Share

Kabanata 2: Escape

BELLA POV

Pinasadahan niya ako ng tingin mula ulo hanggang paa at nakita ko kung paano natigil ang mga mata niya sa mismong mga paa ko.

Hindi ako conscious sa sariling pangangatawan dahil malaki ang tiwala ko sa sariling maganda talaga ang pangangatawan ko. Pero ngayon, sa harapan mismo ni Zackeriel ay hindi ko mapigilang mahiya at mailang sa paraan nang paninitig niya.

He is Zackeriel Bennedict Buenaventura for goodness sake! Ang lalaking minsan ko nang minahal.

Umayos siya ng tayo at humakbang ng isang beses palapit sa akin. Dahil sa gulat ay agad akong napaatras ng dalawang hakbang.

Natigilan siya nang mapansin niya iyon. Bigla siyang pumikit nang mariin at hinubad ang apron na suot.

"Fuck! Why are you stripping?!" sigaw ko at mabilis ang ginawang pagtalikod.

What the hell is he doing?!! At bakit ako naririto? Bahay niya ba ito? Haaysss!

"Sorry akala ko kasi mamaya ka pa magigising kaya hindi na ako nagsuot pa nang t-shirt habang nagluluto. It's ok I'm all covered now, you can now turn around."

Hindi ko siya nilingon at napapakagat labi akong tumungo. Shit! Anong gagawin ko? Bakit sa dinami dami ng pwedeng makatagpo ay bakit siya pa?!

Sinabi ba ni Leon sa kanya ang tungkol sa akin? I doubt that, but they are friends. No, this is not the time to think about it! I need to get away now!

Kailangan ko nang makaalis sa lugar na ito! Tama! Tama iyon nga ang kinakailangan kong gawin sa mga oras na ito.

Mabilis akong humarap sa kanya at aalis na sana nang mabundol ako sa matigas niyang dibdib.

Fucking shit! Bakit nandiyan na siya sa likuran ko?

Nanlalaki ang mga mata kong nag-angat ng tingin sa kanya. His broad body is towering over me. His intense gaze brown eyes is all focus on me na para bang ayaw na niyang kumurap pa.

"Alam mo bang ang daming nagnanasa sa iyo kagabi sa club. Habang pinagmamasdan kitang napapaliyad na nag gri-grind sa gitna, marami ang nabaling leeg sa kakalingon sa iyo," sabi niya at nag iwas siya ng tingin sa akin at itinuro ang upuang nakalaan para sa akin.

"Let's eat, alam kong may hangover ka pa."

Napaawang ang bibig ko at matagal bago ko naproseso ang mga sinabi niyang iyon.

Damn!

Bakit napaka kalmado niya sa mga oras na ito? This is the first time we saw each other for the past ten years. Yet, ang ginawa ko lang sa club ang ipinuna niya. I can't help myself from thinking too much. Nang mawala ako ay fiancee na niya si Daniela. I wonder if nagpakasal na ba silang dalawa sa nakalipas na sampung taon.

Of course, Bella! Sobrang tagal na ng panahon. Dapat lang na kasal na siya ngayon. Hindi ko maiwasang mapakagat labi. I'm happy for them.

"H-how did you find me?"

Ramdam ko ang intensidad sa bawat tingin niya sa akin.

"Nakita kita sa club. A fucking asshole is taking you somewhere. Your too drunk."

Napapatango ako at agad nakuha ang ibig niyang sabihin. He helped me because his concerned about me. Sa lahat ng pagkakataon na pwede kaming magkita ay sa ganoong tagpo pa talaga.

"Thank you for helping me. And thanks for the food also but I need to go now. Thanks a lot Zackeriel," bigkas ko at agad na tinakbo ang pintuan niya para makaalis na.

We maybe really not for each other. Ang pagmamahal ko para sa kanya noon ay parang isang agos ng ilog na napapatuloy at ni hindi manlang natatapos. At ngayon ay unti-unti nang bumabalik.

I cannot let my emotions filled in me. He's married now and I don't want to be involved with him anymore.

Mabilis akong lumabas ng suite niya at nagmamadaling pumasok sa elevator. Bago paman iyon sumirado ay nakita ko pa ang marahas na pagbukas ng pintuan ng condo unit niya. Kitang kita ko kung paano niya takbuhin ang pagitan naming dalawa.

"WAIT BELLA!!" sigaw niya bago tuluyang sumirado ang elevator.

Doon lang ako nakahinga nang maluwag at maayos pero ramdam na ramdam ko pa rin ang bilis na takbo ng aking puso.

Shit!

Tumunog ang elevator ibig sabihin ay nasa ground floor na ako. Agad akong naglakad papalabas ng hotel na iyon at pumara ng taxi. Nakalimutan ko pa ang pouch ko sa loob ng kwarto niya at ang sasakyan ko naman ay naiwan sa club. Damn!

ZACKERIEL POV

FUCK! FUCK! FUCK!

Sinuntok suntok ko ang nakasarang pintuan ng elevator dahil sa hindi ko siya naabutan.

Marahas kong nilingon ang katabi nitong elevator at nakita doon ang isang sign.

'Out of order.'

GOD DAMN IT!

Mabilis kong kinuha ang aking selpon sa bulsa at tinawagan si Hellia. Isa sa mga pinsan ni Leon.

[ Hey this is Hellia Ruis Speaking-]

"FUCK YOU MONDRAGON! FUCK YOU! AYUSIN MO ITONG HOTEL MO TANGINA MO!" sigaw ko sa kanya tsaka marahas na itinapon ang aking selpon sa isang gilid.

Nakita ko kung paano nabasag ang screen nito. Tss!

Naging marahan ako kay Bella kanina dahil ayaw ko siyang matakot sa akin. Pero kabaliktaran pa ngayon ang nangyari. Umalis siya ng hindi manlang ako kinakausap tungkol sa nangyari noon. I didn't expect also that she will just tell me everything. Pero ang akala ko ay magtatagal pa siya para saluhan ako sa pagkain. Pero tangina! Umalis siya! Umalis na naman siya. Tinakasan na naman niya ako.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status