bakit hindi pa ba kasi siya nasanay? Bakit nasasaktan pa rin siya? Para kasing gripo ang bibig ng mga lalaki. Kung makabitaw ng pangako para lang nakikipag-usap ng simple. Para bang pagkatapos mangako, wala ng babalikan pa.Akala siguro ng mga lalaki, bibili lang sila through online at hindi babayaran. Grabe, ang galing! Ang galing manloko. Para bang wala silang masasaktan.Pagkatapos niyang tumigil sa paglakad ay nagbilang pa siya ng tatlong segundo bago lumingon. Ayaw niyang makarinig siya ng salitang sorry ngayon. Ayaw niyang may manghingi ng tawad sa kaniya dahil hindi tumupad sa pangako.Mahirap bang tumupad? Mahirap gawing totoo ang mga salitang binitawan? Mahirap bang huwag manakit ng damdamin? Bakit panay pangako lang sila at hindi man lang gumawa ng paraan upang tuparin?Paglingon niya ay nag-aayos ng salamin ang Kapitan nila at ngumiti sa kaniya. Medyo gusot pa nga ang t-shirt nito na parang takot padaanan ng plantsa.May gana pa talagang ngumiti, ano? Para bang hindi nanakit ngayon. Pero kahit anong ngiti pa ‘yan, para kay Ella, kung hindi tumupad, peke pa rin.“Pumunta ka, ibig bang sabihin niyan ay pumapayag ka na?” nakangiting tanong nito sa kaniya.Aba! Para yatang iba ang ihip ng hangin ngayon. Parang kung umakto ang Kapitan nila ay parang wala itong tinanggap na aplikante kanina.“Opo.” Labis-labis ang pagpigil niya na huwag mang-insulto. Baka rin kasi iba ang pagkaintindi niya kaya may mukha pang iniharap ang Kapitan nila.Napakamot ito sa ulo nang muling mag-angat ng tingin.Heto na, mukhang ito na ang oras na hihingi ito ng pasensiya. Inihanda niya ang sarili, gusto pa nga niya sanang takpan ang tainga niya.“May nag-apply dito kanina bago ka dumating. Akala ko kasi hindi ka na pupunta.” Tumingin ito sa suot na relo.Mukhang tama nga ang hinala niya. Bakit naman niya naisip na mali ang akala niya, sobrang halata na nga diba? Sino bang niloloko niya? Niloko na nga siya, lolokohin pa niya ang sarili.“Alas nueve na rin ng umaga eh,” patuloy nito. “Akala ko talaga hindi ka na tutuloy. Pero ayos lang naman sa akin kung dalawa kayo, mas maganda nga iyon para hindi kayo mabigatan sa trabaho. Lalo na at bata ang tuturuan niyo, medyo makulit pa naman ang mga bata natin dito. Alam mo naman siguro iyon. Pero asahan niyo na lang na liliit ang sahod kumpara sa sinabi ko sa’yo kahapon.“Tingin ko naman ay papayag din iyong binata na nakausap ko kanina. Medyo matino naman iyon tingnan, maiintindihan naman niya siguro ako.” Ngumiti ito. “Ano? Payag ka? Tatawagan ko agad ang lalaking ‘yon. Mukhang interesado talaga iyon sa trabaho eh.”Ah, nagpaparinig ka po ba, Kap? Ibig bang sabihin niyan na ako ang hindi interested? Bulong niya sa sarili.Sabagay, totoo naman.Wala naman sigurong problema kung may kasama siya. Ayos lang naman siguro kung lalaki ang kasama niya. Wala naman sigurong problema diba?Lumunok siya ng laway, hindi niya alam kung bakit parang ayaw niyang maipit sa sitwasiyon na ganoon. Biglang nagsitayuan ang mga balahibo niya. Mukhang masamang pangitain ito.Sasagot na sana siya nang dumaan ang lalaking tinutukoy ng Kapitan nila. Agad na dumaan sa kaniyang ilong ang mabango nitong amoy. Pinagmasdan niya ang masuwabeng paglakad ng lalaki na daig pa ang sumabak sa isang fashion runway. May kausap ito sa cellphone at nagmamadali itong lumabas sa Barangay Hall.