PINAGLIBAN na muna ni Cassandra ang paghahanap ng puwesto para sa business na bubuksan niya. May naisip na rin siyang negosyo na kayang-kaya niya at related sa kursong kaniyang tinapos. Kung kailan paalis na siya ay dumating si Sasha, nagmamadali. “Besh, saan ka pupunta?” tanong nito. “Sa ospital, bibisitahin ko si Lola Isabela,” aniya. “Pumunta pala si Donie sa bahay kanina, may pinabigay si Stefan. Ito, oh.” Inabot nito sa kaniya ang brown envelope. May ideya na siya kung ano ang laman ng envelope. Nang mabuksan ay ito hindi nga siya nagkamali, may kinalaman ito sa divorce nila ni Stefan pero wala pa ang pipirmahan, meaning, hindi pa official divorce paper. May kasama pa itong sulat mula kay Stefan. Stefan: As you wish, I rushed the divorce, but it’s not the final decision of the court. They are asking for your psychiatric report to prove that you are mentally unstable. Pinagbasehan ko lang ang sinabi mo sa chat kung ano ang puwedeng dahilan para ma-approve ng korte ang nai-fi
DALAWANG linggo ang nakalipas bago nakarating kay Cassandra ang balita na approved na ang divorce niya kay Stefan. Akala niya’y mapapanatag na siya ngunit inusig na naman siya ng kaniyang puso. Huling kita nila ni Lola Isabela sa ospital, iniyakan na naman siya nito. Pabalik-balik ang ginang sa ospital dahil sa hindi stable na kalusugan. Kuwento pa nito, hindi na umano umuuwi sa bahay si Stefan at sa condo naglalagi, minsan sa opisina natutulog. Samantalang natuloy ang opening ng kaniyang cafe sa tulong ni Tobi at Sasha. Ang problema, hindi siya makapag-focus dahil sa madalas niyang pagkahilo at hindi maintindihang cravings niya. Madalas din siyang magsuka. Kinailangan pa ni Sasha ng mag-leave sa trabaho upang matutukan ang business niya. Pinayagan naman ito ni Donie. Hindi na normal ang kaniyang hilo at sakit ng ulo. Lunes ng umaga ay hindi na naman siya nakaalis ng bahay dahil sa matinding kirot ng kaniyang ulo. Sa sobrang busy ay hindi na siya nakapakonsulta ulit sa doktor. Busy
GABI na nakauwi ng bahay si Cassandra at hinatid siya ni Tobi. Umuwi na ang papa niya pero tiniyak muna na okay siya. Sumugod din si Sasha sa bahay niya at hindi pa alam ang dahilan bakit siya hinimatay. “Salamat, Doc. Mabuti to the rescue ka palagi sa beshy ko,” sabi ni Sasha kay Tobi. “I need to monitor Cassandra’s health, so I kept on asking an update from her. Lalo na ngayon na dalawang buhay na ang aalagaan ko,” ani Tobi. “Ho? Paanong dalawang buhay?” Napamulagat si Sasha. Tahimik lang na nakaupo sa sofa si Cassandra at hinayaang si Tobi ang magpaliwanag kay Sasha. Pagod na pagod na siya at gusto nang mahiga. “Cassandra was pregnant,” walang gatol na bunyag ni Tobi. “What? Seriously?” Windang na windang si Sasha, lumapit pa kay Cassandra. Kinalabit siya nito sa kanang braso. “Uy, beshy, totoo ba? Buntis ka?” kumpirma nito. Tumango lamang siya. “Baka may kilala kang puwedeng makasama rito ni Cassandra, Sasha. Hindi puwedeng mag-isa lang siya rito,” sabad naman ni Tobi. “A
NAPARAMI na naman ang kain ni Cassandra ng prutas na matatamis kaya siya nahilo. Nasermonan siya ni Tobi pagdating nito ng cafe at naabutan siyang kumakain pa ng hinog na mangga. “Hindi ko mapigilan, naglalaway ako,” sabi niya. “Ang tigas kasi ng ulo mo. Sabing sa bahay ka muna para hindi ka matukso sa mga pagkain dito sa cafe. Gusto mo talagang tumira sa ospital, ano?” palatak ni Tobi. “Sorry na. Pero para akong malalagutan ng hininga kung hindi makakain ang gusto ko.” “Okay. Ganito na lang, mag-stay ka sa bahay at mag-stock ng pagkaing gusto mo, pero babantayan ka ng nurse mo. Once napasobra ka ng kain, dadalhin ka ng nurse sa ospital.” Kinabahan naman siya at napilitang sundin si Tobi. Ayaw niyang mag-stay sa ospital at makita ang masungit niyang OB. Simula nang maglihi siya, nagiging sensitibo rin siya. May makita lang siyang nagagalit, sumasama ang loob niya. Mabilis din siyang mainip, mairita. Pakiramdam tuloy niya ay sumanib sa kaniya ang ugali ni Stefan. Lalo lamang siya
