Share

Chapter 71

Ilang beses nagparoo't parito si Sandro sa loob ng kanilang bahay. Nangangalumata na siya habang dilat na dilat ang mga matang balisa buong magdamag. Magmula noong mangyari ang lahat ng ito ay hindi na siya dinalaw ng antok o ng pagod. Kinakain siya ng kanyang pag-aalala. Pag-aalala at takot kung nasaan ang asawa na nasa bingit ng kamatayan.

Maraming tanong ang pumapasok sa kanyang isipan. Sa dami niyon ay halos sumabog na ang utak niya sa paghahanap ng sagot.

Paano kung hindi tumupad sa usapan si Vana? Paano kung nililinlang lang siya nito? Paano kung nasa bingit na ng kamatayan ang kanyang asawa? O ang mas malala paano kung tuluyan na niya itong binura sa mundo?

Hindi! Hindi siya makakapayag.

Paano na siya? Makakayanan pa kaya niya ang lahat nang hindi ito kasama?

Ang isipin pa lang iyon ay tila pinaparusahan na siya ng langit dahil sa mga nagawa niya. Isa siyang inutil na kabiyak. Isa siyang walang kwentang tao na hinayaan na ang kanyang mismong minamahal na mapahamak nang dahil s
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP
Mga Comments (5)
goodnovel comment avatar
Jocelyn Pioquinto Armario
hay naku nakakainis talaga paligoy ligoy pa
goodnovel comment avatar
MA Connie Samillan
updated please please Ang tagal n Isang buwan n
goodnovel comment avatar
Labandia Charylene
update naman po
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status