Disclaimer:
This is only work of fictions. All characters, locations, names of buildings are all fictitious and imaginary product of the author. If there is any resemblance to any location, person, building etc. It is purely co-incidental and not intentional. BELLA POV Pagkatapos nang pagpunta ko sa kompanya ni Daddy kanina ay hindi na ako lumabas pa ng bahay. Nagmukmok ako sa loob ng kwarto ko at buong araw lang na natulog. Panay pa nga ang tawag sa akin ni Dominic pero sa halip na sagutin ang mga tawag niya ay inoff ko na lang ang aking selpon. Mga alas 11 na ng gabi ng maisipan kong lumabas. Halos patay na ang lahat ng ilaw sa labas kaya parang pusa akong dahan-dahan na bumaba sa engrandeng hagdanan. At upang hindi ako makalikha ng ingay ay binitbit ko na lang din ang aking silver high heels. Deretso akong pumasok sa aking pulang ashton martini. At lumabas ng subdivision. Greet! Now this is called a night out! Habang nagmamaneho ay panay ang sulyap ko sa salamin upang tingnan kung ayos ba ang itsura ko ngayon. I was wearing a black silk mini dress at hinayaan ko lang na nakalugay ang aking buhok. Hindi na ako nag-abala pang maglagay pa ng makeup. Napapangiting inihinto ko ang aking sasakyan sa parking lot ng isang sikat na exclusive club. Bago lumabas ay tinitigan ko ang sign board na nasa ibabaw nito. 'Welcome to Rockwell Club.' So, ito pala talaga ang pinakasikat na club sa buong manila. Masigla akong lumabas ng sasakyan at nilibot ng tingin ang buong paligid. Woohh! this is super cool! Walang bodyguards at walang Mr. Art na laging nakabuntot. Mahigpit ang hawak ko sa aking pouch tsaka naglakad papasok sa loob ng nasabing club. Unang sumalubong sa akin ay ang napakalakas na tugtugin at ang mga taong nagsasaya sa dance floor. Dumeretso ako sa bar counter at agad na umupo sa stole. "Beer please," nakangiting sabi ko sa bartender na nakatulala sa akin. "Y-yes, right away Madame." Mas lalo ko lang siyang nginitian bago ko iginala ang buong paningin. "Uhm..heto na po Madame." "Thanks." I said and drink my shot. Napangiwi ako nang malasahan ko ang pait sa inuming iyon. Sobrang tagal ko nang hindi ito natitikman. Sa U.S. Kasi purong female wine lang ang naiinom ko dahil hindi ako pinapayagan ni Dominic na uminom nang ganito. "Bago lang po kayo dito Madame? Hindi ko pa po kasi kayo kahit kailan nakita rito," tanong ng bartender sa akin. "Yeah, This is my first time." ZACKERIEL POV As usual nandidito na naman ako sa paborito kong club. Tsk! Tuwing gabi na yata ako nandidito. Lumabas ako ng private room at humilig sa railings. Kitang-kita ko ang mga taong nagwiwild dance sa ibaba. Tss. Akmang aalis na ako nang matigilan ako sa ginagawang paghakbang. Nanlalaki ang mga mata ko at hindi makapaniwalang ibinalik ulit ang tingin sa gitna ng dance floor. Titig na titig ako sa nag-iisang babaeng nakasuot ng itim na mini dress na may mahahaba at maalon-alon na buhok. Nakatalikod ito sa mismong direksyon ko pero kitang-kita ko ang makinis nitong balat na sobrang puti. Fuck! Naaalala ko tuloy si Bella sa isang iyon. Tsk! Hindi na ata maganda ito, mukhang lasing na yata ako. "Hii, Mr. Buenaventura it was so nice to see you here around." Nilingon ko ang may-ari ng boses na iyon at nakita ko si Emelia. Anak ng isa sa mga kasosyo ko sa business world. Nakasuot ito ng spaghetti dress na hapit na hapit sa kanyang beywang. Damn it! I need to get out of here. Hindi ko siya pinansin at deretsong naglakad paalis. Napadaan ako sa bar counter at hindi sinasadyang marinig ang sinasabi ng bartender. "Naku! Mukhang lasing na lasing napo kayo Miss Bella. May