Share

Chapter Twenty Four

"Umalis ka rito! Labas!" sigaw ni Daddy habang itinutulak ako palabas ng kwartong iyon.

"Daddy please! Gusto ko makausap si Mommy... Please!" pagmamakaawa ko.

"Layas! Hindi ka namin kailangan!"

"Dad!!"

Itinulak ako nito nang malakas palabas dahilan para ma-out of balance ako. Ramdam ko ang sakit sa paa ko bago ako mapaupo sa sahig. Tumama pa ang aking sintido sa pader ng hallway. Kahit masakit at hirap ay pinilit kong tumayo para pumunta muli sa pinto. Pero pinagsarhan na ako ni Daddy.

"Dad please!!! Awa niyo na po! Gusto ko makausap si Mommy!" umiiyak kong pakiusap kay Daddy habang hinahampas ang kan'yang pinto.

Pero wala akong nakuhang sagot mula sa loob, mula kay Daddy. Humagulhol ako nang iyak habang nakatuon ang noo sa pinto. Ramdam ko na na hindi ko maituon nang maayos ang kaliwang paa ko.

"Mommy ko..." nanghihina kong sambit. "Hintayin mo ko Mommy..."

Mabagal akong naglakad pababa ng hagdan. Hirap na hirap ako dahil sa sakit na nararamdam ko sa paa ko. Nang makababa na ako ay
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP
Comments (1)
goodnovel comment avatar
Missy F
good job girl!
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status