“Siya nga pala ang tinutukoy kong makakasama mo kung sakaling papayag ka,” anito at humarap sa kaniya. “Oh, ano? Decide na.”Nagmamadali ka ba, Kap? Hindi ba puwedeng magpakipot muna ako?Pero hindi ito ang panahon na magpakipot pa siya. Hindi ito ang panahon para isipin kung dapat ba niyang pasukin ito o hindi. Kailangan niya ng pera para kahit papaano makatulong din siya sa Mama niya. Kailangan niya ng pera! Kailangan niya talaga.Maliban pa roon, kailangan niya ring mag-move on. Kailangan niyang kalimutan ang lahat.Nagbawi siya ng tingin at kay Kapitan na nag-focus. Baka kung saan pa mapunta itong iniisip niya. “Sige, Kap. No probs.”Ngiti ang ginanti nito sa kaniya.Teka, ibang ngiti ‘yon ah!***“Yes, `Nay. Tanggap po ako.”Boses agad ng lalaki ang narinig niya nang makalabas siya sa Barangay Hall. Hindi pa pala nakaalis ang lalaki. Hindi pa rin yata ito tapos sa kausap nito.Nagkibit-balikat siya at nagpatuloy na sa paglakad.“Yes. Ano pong tinapay ang gusto mo, `Nay?”Ang sweet ng boses ah, bulong niya. Mukhang sign ito na kailangan niya ring bumili ng tinapay para sa Mama niya.Pero ang ipinagtataka niya ay kung bakit ngayon lang niya nakita ang lalaki na ‘to. Bakit ngayon lang niya nalaman na may itinatagong guwapo pala ang baranggay nila? Pero sabagay, ermitanya nga naman siya. Paano niya malalaman kung taga barangay nga nila ang lalaki o hindi. Ni kapitbahay nga niya ay hindi na niya kilala.Dalawang taon din naman siyang halos hindi lumabas ng bahay. Natatakot na nga ang Mama niya na baka magkasakit siya dahil halos hindi na siya nasisikatan ng araw. Pero para sa kaniya, mas mabuti na ‘yon. Mas mabuti na iyon kaysa sa may makita siyang masakit sa mata at pati nananahimik niyang puso ay madamay pa. Natatakot siyang makasalubong na naman ang lalaking pumatay sa puso niya.Ang palaging sinasabi ng Mama niya, wala naman daw posibilidad na magtagpo sila ni Kenneth. Nasa America daw ang lalaki tapos siya ay nasa isang sulok ng Pilipinas. Malayo sa kabihasnan. Mahirap daw ang iniisip niya.Tinatawanan lang niya ang Mama niya at pagkatapos ay iiyak. Walang imposible sa lalaking nang-iwan sa kaniya. Nagawa nga nitong paglaruan siya kahit hindi naman siya stuff toy. Nagawa nga nitong ipagpalit siya sa best friend niya. Wala, walang imposible sa traydor na lalaki.Napailing siya. Ang layo na ng nilipad ng utak niya. Ewan din ba, kahit anong iniisip niya ay naisisingit niya ang mga pighati niya sa buhay kahit hindi naman dapat.Wala na dapat lugar si Kenneth sa buhay niya. Hindi na dapat pagsayangan ng panahon ang mga lalaking hindi marunong tumupad sa pangako. Hindi na dapat. Kasi hindi naman din siya iniisip no’n eh. Ang saya na nga siguro ng buhay no’n. Baka mayaman na ‘yon ngayon. Baka tumakbo na ‘yon bilang presidente sa America. At lahat ng manlolokong lalaki ang boboto rito. Panigurado ang panalo ng ex-boyfriend niya.Kahit hindi na ito gumastos, panigurado na ang panalo. Sa dami ba naman ng manloloko sa panahon ngayon, hindi na dapat ito kabahan.Nagmadali siya sa paglakad. Baka kung saan pa mapunta itong iniisip niya.