iba pa po ba kayong kasama?" Kumunot ang noo ko sa pangalang narinig at nilingon ang direksyon nila. Hawak-hawak ng bartender na iyon ang isang babaeng nakayuko sa counter dahil sa sobrang kalasingan. Kumunot ang noo ko nang mapansin na ito iyong babaeng sumasayaw kanina sa gitna ng dance floor. Tss. My Bella is not alcoholic. Tsk! Nagkamali ako sa pag-iisip na magkatulad silang dalawa. Nagpatuloy ako sa paglalakad at ng makalabas ay agad kong tinawagan si Liza. [ Good evening Sir. Ano pong maitutulong ko? ] Tanong niya sa kabilang linya. "Ihanda mo ang conference room at magpatawag ka ng meeting. I will be there at exactly 15 minutes." [ Po?! Pero sobrang gabi na po ngayon Sir. ] "Papunta na ako," walang pakialam kong sabi at sinulyapan ang aking pambisig na relo. [ R-right away sir! ] Ibinaba ko ang tawag at akmang bubuksan ko na ang pintuan ng aking sasakyan nang may marinig akong sumisigaw. "Fuck!" Napalingon ako sa pinanggalingan ng boses na iyon at doon nakita ko ang isang babaeng nagpagewang gewang sa paglalakad. Ito iyong babae kanina ahh. May nakaalalay sa kanyang isang lalaki na mukhang hindi rin mapagkakatiwalaan. Just look at that! Isang lasingga at isang manyakis. Tsk! tsk! Ano bang pakialam ko sa kanila. Hindi naman bago sa akin ang makakita ng ganyan. "Ano ba! What do you think your doing?!" lasing na sigaw ulit nung babae. "Ahahaha helping you out. I guess," natutuwang anas nang lalaki at hinawi ang buhok ng babaeng iyon. Nanlaki ang mga mata ko nang masilayan ang mukha niya. "There you are. Why such a pretty woman drinking alone at this hour huh? Iniwan ka ba ng boyfriend mo? I can volunteer to be his replacement," wika nito at hinawakan ang panga ng babae para makita ng maayos ang buong mukha nito. "Just leave me alone!" sabay tampal niya sa kamay ng lalaki. Titig na titig ako sa mukha ng babaeng nakapikit na abala sa pagtulak palayo ng lalaking kasama niya. "Pwede namang ako na lang ang maghatid sa iyo-" Hindi ko na napigilang makialam sa kanilang dalawa. Mabilis akong nakalapit sa kanila at hinawakan ang kamay ng lalaking ito na may balak pa atang haplusin ang katawan niya. "Sino ka ba?!" galit niyang sigaw sa akin. Sinulyapan ko lamang siya pero agad ring nagbalik ang tingin sa babaeng nakahilig sa pulang sasakyan. "Umalis ka na. At baka hindi kita matantya," mariing bigkas ko habang tinititigan si Bella. Fuck! For the past ten years ay halos suyurin ko na ang buong El fuego at pilipinas sa paghahanap sa kanya. At ngayon, heto na siya sa aking harapan. Lasing at parang wala na sa sarili dahil sa alak. "Aba't napakaangas mo ahh! Sino ka ba para mangialam?!" "Hindi mo magugustuhan kapag nakilala mo ako kaya ang mabuti pa umalis ka na!" I sneered at him that made him scared. Walang imik siyang umalis. Mabilis kong nilingon ang babaeng ito at nakitang nakatingin na siya sa akin. Fuck! Is she... "Z-zackeriel? I-ikaw ba iyan?"ZACKERIEL POV Napapakurap akong nakatitig sa kanya at halos wala na akong pakialam sa selpon kong kanina pa tumutunog. Nakatuon lang ang mga mata ko sa babaeng namumungay ang mga mata habang papalapit sa akin. "Zackeriel.... haaa! I-ikaw nga," bulong niya na dinig na dinig ko naman. Hinaplos niya nang marahan ang mukha ko dahilan para mas lalo lang akong matigilan. Siya nga! Siya nga ito! Siya nga itong nasa harapan ko ngayon. Bigla siyang ngumiti ng marahan sa akin bago nawalan ng malay. Agad ko naman siyang nasalo. Fuck! Fuck! Fuck! Is this even true? Bella is alive and she is now in my arms for crying out loud! Damn! If I am dreaming right now ayoko nang magising pa sa panaginip na ito. Marahan ko siyang binuhat at mabilis na isinakay sa sasakyan. Halos walang kasing rahan ko siyang inihiga sa passenger seat, takot na bigla na lamang siyang maglaho na parang isang bula sa mga bisig ko. Matapos ko siyang mailapag ay nagmamadali akong umikot sa driver seat at pinaan
