Share

Kabanata 1: Meet Again

ZACKERIEL POV

Napapakurap akong nakatitig sa kanya at halos wala na akong pakialam sa selpon kong kanina pa tumutunog. Nakatuon lang ang mga mata ko sa babaeng namumungay ang mga mata habang papalapit sa akin.

"Zackeriel.... haaa! I-ikaw nga," bulong niya na dinig na dinig ko naman.

Hinaplos niya nang marahan ang mukha ko dahilan para mas lalo lang akong matigilan.

Siya nga! Siya nga ito! Siya nga itong nasa harapan ko ngayon.

Bigla siyang ngumiti ng marahan sa akin bago nawalan ng malay. Agad ko naman siyang nasalo.

Fuck! Fuck! Fuck! Is this even true? Bella is alive and she is now in my arms for crying out loud!

Damn! If I am dreaming right now ayoko nang magising pa sa panaginip na ito.

Marahan ko siyang binuhat at mabilis na isinakay sa sasakyan. Halos walang kasing rahan ko siyang inihiga sa passenger seat, takot na bigla na lamang siyang maglaho na parang isang bula sa mga bisig ko.

Matapos ko siyang mailapag ay nagmamadali akong umikot sa driver seat at pinaandar ang sasakyan ko pauwi. Siya namang pagtunog ulit ng selpon ko.

"Hello?" marahan kong sagot at panay ang sulyap sa kinaroroonan ni Bella.

Fucking fuck shit! Hindi pa rin ako makapaniwalang siya itong nasa tabi ko ngayon. After all this years nandidito na siya sa tabi ko. Sa mismong loob ng sasakyan ko. Hindi ko tuloy mapigilang punasan ang isang patak ng luha sa gilid ng aking mga mata.

Kahit kailan ay hindi talaga ako naniwalang patay na siya. Kahit kailan ay hindi ako sumukong maniwala na buhay siya.

[S-sir nandito na po silang lahat---]

"I'm sorry Liza please tell them na cancel na ang meeting ngayon. May mas importante akong gagawin," bigkas ko at pinatay ang tawag.

Sinulyapan ko ulit si Bella na natutulog sa tabi ko.

"Just wait Baby, malapit na tayong dumating sa bahay."

Nang dumating kami sa parking lot ng condo unit ko ay maingat ko ulit siyang binuhat. At habang nasa elevator kami ay ramdam na ramdam ko ang malambot niyang mga balat sa mismong braso ko.

Halos nawala ako sa kalasingan nang dahil lang sa kanya. Tumunog ang elevator hudyat na nasa tamang palapag na ako. Agad kong sinwipe ang card ko sa pintuan ng condo ko at nagmamadaling nagtungo sa kwarto.

Halos hindi na ako humihinga nang mailapag ko siya sa malambot kong kama. At nang masiguradong ok na ang pagkakahiga niya ay napasabunot ako sa sariling buhok.

Fuck! The girl I loved the most is in here in my house. My fucking sacred house! Kahit kailan ay hindi pa ako nagpapasok ng babae dito. Tanging siya lang ang naipasok ko rito.

Pagod akong naupo sa katapat na upuan sa kama at walang ibang ginawa kundi ang titigan ang mala anghel niyang mukha na payapang natutulog.

Titig na titig ako sa maganda niyang mukha. Kitang kita ko ang mga pagbabago doon at isa lang ang masasabi ko. Mas lalo lamang siyang gumanda.

Maingat akong lumuhod sa harapan niya at hinaplos ang payapa niyang mukha.

"Pinaghiwalay man tayo nang panahon pero ikaw pa rin ang nagmamay-ari nitong puso ko Bella," puno ng pagmamahal kong bulong sa kanya.

My Bella, grown up so beautifully.

Bakit? Bakit hindi kita nahanap agad Bella? Saan ka nagpunta sa nakalipas na sampung taon? At bakit hindi ko maopen ang file mo? May itinatago ka sa akin tungkol sa pagkatao mo diba? Katulad ko, you are one of the elites in the society. Alam ko iyon, ramdam ko. Pero bakit, bakit nakatago ang file mo?

Alam mo bang sobrang nalungkot ako sa pagkawala mo baby. Sinisi ko ang sarili ko sa lahat ng mga nangyari. Takot na takot ka siguro noong mga panahon na iyon.

Don't worry baby. I can protect you now. I can protect you from those fucking syndicate. Hindi na ako iyong dating Zack na takot sumugal na kailangan pa ng panahon para makapag buo ng desisyon. I'm not the young and reckless young boy back then.

BELLA POV

Napakunot ang noo ko nang tumama ang mainit na sinag ng araw sa mismong mukha ko. Nakapikit akong gumulong at niyakap ang unan sa tabi ko. Sa hindi malamang dahilan ay dahan-dahan akong nagmulat ng mga mata.

Teka! Bakit iba yata ang amoy ng unan ko ngayon? Amoy lalaki.

WHAT THE! AMOY LALAKI?!

Mabilis akong bumangon at napaigik ng maramdaman kong sumakit ang ulo ko. Ahhh! Shit! Anong nangyayari?

Marahan kong inilibot ang tingin sa buong paligid. Purong puti ang nakikita ko at maganda ang interior designs na nasa bawat gilid. Malinis din ang buong silid at mukhang napakametikuloso ng pagkakaarranged ng mga gamit.

Nakakadagdag halina pa ang mabangong amoy na panlalaki. Oo nga pala, asan ba ako?

Mabilis kong chineck ang sarili ko at nanlaki ang mga mata ko nang makitang nakasuot na ako ng isang over sized white t-shirt tsaka boxer.

No..no..no..no! Natataranta kong sinilip ang panloob ko at nakitang nandon pa rin naman iyon.

Greet! My dress is missing but my underwears are still on me. Greet, we can work with that.

"Aray!" impit ko nang sumakit ulit ang ulo ko.

Kung sino man ang tumulong sa akin ay sobrang pasasalamatan ko siya ng malaki. Dahil hindi niya ako pinagsamantalahan habang lasing ako at walang malay.

Marahan akong bumaba sa kama at nakapaang nagtungo sa pinto. Binuksan ko iyon at doon na amoy ko ang mabangong soup na panigurado akong nanggagaling mismo sa loob ng kitchen.

Natatakam tuloy ako.

Kaya sinundan ko ang amoy nito at hindi nga ako nagkamali. May nakahandang ulam at mga pagkain sa gitna ng lamesa. Umuusok pa nga ang sabaw nito na mas lalong nagpatakam sa akin. Masaya akong lumapit doon at hinawakan ang isang kutsara para sana tikman ang nasabing pagkain.

"I'm glad your awake now."

Halos natigilan ako sa baritonong boses na iyon at agad nilingon ang may-ari.

Nang makita ko ito ay para akong naistatwa sa aking kinatatayuan. Dahil sa sobrang gulat ay nabitiwan ko pa nga ang aking hawak hawak na kutsara. Hindi ako makapaniwala ngayon sa aking nakikita. Nakahilig sa hamba ng kusina si Zackeriel habang nakasuot ito ng apron at boxer short.

Napalunok ako nang marahas at agad inalala ang mga nangyari kagabi. Ano ba ang nangyari at napunta ako ngayon sa bahay ni Zackeriel.

Damn it!

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status