***Walang emosiyon na mababakas sa mukha niya nang humarap siya sa salamin. Nasa baba ng kaniyang kama ang dalawang kahon na kinuha niya sa ilalim ng kaniyang kabinet. Tumayo siya papalapit sa salamin na nakadikit sa sementado nilang dingding.Hindi siya ganito noon. Palaging nakadikit ang ngiti sa kaniyang mga mata. Pero biglang nagbago ang lahat. Tila ba isang mabangis na bagyo ang dumaan sa buhay ni Ella. Tila ba isang pitik lang sa daliri ay nagbago ang lahat.Gusto niyang bumalik sa dating siya. Gusto niyang bumalik ang magandang atmospera sa apat na sulok ng kaniyang kuwarto. Gusto niya ulit malayo sa lungkot. Gusto niyang bumalik ang masayahin niyang mukha. Gusto niyang layuan ang lahat ng mga malulungkot na ala-ala.Pero paano?Mahirap ba talaga ‘yon? Mahirap ba talagang buksan muli ang puso niya upang pumasok ang tuwa? Mahirap ba talagang bumalik siya sa dating siya at tumawa ulit? Mahirap ba talaga ‘yon?Hinawakan niya ang salamin na para bang hinawakan niya rin ang sarili niyang mukha. Mula sa kaniyang magagandang mata patungo sa matangos niyang ilong.“Gusto ko na mag-move on,” matigas niyang saad at hinarap na ang mga kahon.Isa ito sa dahilan kung bakit hindi pa rin siya makausad. Laman ng mga kahon na ‘yon ang mga regalo sa kaniya dati ni Kenneth. Ang isang kahon naman ay mga litrato.Kinuha niya ang isang kahon at lumabas na ng kuwarto. May dala rin siyang posporo, handa na siyang sunugin ang kadena na gumagapos sa kaniya patungo sa nakaraan.Sana pagkatapos nito ay makausad na siya. Sana pagkatapos nito ay makalimot na siya. Sana pagkatapos nito ay maharap na niya ang magandang sikat ng araw.Isa-isa niyang sinunog ang mga litrato. Bawat mukha niya roon ay nakangiti. Hindi niya inakalang ang katabi niya rin sa litrato ang magiging dahilan kung bakit siya malungkot ngayon.Dalawang taon. Tama na ang dalawang taon. Gusto na niyang mag-move on.Muli siyang pumasok sa kuwarto niya at kinuha ang isang kahon. Mga stuff toys ang laman no’n kaya pumunta siya sa kabilang kanto at ibinigay iyon sa mga bata. Sana dati pa niya ito ginawa.“Thank you, Ate Ella. Ang bait niyo naman po,” pasasalamat ng bata sa kaniya habang hawak ang isang stuff toy na Pikachu.Bakit ngayon ko lang naisipan ito? Bakit ngayon lang? Bulong niya at hinawakan ang pisngi ng bata.“You’re welcome.”Nagsusuklay na siya sa harap ng salamin nang pumasok ang kaniyang Mama dala ang kape na hiningi niya. Maaliwalas ang mukha nito na siyang hinahanap-hanap niya tuwing umaga. Ngumiti ito pagkatapos malapag ang kape sa mesa.Maaga siyang gumising, mas nauna pa nga siya sa alarm clock niya. Siya pa ang gumising sa alarm clock niya na nakalimutan niya pa lang bilhan ng bagong battery. Pero nang maalala niyang regalo pala iyon ni Kenneth ay dinala niya iyon at nilagay sa basurahan.Tapos na siyang mag-decide. Itatapon na niya lahat ng mga bagay na may kinalaman kay Kenneth. Hindi man madali pero sa bawat pagtapon niya ay nabubunutan siya ng tinik. Nakaramdam siya ng ginhawa at maganda na ang kaniyang bawat paghinga.Daig pa niya ang isang manonood na nabunutan ng tinik pagkatapos mapanood ang buong teleserye. Pero at least, alam na ang buong nangyari.“Mukhang ang ganda ng gising natin ah?” Lumapit sa kaniya ang Mama niya at bumulong, “Anong mayro’n? Tapos na ba ang menstruation mo?” Humala