BELLA POV Pinasadahan niya ako ng tingin mula ulo hanggang paa at nakita ko kung paano natigil ang mga mata niya sa mismong mga paa ko. Hindi ako conscious sa sariling pangangatawan dahil malaki ang tiwala ko sa sariling maganda talaga ang pangangatawan ko. Pero ngayon, sa harapan mismo ni Zackeriel ay hindi ko mapigilang mahiya at mailang sa paraan nang paninitig niya. He is Zackeriel Bennedict Buenaventura for goodness sake! Ang lalaking minsan ko nang minahal. Umayos siya ng tayo at humakbang ng isang beses palapit sa akin. Dahil sa gulat ay agad akong napaatras ng dalawang hakbang. Natigilan siya nang mapansin niya iyon. Bigla siyang pumikit nang mariin at hinubad ang apron na suot. "Fuck! Why are you stripping?!" sigaw ko at mabilis ang ginawang pagtalikod. What the hell is he doing?!! At bakit ako naririto? Bahay niya ba ito? Haaysss! "Sorry akala ko kasi mamaya ka pa magigising kaya hindi na ako nagsuot pa nang t-shirt habang nagluluto. It's ok I'm all covered now, you
HELLIA POV Napatitig ako sa selpon kong kanina pa tapos sa tawag. "Did he just yell the fucking hell out of me?" galit kong tanong sa sarili. Ano na naman bang problema ng Buenaventurang iyon? "What's the problem Ruis? Ayos ka lang ba?" tanong ng ka date ko ngayon. Ano nga bang pangalan ng isang ito? Anna, Andrea, Megan? Hindi ko na maalala. "Yeah, nawala na ako sa mood kaya aalis na ako," sabay tayo ko at nakapamulsang naglakad paalis ng restaurant. "Teka! Date natin to ngayon. Bakit aalis ka na agad?!" She shouted making all of the customers look at our direction. Walang gana ko siyang nilingon at ipinakita ang susi ng sasakyan ko. "Heto susi ng sasakyan ko," utal ko at ihinagis iyon sa kanya na agad naman niyang nasalo. "Anong gagawin ko dito?" nagtatakang tanong niya habang tinitingnan iyon. Inginuso ko ang makintab kong sasakyan na nakapark sa labas. Sinundan naman niya iyon ng tingin. "Sa iyo na. Bayad ko sa pakikipagdate sa iyo," sabi ko at naglakad ulit. "Siya nga
BELLA POV Gusto kong pigilan si daddy at aminin na ako naman talaga iyong may kasalanan. Nilingon ko si Dominic na galit pa rin ang tinging nakatingin sa akin. "Don't stare at my daughter like that Dominic! Paano mo rerespetuhin ang anak ko kung hindi mo manlang iginalang ang mismong pamamahay ko. Kahit kailan ay hindi kami nagsisigawan sa isat isa sa pamamahay na ito. Ang lakas naman ng loob mong magtaas ng boses! Lalong lalo na sa anak ko." Hindi ko na napagilang bumaba at lapitan si daddy. "Dad, that's enough. Ako po ang may kasalanan sa nangyari, lumabas po ako nang hindi nagpapaalam at inumaga na nang uwi. I'm sorry, please stop na po daddy." Nilingon niya ako at nginitian na ikinatigil ko sa ginagawang pagmamakaawa. "Isipin mong kahit kailan ay hindi ka namin pinagtaasan ng boses Bella. Kahit kailan ay hindi ka namin pinakialaman sa lahat ng mga ginagawa mo." "Pero kasalanan ko naman po talaga. Lumabas ako nang hindi nagpapaalam-" "Natural lang na gawin mo iyon dahil so
