AKALA ni Cassandra ay hindi siya makilala ng kaniyang ama ngunit diretso ang tingin nito sa kaniya, walang pagdududa. “Cassandra?” sambit nito. Ang bilis nitong nakalapit sa kaniya. “Bakit po?” walang sigla niyang untag. Sinuyod pa siya nito ng tingin. “Tama nga si Laura, iba ka na ngayon. Totoo ba na nagpakasal ka sa mayamang negosyante?” Taas-noo niyang hinarap ang kaniyang ama. “Opo,” tipid niyang tugon. “Tama ba na dahil sa pera kaya ka nagpakasal? Ano naman ang kapalit, nagbenta ka ng katawan?” Hindi niya nagustuhan ang sinabi nito, ngunit nanatiling nakadungo ang kaniyang respeto sa ama. “Kailan ba nagkuwento ng maganda at tama ang anak n’yong panganay? At ano kung magbenta ako ng katawan? Sa iyon lang ang paraang alam ko para makaahon sa hirap na iniwan ninyo sa ‘kin!” may hinanakit niyang buwelta. “Huminahon ka, anak. Wala akong intensiyong pag-isipan ka ng masama. Alam ko naman na magaling magsinungaling si Laura. Hindi ako naniniwala sa sinabi niya, pero kung magmumu
NAGPAHATID lang si Cassandra sa driver ni Stefan sa mismong clinic ni Doc. Tobi. Konti pa lang ang pasyente pero nagsisimula na ang pagtatawag ng staff. Pang-apat siya kaya hindi na siya naghintay nang matagal. Karamihan pa sa pasyente ay matatanda. Siya lang ang pinakabata roon. Nagkita pa sila roon ng dating amo niya sa restaurant na matandang dalaga at palaging nagsusungit sa kaniya. Diabetic din ito kaya nagkaintindihan sila. Noong bago siya umalis sa restaurant ay bumait ito nang malamang may sakit siya. Kaso dahil kailangang magbawas ng empleyado, humingi ito ng pasensiya sa kaniya dahil isa siya sa natanggal. Pagpasok niya sa tanggapan ng doktor ay naroon na si Tobi. Gusto niya ang outfit nito, hindi halatang doktor dahil nakasuot lang ng bughaw na polo-shirt. Wala itong eyeglasses kaya lalong attractive. Karamihan kasi sa doktor na nakaharap niya, may suot nang salamin sa mga mata. “Hi, Doc!” bati niya. “Oh, hello, Cassandra! Mabuti umabot ka,” nakangiting sabi nito. “Oo
MAY topak na naman si Stefan at nagsusungit. Hindi na ito kinausap ni Cassandra hanggang matapos ang hapunan. Aliw na aliw siya sa pagkuwento kay Lola Isabela dahil matanong ito tungkol kay Tobi. Iniwan na sila ni Stefan sa hapag at pumasok na sa kuwarto. “May problema na naman po ba sa opisina?” tanong niya sa ginang. “Ah, wala naman,” anito. Nagbukas ito ng red wine. “Masungit na naman ang apo n’yo.” “Nako, kanina pa ‘yan iritable dahil ilang oras naipit sa traffic. Nasira ang gulong ng kotse niya at nakisakay siya sa van ng kumpanya. Iyong driver kasi hindi kabisado rito kaya kung saan-saan pa lumusot.” “Bugnutin talaga si Stefan.” “Huwag mo na lang muna kausapin baka mag-away na naman kayo. Pero napag-usapan na namin kanina na matutuloy ang bakasyon ninyo sa US sa susunod na linggo.” Marahas siyang napalingon sa ginang. “Next week na po?” gilalas niyang untag. “Oo, para naman maiba ang hanging malanghap ninyo. At saka mas magkakaroon kayo ng time na mag-bonding na walang i
EXCITED na si Cassandra sa pag-alis nila ni Stefan papuntang US. Hapon naman ang flight nila pero naka-ready na ang mga gamit na dadalhin. Nagpunta pa sa opisina si Stefan dahil may pipirmahang papeles. Nasa lobby na ang dalawang maleta nila ni Stefan at ito na lang ang hinihintay. Nakikinig siya sa mga habilin ni Lola Isabela habang sumasagot sa chat ni Sasha. “Once nakailang araw na kayo sa New York, kumbinsihin mo si Stefan na bisitahin ang puntod ng daddy niya. Aliwin mo muna siya, iyong masayang-masaya para hindi niya kaagad maramdaman ang lungkot kapag nakita ang puntod ng daddy niya,” anang ginang. “Ano po ba ang puwedeng libangan sa New York?” tanong naman niya sa ginang. “Marami. Gustung-gusto ni Stefan mag-harvest ng apple at berries. Alam ko nami-miss na niya iyong gawin. Simula kasi noong namatay ang parents niya, hindi na kami pumunta sa farm nila, kahit sa family house. Doon siya naglalagi sa condo niya sa City.” “Saan po ba nakalibing ang daddy ni Stefan?” “Doon s