“Kumusta naman ang trabaho mo?”Hinubad niya ang suot na heels at pumasok na sa loob ng bahay. Medyo sumakit ang paa niya kalalakad sa buong classroom. Dalawang section pa naman ang tinuruan niya kanina dahil ang guwapo niyang kasama ay hindi nagpakita. Tapos ang sabi pa naman ng Kapitan nila ay hati sila sa suweldo no’ng lalaking `yon at hindi man lang nagpakitavsa unang araw ng klase. Unfair naman yata ‘yon.Huminga siya nang malalim nang mahubad na niya ang heels. Mas mabuting doll shoes na lang ang gamitin niya bukas, kahit pa magmukha siyang hindi teacher sa height niya. Wala naman siyang pakialam do’n, as long as hindi mabawasan ang sahod niya. May kahati na nga siya eh.Nakangiti pa ang Mama niya nang salubungin siya nito. Kinuha nito ang kaniyang bag.“Ayos naman, `Ma. Ang cute ng mga bata,” sagot niya nang makaupo sa sofa. Mas maayos sana kung nagpakita man lang ang lalaking ‘yon. Baka hindi sumakit ng sobra ang paa niya. Kasalanan talaga lahat ng lalaking ‘yon kung bakit na
“Ha?” gulat na tanong sa kaniya ni Kuya Marlon at hinarap siya habang kumakain ito ng tanghalian. Naiwan pa sa ere ang hawak nitong kutsara at bahagyang nakanganga ang bibig nito.Gano’n ba talaga nakagugulat ang tanong niya?Okay, out of the blue moon din naman kasi. Bigla ba naman siyang nagtanong ng ganoon kahit masasarap na pagkain ang pinag-uusapan nila ni Kuya Marlon.Hindi lang kasi mapanatag ang utak niya. Lalo na nang makita niyang lasing ang binata at sumigaw pa ito ng gano’n. Malaki lang siguro talaga ang problema ng lalaki at nagawa pang magpakitang lasing sa Baranggay Hall.Kahit sino naman na may problema, minsan ay nawawala sa sarili. Kaya hindi maalis sa utak niya ang nangyari.Hinawakan niya ang baso niya at nilagok ang laman niyon habang humihiling na sana ay hindi mag-isip ng ibang dahilan itong kaharap niya. Baka iba ang pagkaintindi nito sa tanong niya.Nagsiuwian na ang mga bata pagkatapos matapos ang klase niya sa umagang iyon kaya si Kuya Marlon na naman ang ka
Agad napabalikwas ng bangon si Ella nang yumakap sa kaniyang mukha ang malamig na tubig. Dumaloy iyon patungo sa kaniyang buhok at leeg. Napamura pa siya sa kaniyang isip at nagtanong kung sinong gumawa no’n. Ang ganda pa naman ng tulog niya bunga ng pagod.Sobrang pagod ang humawak sa mga binti niya pababa sa kaniyang paa. Feeling detective kasi siya kahapon at sinundan pa talaga niya si Rafael. Ewan din ba kung anong pumasok sa utak niya at nagawa siyang sundan ito hanggang sa makauwi.Akala niya kasi ay mag-iinom na naman ito. Concern lang siya sa mga bata na hindi na naman sisiputin ng magaling nilang guro, yes, iyon lang talaga ang dahilan niya.Hindi ba talaga puwedeng concern lang siya?Baka kasi kung may makaaalam ng ginawa niya ay iba na naman ang pagkaintindi. Wala siyang gusto sa lalaking ‘yon, wala na talaga.Daig pa niya ang dancer na sumayaw buong maghapon, sobrang sakit ng binti niya. Hindi na kasi siya nakapagpalit ng flat na sandal. Nagmadali kasi siyang lumabas nang
Panay sulyap siya kay Rafael. Kahit hindi maabot ng isipan niya kung bakit. Tila isa iyong obra na gusto niyang palaging masulyapan at daanan ng kaniyang mga mata. Tila isang libro na nais niyang buksan at basahin kung ano ang nakasulat.Umiling siya at humakbang palayo sa pinto ng classroom niya at pumasok. Hindi siya dapat naninilip. Nakaiinis lang kasi hindi niya tuloy mabigyan ng pansin ang mga bata dahil sa lintik na Rafael iyon. Hindi niya alam kung awa ba itong nararamdaman niya o gusto lang talaga niyang makita ang binata.Gusto niyang makita kung paano ito ngumiti.Sobrang weird, oo. Hindi siya ganito dati. Ni ngiti nga niya na natural ay hindi na niya makita, ngiti pa kaya ng iba?Isang linggo na ang lumipas mula noong pumasok siya sa trabahong ito. Isang linggo na rin na nakikita niya ang lalaki — Maliban pala noong hindi ito pumasok dahil naglasing. Hindi pa pala isang linggo.Counted na lang ‘yon, don't be shy, bulong niya sa isip. Ngayon pa ba siya mahihiya?“Teacher Ell