BELLA POV Nakaupo ako ngayon sa aking kama at wala sa sariling nakatitig sa litrato namin ni Nanay Wilma. I missed her. I really missed her so much! Pinalis ko ang mga luhang naglandas sa aking mga pisngi at wala sa sariling napatitig sa kawalan. I can't help my self from reminiscing about the past. When I was little and so naive. Ang mga panahong nabubuhay pa si Nanay Wilma. ( Ten Years Ago...) "Bella huwag mong masyadong ilabas iyang kamay mo sa bintana ng bus at baka mahagip ka ng sasakyan," rinig kong sita ni Nanay Wilma. Hindi ko siya pinansin at nanatili ang kamay ko sa labas ng bintana ng bus. Dinadama ang marahang paghaplos ng hangin. Hindi ko maiwasang mapaisip kung bakit nga ba ako kailangan itago ng pamilya ko. Muntikan na akong makidnaped ng isang grupo ng mga sindikatong may galit sa pamilya ko. Hindi lang isang beses kundi dalawang beses nang nangyari iyon sa akin. Suspetsya nila Mommy ay may kinalaman ito sa nangyayaring kaguluhan sa kompanya. Halos mapatalon
BELLA POV Binuksan niya ang pinto at nang makapasok kami ay pinagbubukas niya ang mga bintana at ang mga ilaw. And indeed it is so neat and all the things are all well arranged properly. Halos kumpleto din ito sa mga kagamitan may hagdan din itong maliit na alam kong patungo sa ikalawang palapag. Sinundan ko si Nanay Wilma sa kusina at nakita kong may sariwang mga bulaklak sa gitna ng lamesa. "Sino po ang naglilinis dito Nanay Wilma?" "Iyong kumare kong si Luciana malapit lang ang bahay nila dito. Hindi ko naman pinasama pa ang paglilinis sa labas at mukhang nakakahiya na kasi para sa kanila. Ang importante ay itong sa loob." "Ganon po ba," sa mahina kong boses. "Naku! paniguradong pagod ka sa byahe natin Bella. Halika at sasamahan kita sa silid mo at nang makapagpahinga ka na muna sandali," natataranta niyang utal at iginiya ako sa ikalawang palapag. Binuksan niya ang isang pintuan, marahil ay ang magiging kwarto ko. Dahan-dahan akong pumasok sa loob ng silid na 'yo
ZACKERIEL POV "T-teka hijo, hindi ka pa nakakapag agahan," rinig kong sabi ni Lola pero hindi ko na pinagkaabalahang pansinin pa. Deretso akong umakyat sa hagdan at nagtungo sa aking silid. I was about to take a shower when I heard my phone ringing. Agad ko iyong dinampot at nang makitang si Leon ang tumatawag ay sinagot ko na. "What is it Leon? Better be good enough this time." [ Nahawa ka na sa kasungitan ng kuya mo Zack, masama 'yan. ] sabay halakhak niya. "Tsss." Akmang ibababa ko na ang tawag nang magsalita siya ulit. [ Don't put the phone down dude! Actually I will be heading to tinago this afternoon. Wanna come? ] "I'll meet you at the dam." [ Greet! ] Agad kong pinatay ang tawag at nagtungo sa loob ng shower room. BELLA POV "Bella ito si Tita Luciana mo at ito naman ang kanyang anak na si Amanda," pakilala ni Nanay Wilma sa dalawang taong nakatayo sa aking harapan. "Luciana, Amanda ito nga pala ang pamangkin kong si Bella." Mabilis kong inilahad sa
BELLA POV "At may kasama ka pang dayuhan ha." She added while staring at me. Staring is rude Bitch! "Pwede ba Molly may hinahanap kami kaya kung pwede lang umalis ka diyan at dadaan kami ni Bella." Akmang dadaan na kami ni Amanda nang humarang silang tatlo sa dinadaan namin. Really? This fucking bitch is getting into my nerves already. "Not so fast Amanda. Hindi pa ako tapos sa iyo." "Pwes kung ikaw ay hindi pa tapos. Ako naman ay kanina pa tapos sa iyo." Amanda declared ang starting walking ng hawakan siya ni Molly nang mahigpit sa braso niya. Mabilis na kumunot ang noo ko dahil doon. "Inagaw mo si Xander sa akin! Mang-aagaw ka Amanda! Nasa loob din ang kulo mo." She hissed. "Hindi ko siya inagaw sa iyo dahil walang kami. Kaya kung pwede ba bitiwan mo nga ako at nasasaktan ako," sabay piglas ni Amanda. Nakita kong namumula na ang braso niya kaya hindi ko na napigilan pang makialam. Marahas kong winakli ang kamay ni Molly at itinulak siya palayo kay Amanda da