“At least you can still remember me. Sabagay hindi naman iyon ang mahalaga. So, where is Lance? Bakit iniwan ka niya ritong mag-isa? Oh, let me guess, he just brought you here to shoo away other women, right?” nang-uuyam na tanong niya sa akin. Bahagya kong sinulyapan ang kabuuan niya. Red Spaghetti strap dress and suot niya. Hapit na hapit sa katawan niya kaya lutang ang maganda niyang balakang at maliit na baywang. Sexy, hot at maganda naman itong Angeli pero bakit kaya parang malungkot ang buhay niya? Sa dinami-rami ba naman kasi nang makikita at makakausap ay ito pang babaeng ito ang natiyempuhan ko. Malas! Bumuntong-hininga ako at matamis na ngumiti sa kaniya. Tumaas ang kilay nito. Nagulat siguro dahil kahit iniinsulto na niya ako ay wala akong balak na patulan siya.“Una sa lahat, tama ka, dinala ako ni Lance dito bilang isang pusang pambugaw sa mga daga. Ewan ko lang kung kabilang ka roon. At nagpaalam lang saglit si Lance dahil may kailangang kausaping tao tungkol sa negosyo.
Naiwan akong tulala sa lamesa. Iniisip ko pa rin iyong itsura ni Lance kanina. Gustuhin ko mang magtanong kaya lang nahihiya naman ako. Saka baka kaya lang niya ako ipinakilalang girlfriend kasi ayaw niya sigurong mag-isip ng kakaiba iyong madrasta niya.Nang makabalik si Lance sa lamesa namin ay bumalik na sa dati ang ekspresyon ng mukha niya. Napabuntong hininga na lang ako. Nagpatuloy lang ang kasiyahan. Pagkatapos ng kainan ay nagkaroon pa ng awarding ng mga empleyado at pagbibigay ng mga premyo sa mga nanalo sa palaro. Mayroon ding raffle draw at pagkatapos ay nagbigay ng speech si Lance para sa lahat. Hindi ko maiwasang hangaan siya habang nagsasalita kanina. Ang ganda ng tindig niya at talagang kumpiyansa siya habang nagsasalita. Lahat ay matamang nakikinig kanina, at nagtatawanan pa nang haluan niya ng biro ang pagsasalita. Sa huli ay nagpasalamat siya sa mga dumalo at nakiisa sa kasiyahan pagkatapos ay inilatag na via video presentation ang mga proyekto ng kumpanya nila para s
Wala sa sariling napatitig ako sa mga mata niya. Nakangiti siya sa akin pero hindi naman siya mukhang nagbibiro. Ano ulit iyong sinabi niya? Gusto niya akong maging totoong girlfriend?“Pinaglalaruan mo ba ako?” hindi ko maiwasang matanong. Hindi ko rin napigilan ang paggapang ng inis kasabay ng pagkalito. Napaunat siya sa pagkakaupo at binitiwan ang hawak na kutsara at tinidor. Nanatili siyang nakatitig sa akin na tila tinitimbang ang nararamdaman ko ngayon. Sa huli ay ako rin ang sumuko at nag-iwas ng tingin.“Gusto mo bang maging girlfriend ko?” bahagyang sumeryoso ang mukha niya nang itanong iyon. “At isa pa, hindi kita pinaglalaruan. Tinatanong kita,” dagdag pa niya. Bumalik ang tingin ko sa kaniya at ilang beses kumurap. Napalunok pa ako nang bahagyang kumunot ang noo niya. Bumuntong-hininga ako at napailing na lang.“Ayaw mo? Tumatanggi ka sa akin?” bigla akong kinabahan dahil wala na ang ngiti sa mga labi niya. Sa pagkakataong ito ay seryosong-seryoso na ang mukha niya. Wala sa
“Fuck!” malakas niyang mura nang lalo siyang tumigas sa loob ko. Halos bumigay na ang mga tuhod at braso ko sa lakas at tindi ng mga galaw niya. Kasunod nga noon ay ang sabay naming pagkamit sa kasukdulan. Ilang sunod-sunod na malalakas at madidiing bayo pa bago niya naibuhos ang lahat sa kaloob-looban ko. Ibinagsak ko ang katawan ko. Pagod na pagod ako at maging ang paghingal ko ay nakadadagdag sa pagod na nararamdaman ko. Hinaplos niya ang mukha ko saka ako muling hinalikan. Banayad lang noong una, hanggang sa maging mapusok. Napaungol ako nang maramdaman ang muling pagkabuhay niya at pabiglang pagpasok sa akin. “Oh!” napabitiw ako sa halikan namin dahil may kasabay na hapdi ang kiliting dumaloy sa katawan ko dahil sa biglaang pagkakasagad niya. Sagad na sagad na kahit mismong hangin ay hindi makadaraan. Ipinatong niya ang dalawang hita ko sa balikat niya at saka lalo pang binilisan ang pag-ulos. Mahigpit akong nakakapit sa mga braso niya dahil hindi ko alam kung saan kakapit sa
