Waking up on a reality.
Author's Pov:Napilitan na lamang bumaling si Yhurlo sa kanilang lahat at minsanang inalala kung ano nga ba ang ipinunta niya rito bago nagsalita. "Shan's awake," anito na siyang nagpahinto sa lahat.Parang may isang utak silang lahat dahil sa sabay-sabay nilang paglingon kay Yhurlo kasabay ang panlalaki ng mga mata at pag-awang ng mga labi."Akala ko ba lumalala ang sitwasyon niya?" Bakas ang hindi makapaniwala sa boses ni Samer na ngayo'y salubong ang mga kilay.Kani-kanina lang kasi ay inanunsyo ng isa sa mga kaibigang doktor ni Yhurlo na matatagalan pa raw bago gumising ulit si Shan kaya hindi nila maiwasang magulat at magtaka dahil mababalitaan na naman nilang gising na raw si Shan kahit pa'y lumalala nang lumalala ang kalagayan nito.Natawa na lamang si Yhurlo tsaka napailing na para bang may nakakatuwa sa sinabi ni Samer."Knowing her, babangon at babangon 'yon kahit na nahihirapan." PYou should learn how to look forward not look back in the past. Learn to forgive the unforgiven and understand all the situations.Shan's Pov: Ito na nga ba ang sinasabi ko. Magkaka-ilangan at magkaka-ilangan talaga kami ni Dad pagkatapos niyang umiyak kanina. Sino ba naman kasi ang hindi maiilang kung ang taong isa sa dahilan ng iyong paghihirap ay bigla-bigla ka nalang susunggaban ng yakap sa ospital at umiiyak pa. Pero kahit ganoon, hindi ko pa rin maitatangging naging magaan ng kaonti ang kalooban ko sa kanya lalong-lalo na sa pagdadalawang-isip ko kung mahal niya ba ako o minahal niya lang ako dahil anak ako ni Mommy. Napakakaawa-awa ko namang tignan kung minahal niya lang ako ng sapilitan o di kaya'y dahil utos ni Mommy na mahalin ako. "Shan..." rinig kong pukaw ni Dad sa aking atensyon dahilan para tumingin ako sa kanya. Nakita ko ang kagat-labi niyang pagyuko sa kanyang balisang gumagalaw na mga binti habang palihim na pinapa
The heart will always help you remember who's the person you cherish the most.Shan's Pov:Napahinga ako ng malalim tsaka tumingin sa maliwanag na buwang nakapaskil sa malawak na kalangitan. Parang kailan lang nang mabigyan ko ng oras ang sarili ko. Iyong tipong walang inaalala na iba kundi ang sarili ko lang. Hinayaan ko ang aking sarili na tanawin ang buwan na makikita sa nakabukas na binata nang bigla ko namang maalala si Zach. Kanina nang bisitahin at magkausap kami ni Jake ay nabanggit niya sa aking sinundan raw ako ni Zach sa eskenitang iyon at bigla na lang nilang naabutan na wala ng malay. Ang sabi daw ng doktor ay siguro may alaala na namang biglaang bumalik sa isipan niya kaya ganoon ang nangyari. Hindi ko alam kung dapat ba akong maging masaya dahil kahit papaano ay nakalimutan niyang ako ang dahilan kung bakit siya nagkaroon ng ganoon o dapat ba akong malungkot dahil ni isa sa mga pinagsamahan namin ay hindi niya maalala.
The more you hide the truth, the more it reveals. Author's Pov:Ilang minuto nang nangangapa ng masasagot si Shan sa nakakawindang na tanong ni Zach. Nakaawang ang mga labing napatulala siya sa kunot na kunot nitong noo habang pilit na kinakalkal ang isipan kung ano nga ba siya sa buhay ni Zach. Kung siya ang tatanongin, matik na magiging sagot niya ay babaeng nagdala ng kaguluhan at kamalasan sa buhay niya. Hindi man gaanong nakilala ni Shan si Zach pero alam niyang bago pa sila magkakilala ng binata ay maganda at maginhawa ang takbo ng buhay nito na taliwas naman sa takbo ng buhay niya. "What? Who are you in my life?" Pamimilit ni Zach na mukhang bawat minutong lumilipas ay mas nagiging atat sa magiging sagot niya. Malalim siyang napalunok kasunod ng mariing pagkagat ng pang-ibabang labi bago napahugot ng malalim na hininga upang humugot ng lakas na magsalita. Akmang sasagutin na niya ang tanong ni Zach ng salitang 'hindi ko rin ala
Hindi kakayanin ng konsensya mo ang pagsisinungaling mo sa isang tao sa oras na nakikita mong nasasaktan na ang taong pinoprotektahan mo. Author's Pov:Magdadalawang linggo na ang nakalilipas simula nang may nakitang higit pa na pinagsisisihan ni Aya. Sa loob ng dalawang linggong lumipas ay walang ibang ginawa si Shan kundi ang gumising sa umaga, kumain, maligo, kumain at matutulog muli. Araw-araw ay ganito ang naging takbo ng buhay niya sa loob ng dalawang linggong pamamalagi sa ospital. Pagkatapos no'ng gabing pinuntahan ni Shan si Zach na lingid sa kaalaman ni Yhurlo ay mabilis at agarang binigyan ng lunas ng mga doktor ang tahi niya na bahagyang naigalaw dahil sa katigasan ng ulo nito. Inulit ang pagkakatahi sa sugat niya sa likuran at siniguradong talagang matibay pa ito sa panahon nang sa gayon ay hindi na ulit maoperahan si Shan. Naiinis at nabubugnot na si Shan dahil araw-araw ay may nakatokang magbantay sa kanya para lamang s