HINDI na madalaw ng antok si Cassandra kaya tumambay sila ni Stefan sa hardin, sa may gilid ng artificial lake na naliligiran ng malalagong halaman. Umaga na sa Pilipinas at iyon ang nasanayan ng katawan nila. Umiinom sila ng pure blueberry juice habang nakaupo sa bench na yare sa bato. Si Robin pala ang nag-renovate ng garden, lalo na ang landscape. Ang husay ng mga kamay nito sa paghulma ng mga artificial furniture na yare sa bato. Mga artist pala ang side ng daddy ni Stefan. Mucisian din si Uncle Bob, magaling ding sculture. Nang maubos ang inumin nila ay niyaya niya si Stefan na mamitas ng berries na nakahilira sa gilid ng bakod na yare sa bato pero may design na parang kahoy. Iba-ibang berries variety ang mga ito at hindi niya kilala ang iba. Dahil ignorante, isa-isa niyang tinikman ang mga ito. “Baka puwede nang mamitas ng apple!” sabik niyang wika nang makita ang puno ng mansanas. “Hilaw pa ang mga ‘yan. Green apple mga ‘yan at hindi ko gusto ang lasa, mas maasim. Doon tayo
MAAGANG umalis ng bahay ang mag-asawa. Dahil malayo ang sentro ng New York, nagbaon si Cassandra ng pagkain nila at pinapak sa biyahe. Balak din nila na mag-check-in sa hotel upang masulit ang pamamasyal. Mabuti pumayag si Robin na gamitin nila ang kotse nito. Hindi na sila nahirapan sa biyahe. Nag-check-in muna sila sa hotel at nag-lunch. Pinanindigan na niya na wala siyang kakaining kanin at karne. Mabuti marami siyang baong nuts at prutas. After lunch na sila nagtungo sa libingan ng mga sundalo. Kabisado naman ni Stefan ang daan pero hindi na umano nito matandaan kung saan banda ang puntod ng daddy nito. Inisa-isa pa nila ang mga nitso. Malinis ang lugar, organize ang mga libingan at maayos ang garden. Lapida lang naman ang makikita sa bawat puntod. Pansin niya na nakasunod lang sa kaniya si Stefan, hindi naghahanap ng puntod ng tatay nito. Sinabi lang nito sa kaniya ang pangalan ng tatay nito at siya ang naghanap. “Ito na!” sigaw niya. Ang layo ni Stefan sa kaniya. Tila ayaw
“PATI ba naman dito humaharot ka sa doktor mo?” sabi ni Stefan nang maibalik ang cellphone kay Cassandra. Iritang-irita siya sa way ng conversation ng dalawa, obvious na komportable sa isa’t isa. “Anong humaharot? Kinumusta lang ako ni Doc. Harot ba ‘yon?” depensa nito. Lalo lamang uminit ang kaniyang ulo. “You know, I've never encountered a doctor like Tobi. His care was beyond his duty. Ganyan din siya kay Lola pero hindi humantong sa pagtatanong ng personal life. Madaldal lang si Lola at kusang nagkukuwento.” Hindi niya napigil ang sarili sa pagpalatak. Nabasa kasi niya ang ibang mensahe ni Tobi. Pati rason ni Cassandra sa pagpunta nila sa New York ay inalam nito. This guy has already crossed the boundary and privacy of his patient, and it woke his curiosity. Feeling talaga niya may something sa doktor na ito. “Ang OA mo talaga. Insecure ka lang kay Doc. O baka naman nagseselos ka lang,” ani Cassandra. Dumaiti ang mga ngipin niya sa gigil. Hindi rin matanggap ng ego niya na m
BUMUBUTI na ang pakiramdam ni Cassandra pero hindi pa rin siya gumagalaw. Naririnig niya ang mayamayang pagmumura ni Stefan, natataranta na. Na-amaze siya sa pag-aalala nito sa kaniya, at natanto niya na hindi naman pala siya nito kayang pabayaan. Sinubok pa niya ito kung ano pa ang kaya nitong gawin para sa kaniya, o kung apektado ba ito sakaling mawala siya. Pero kalaunan ay natanto niya na nasa emergency situation sila, natural ay mataranta ito dahil sila lang ang naroon. Hindi niya kailangang bigyan ng ibang kahulugan ang pag-aalala nito. Malinaw na sa kaniya na walang balak si Stefan na seryosohin ang deal nila. Naguguluhan lang ito dahil na-trap ito sa deal, pero tiyak na gusto na nitong balikan si Janica. Bigla siyang inatake ng anxiety, siguro dahil na rin sa mabilis na pagbago ng hormone niya. It was the first time her blood glucose dropped to the lowest and critical level. Kung hindi siya naagapan ni Stefan, baka, comatose na siya, or worse, natsugi. Kasalanan din niya da