Share

42: Pangamba at Pangungulila

Ilang araw ng hindi mapakali si Esmeralda at ilang araw na rin ang nagdaan pagkatapos niyang mabasa ang aklat ni Lakan na nagpamulat nang husto sa kaisipan niya. Gabi-gabi niyang napapanaginipan ang nilalaman niyon. Ginagambala siya ng iba’t ibang mga isipin na hindi niya dapat bigyan ng atensyon. Mas may importante pa siyang dapat isipin at iyon ay ang mas lalong dumadalas na pagbisita ni Senyor Ferdinand sa mansiyon. 

Hindi rin lumagpas sa tenga niya ang usapan na namagitan rito at sa ama niya tungkol sa pag-iisip ng dalawa ng petsa para sa kasal. 

Itutuloy ng ama niya ang pagbebenta ng sariling anak sa Kastila na iyon. Hindi naman iyon literal na pagbebenta talaga. Para kay Esmeralda, parang ganoon din naman ang mangyayari. Hindi siya pinapakinggan ng ama sa gusto niyang mangyari. Nagsimula na rin niyang sinasabi ang mga pagtutol niya. Hindi

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status