Yhurlo's Pov:"How's my daugther?" Father asked as he sat on his swiveling chair, eyes were focussed on the sleeves that he was rolling up until his elbow. Kaswal akong nagkibit-balikat tsaka naglakad papunta sa visitor's chair bago pinagkrus ang mga binti. I smoothly laid my back on the soft sofa before closing my eyes to feel the warmth of it. "She's recovering after her second operation," I replied. I was expecting him to say something like giving me advices and even tips on how will I take a good care on my little sister, but didn't talked back. I jokingly opened my one eye to take a peak on what he's doing making me see his worryingly face. Ano na naman ba iniisip nito?Napahinga ng malalim na hininga si Papa bago padabog na binagsak ang sarili sa swivelling chair dahilan para umalingawngaw sa opisina niya ang langitngit ng kanyang upuan. He closed his eyes before massaging the bridge of his nose whil
If you really want to, you will do everything no matter how impossible it is to reach.Author's Pov:Madilim na ang kalawakan at tahimik na ang kapaligiran. Narito ngayon sila Samer at ang kanyang mga kasamahan sa loob ng silid ni Shan upang magtipon-tipon dahil gusto raw silang makausap. Kung normal na tao siguro ito na magyayaya sa'yo sa kanilang lugar dahil gusto ka niyang makausap paniguradong mapapantig ang puso mo, pero sa kalagayan ni Shan siguradong kakabahan ka lalo na't bigla-bigla na lang itong magtatawag kahit hindi naman dapat. Katatapos lang nilang lahat na kumain at sari-sarili itong nakaupo sa bawat bakanteng silya ng silid upang ayusin ang sarili. Kung iisipin ay para silang isang buong batalyon na binisita ang isa sa miyembro nila sa ospital dahil sa kabulastugan na ginawa. Buti at sa ospital napunta at hindi sa kulungan. Malakas na dumighay si Elton tsaka sumandal sa malambot na sofa habang hinimas-himas ang busog na tiyan. Ang iba naman ay tahim
Paths were meant to lead you to your destiny. Time was meant to inform you how long did you took to do the things that you wanted. Journey will bring you to your future. No matter how hard you try to ignore and run from the cruel reality, your destined path will be evident to your eyes and the right time will come to introduce you to your new journey. Author's Pov:Tahimik na ang kapaligiran at malamig ang simoy ng hangin ang siyang sumasayaw sa mga dahon ng mga puno na naging tirahan na rin ng mga malalayang ibon na araw at gabing lumilipad sa himpapawid kasama ng mga eroplano. Dalawang araw na ang nakalilipas simula no'ng ma-discharge si Shan sa ospital at dalawang araw na rin nilang pinagpaplanuhan ang gagawin nilang hakbang ngayon. Kasalukuyang naghahanda ang lahat sa loob ng isang itim na van na dala nila para sa misyong gagawin. Kanya-kanya nilang inaayos ang mga iba't-ibang klase ng armas na sa tingin nila ay magagamit sa oras na pumalpa
A stranger can be your friend or worst, your enemy. Author's Pov:Sabay-sabay na tinahak nina Shan, Margou at Vince ang daan papunta sa opisina ni Charles. Dinaanan nila ang mahigit limang seksyon ng mga produktong nakadisplay tsaka lumiko sa isang kanto kung saan wala masyadong tao bago natanaw ang pasilyo na maghahatid sa kanila sa opisina nito. Akmang didiretso na sana sila sa paglalakad sa gitna ng mahabang pasilyo nang bigla silang hinarang gamit ang malapad na dibdib ng isa sa mga bodyguard ni Charles. Kung ang ibang bodyguards ay nakasuot ng itim na coat ito namang humarang sa kanila ay siyang katangi-tanging nakasuot ng puting coat na para bang ito ang lider sa grupong ito. Wala sa sariling tinaas ni Shan ang kanyang ulo dahil sa tangkad ng lalaking humarang sa harapan niya upang tignan ito. Salubong ang kanyang mga kilay at kunot ang mga noo niyang tinignan ang lalaking iyon na parang tinatrato na isang sagabal sa kanilang plano.