Maagang dumating ang baranggay nila. Sila nga ang pinakaunang baranggay na dumating sa City Hall. Mas mabuti na rin iyon kaysa sa makipagsiksikan pa sila sa maraming tao upang magpalista sa attendance. Palinga-linga pa siya sa loob ng City Hall, nagbabakasakali na biglang lumitaw si Rafael at sasabihin na "it's a prank". Hindi kasi ito nagpakita gaya nang sinabi nito kahapon. Ano na naman bang gusto no'n? Siya na naman ang magbantay sa mga bata 'tapos hati sila sa sahod? Unfair naman yata.Inakay niya ang mga bata papunta sa isang staff na may hawak ng attendance sheet. Pero agad siyang napahinto, Day Care student itong mga kasama niya, baka abutin sila ng gabi sa paglista pa lang ng mga pangalan.“Dito lang kayo ha? Walang aalis,” aniya at tiningnan ang isang ginang. “Bantayan niyo po muna ang mga bata, kakausapin ko lang ang staff.”Agad namang tumalima ang ginang at inakay ang mga bata sa puwesto nila.Mapapatay ko talaga si Rafael kapag nagkita kami, bulong niya. Sila dapat ang n
Mabilis lumipas ang isang linggo na halos hindi man lang niya namalayan. Nang bumangon siya sa araw na iyon ay napabulong siya. Iyon na ba talaga ang weekend? Seryoso na ba? Bakit parang ang bilis? Wala na ba talagang extension? Parang isang oras lang daw eh. Hindi man lang niya nasulit.Nagmamadali lang siyang naglakad papunta sa Baranggay Hall. Laking pasasalamat talaga niya na walking distance lang mula sa bahay nila ang Baranggay Hall. Hindi na niya kailangan pang ipagsiksikan ang sarili tuwing sasakay siya ng tricycle. Sawang-sawa na siyang ipagsiksikan ang sarili niya na daig pa niya ang isang isda na pinasok sa sardinas.Nagbuga siya ng hangin at hinubad ang high heel niya. Ngayon pa talaga nagloko ang pinakamamahal niyang high heel, nakipag-away pa naman talaga siya sa tindera dahil ayaw magpatawad. Trenta pesos lang naman ang gusto niyang ibawas pero sobrang sakit pala sa bangs iyon ng tindera. Akala mo naman ikayayaman niya talaga.“Seryoso ka na, girl? Sira ka na talaga?” b
Nagsalubong ang kilay niya nang makitang pangiti-ngiti si Rafael na pumasok ng Baranggay Hall. Nasa ikalawang palapag sila ng mga oras na iyon at as always, late na naman si Rafael. Sa lahat ng meeting ng mga staff sa baranggay nila na nakadalo sila ay palagi naman talagang late ang binata. Walang bago roon.Ang tamis pa ng ngiti nito na hindi kailanman dumaan sa isip niya na kayang ngumiti ni Rafael ng ganoon. Maliban sa pagsimangot at wala ng kayang gawin ang binata. Mayroon pa pala, ang sungitan siya.“Good morning,” anito at kumatok pa sa pinto sa nakabukas naman. “Sorry at late na naman ako.”Nagtawanan ang mga staff at tumayo si Kuya Marlon.“Palagi kang late, Rafael. Pati mga bata mo ay nasanay na,” tukoy ni Kuya Marlon sa mga estudyante ni Rafael.“Nah, nasanay ang mga bata ni Rafael na si Ella Jane ang nag-aalaga,” singit naman ng isang Kagawad nila na pinabaunan pa ng tawa.“Ano ba kayo, nakalimutan niyo na bang mag-asawa ang dalawang ‘yan?”Hindi na niya alam kung sinong n