NAGIMBAL si Cassandra nang sabihin ni Tobi na nakausap nito si Stefan. Nabunyag na rin nito ang totoo kay Stefan na buntis siya. Nainis siya sa ideya na nagduda pa si Stefan. Lalo tuloy siyang naudyok na ipagkait dito ang karapatan nito sa bata. “But he’s obviously jealous of me. Iniisip niya na may relasyon tayo, kaya siya nagduda,” bawi ni Tobi. Katatapos lang ng check-up niya sa OB at lulan na sila ng kotse nito pauwi sa kaniyang bahay. Mataman siyang tumitig kay Tobi na seryoso sa pagmamaneho. Siya ang nahihiya rito dahil sa inasal ni Stefan. “Wala namang dahilan para magselos siya. Baka hindi lang matanggap ng ego niya na kaya ko siyang balewalain,” aniya. “That’s not the reason, Cass. Stefan has a point and also has reason to feel jealous. Natanto ko na sobra naman talaga ang care ko sa ‘yo. Hindi ko naman ikinakaila ‘yon. At hindi ka lang basta pasyente sa akin.” Walang kurap na muli siyang tumitig dito, hindi makuha-kuha ang nais nitong ipahiwatig. Kalaunan ay naisip niya
KINABUKASAN ng Biyernes ay muling binisita ni Cassandra si Lola Isabela sa ospital. Hindi pa ito pinapauwi ng doktor dahil hindi pa stable ang puso nito. Dinalhan niya ito ng ginawa niyang fruit salad na walang artificial sweetener, wala ring cream. Hindi pa nasasabi ni Stefan sa ginang ang tungkol sa pagbubuntis niya kaya hindi ito aware. Ayaw rin muna niyang sabihin. Maaring hindi pa nag-sink in sa kukoti ni Stefan ang lahat, o baka natatakot itong sabihin sa ginang. Alam nito na pipilitin ito ng ginang na panagutan siya, at mauudlot na naman ang pagsasama nito at ni Janica. “Paningin ko nagkakalaman ka na, hija. Ano ang mga kinakain mo?” tanong ng ginang. Ayaw nitong bitawan ang kanang kamay niya at gustong pinipisil. “Uh…. mga prutas at gulay lang naman po. Siguro hiyang ko rin ang bago kong vitamins na reseta ng OB ko,” aniya. Kulang na lang ay hihiga siya sa tabi ng ginang. Doon siya nito pinaupo sa tabi nito at mayamayang niyayapos sa baywang. Sobrang na-miss siya nito, gan
TUMAYO si Stefan matapos maubos ang tubig sa kaniyang baso. Panay ang buntonghininga niya habang palapit sa salaming dingding. Buhat doon ay natatanaw ang indoor garden ng hotel ni Donie. He’s waiting for Janica’s compliment regarding his last words. Tumayo na rin ito at malalaki ang hakbang na lumapit sa kaniya. “Akala ko ba okay na? Tapos na ang deal mo kay Cassandra. Ano pa ang gusto mo, Stefan? Hindi mo pa ba matanggap na hindi ako nagtaksil sa ‘yo? Hindi mo pa ba ako kayang patawarin?” walang prenong palatak nito. Pumihit siya paharap dito. “I have forgiven you, Janica. Kahit may duda pa ako sa pinakita mong video, pinalagpas ko na dahil nakita ko naman ang agresibo mong hakbang para makuha ang loob ko. Pero….” He was truck in his guilt, na alam niyang masasakyan si Janica. “Pero ano? Ano pa ang kulang?” mangiyak-ngiyak nitong tanong. Nagbabadya nang lumaya ang luha mula sa mga mata nito. He took a deep breath. “It won’t work anymore. We’re not the same before, and our romant
SUMILIP din sa bintana sa may sala si Cassandra dahil sa busina ng sasakyan. Nang bumalik si Lena ay iiling-iling ito. “Wala naman pong ibang kotse sa labas. Baka sa kapitbahay lang po ‘yon,” ani Lena. “Hayaan mo na. Kain na tayo,” aniya. “Mauna na ho kayo. May gagawin lang ako sa kusina.” Nilagpasan lang sila ni Lena. Niyaya na niya si Tobi na samahan siya sa hapunan. Sumunod naman ito sa kaniya. Hindi pa rin siya maka-get over sa biglang pagbisita nito at may dala pang bulaklak. Iyon ang unang beses na binigyan siya nito ng bulaklak. Dati ay puro prutas lang ang dala nito. Wala man itong sinabing kahulugan ng bulaklak, may ideya na siya kung para sa ‘yon since umamin na ito na gusto siya nito. Wala naman itong ibang sinabi kundi kinumusta ang kalusugan niya. Natuwa ito nang makitang nilagang gabi at kamote ang kinakain niya. Mas marami rin siyang nakaing gulay na berde. “Iba naman ngayon ang trip mong kainin, ah,” sabi nito. “Ah, oo, nagustuhan ko kasi ang nilagang gabi. Mab