“Ang tunay po na Mama niya, nasaan po siya? Patay na rin po ba?” sa wakas ay naitanong ko pagkatapos ng mahabang katahimikan. Umiling ito kaya bahagya akong nagulat. “Gustuhin ko mang ipagtapat sa iyo ang lahat, wala pa rin akong karapatan. Dapat ay sa kaniya mo iyon malaman. May isang pakiusap lang ako, Farah…” sumisinghot na saad nito. Pinunasan niya ang kaniyang mga luha at tumingin sa mga mata ko. “Ano po iyon, Tita?” tanong ko. Ako man ay nagpahid ng mga luha gamit ang panyong dala ko. “Kahit alam mo na ang nangyari tungkol sa Papa niya, please lang huwag kang magpapakita ng lungkot o pagkaawa sa kaniya. Ayaw na ayaw niyang nagmumukha siyang kawawa sa mga mata ng ibang tao, lalo na sa mga taong nagpapahalaga sa kaniya. Sikapin mong umakto na parang wala kang alam,” pakiusap nito. Agad ko namang naunawaan ang nais niyang iparating kaya agad akong tumango. Ngumiti naman siya sa akin. Magsasalita pa sana ako kaya lang ay naunahan ako. “Ma, pinapaiyak mo ang girlfriend ko? Inaalok
“It’s because the first woman who supposed to love me and take care of me, betrayed me. My mother left us to be with another man. Iniwan niya kami ni Papa at mas pinili ang lalaki niya. I was seven years old back then. At noong araw na umalis si Papa para sa isang business trip, nakarinig ako ng kakaibang ingay sa kuwarto nina Mama at Papa. Dala ng matinding curiosity ay lumapit ako sa silid nila. Bahagya pa iyong nakabukas at habang papalapit ako ay naririnig ko ang kakaibang tunog mula kay Mama. At nang ganap na akong makasilip sa loob ng kuwarto ay ganoon na lamang ang pagkagimbal ko nang makitang may ibang lalaking nakahiga sa kama nila habang nasa ibabaw nito si Mama na nakatingala at umiindayog sa ibabaw niya. Hindi ko rin namalayan ang pagtulo ng mga luha ko at halos mabingi ako sa lakas ng mga ungol at halinghing nilang sumasabay sa langitngit ng kama. Sa musmos kong gulang una kong naramdaman ang matinding pagkasuklam sa babaeng siyang nagluwal sa akin. My father was always a
“G-gusto mong ipakilala kita sa kanila bilang boyfriend ko?” tumango ito, ngunit kumunot ang noo. “Ayaw mo ba?” bigla ay parang may tampong tanong niya. Hindi ko maiiwas ang mga mata kong nakatitig sa mga mata niya. “Hindi naman sa ganoon, kaya lang, seryoso ka ba talaga sa relasyon natin? Saka–” “Why? Are you not sure about me? hindi mo gustong maging girlfriend kita? I like you, really. And I’m serious when I said I want you to be my girlfriend. Besides, akin ka naman na talaga. Hinding-hindi na kita pakakawalan pa. Kaya kung iniisip mong isang laro lang ang relasyon natin, well I’m telling you now that it’s not!” seryosong putol niya sa sasabihin ko pa sana. Napamaang ako dahil hindi ko alam kung ano ang susunod na isasagot sa sinabi niya. Magkahawak-kamay kaming lumabas ng silid niya. Ipinaghila pa niya ako ng upuan. Hindi ko alam ang mararamdaman sa bilis ng mga pangyayari. Pero may bahagi ng puso ko ang parang masaya nang marinig ang sinabi ni Lance kanina. Hindi na nga ako n
“Do you really have to work?” malambing na tanong niya habang nasa biyahe na kami pauwi,” tiningnan ko siya at saka ibinaba ang kamay kong may hawak na cellphone. Nag-reply kasi ako sa message ni Leah kanina. “Bakit mo natanong?” pero sa halip na sagutin ako ay bigla na lang siyang nanghahalik sa leeg. Kaya napalingon ako sa driver niya, na nasa daan lang naman ang atensiyon. “Lance!” mahinang saway ko sa kaniya saka hinawakan ang mukha niya para bahagyang ilayo sa akin. “Stop working please. Wala ka ng time sa akin. Ako na lang magbibigay ng pera sa iyo pagkatapos ako na lang atupagin mo!” mapanghibong sabi niya saka akmang muling hahalikan ako pero pinigilan ko siya. “At anong palagay mo sa akin p****k? Bibigyan mo ako ng pera kapalit ng aliw?” pabiro lang iyong pagkakasabi ko pero dumilim ang mukha niya at saka dumiretso ng upo. Napagdikit ko tuloy ang mga labi ko dahil bigla akong kinabahan. Sumungit kasi iyong awra niya at nahaluan ng lambong ang mg