ATASHIAPinasakay ako ni Mr. Regalado sa bago niyang sasakyan. Alam kong bago iyon dahil sobrang kinis pa at ang mga upuan, grabe, nakakalula tingnan. Ayaw ko ngang umupo noong una kasi natatakot akong kapag nasira o nadumihan ko iyon ay baka pagbayarin ako ng milyon ng ama ni Jaspher. Mula sa bahay ni Lance, dinala ako ni Mr. Regalado sa isang private resort. Dahil kabado akong baka i-salvage ako ng bilyonaryo na aking kasama kaya sinabi ko kaagad sa pamamagitan ng chat kina Loida at Jaspher ang nangyayari. Syempre, sigurista ang peg ko. Sa loob ng sasakyan ay magkatabi kami ni Mr. Regalado. Nang tumawag sa kaniya si Jaspher ay dinig na dinig ko ang sinabi niya rito na, “Don’t worry, Jaspher. I will just have a private talk with your sister. I am not gonna kidnap her. ” Nakahinga ako ng maluwag. Maganda na rin na alam ni Jaspher ang nagaganap. Mabuti na rin ang nagkakaintindihan kaming lahat. Kaya sa lugar na kabahan ako habang kasama ko si Mr. Regalado, nag-enjoy na lang ako sa p
LANCEDalawang araw nang hindi umuuwi ng bahay si Atashia. Dàmn it! Masyado niya yatang dinibdib ang nakita niya sa pagitan namin ni Belle. Honestly, gusto ko lang maramdaman niya ang pain na nararamdaman ko. Hindi totoo na hinalikan ko si Belle. It was just an act to make Atashia believe na hindi na rin ako faithful sa kaniya. Hindi rin totoo na magkatabi kaming matulog ni Belle sa iisang bed. Kapag wala na si Atashia, lumilipat na rin si Belle sa kabilang room. Everything na nakita ni Atashia was a lie. Belle and I purposely did it to take revenge. May hidden na galit si Belle sa asawa ko kaya hindi ako nahirapan na mapapayag siya na tulungan akong saktan emotionally si Atashia. Sising-sisi ako sa tuwing nasasaktan ko physically si Athasia. I want to torture her pero hindi sa paggamit ng kamao. Sadyang hindi ko lang napigilan ang sarili ko. "Lance, maybe she will leave you now forever," sabi ni Belle. She sat in front of me. "Do you think I won over Atashia?" I asked her. "Hind
ATASHIASa hospital na ako nagising. Grabe ang takot na naramdaman ko habang nakakulong ako sa loob ng sasakyan ni Lance. Iyon ang dahilan kaya nawalan ako ng malay. Sa sobrang tagal niya sa loob ng kanilang bahay, para akong sinasakal. Bumalik din sa isip ko ang mga nangyari noong nawala siya kaya hindi ko na kinaya pa. "Kumusta ang pakiramdam mo? Okay ka lang ba?" Nag-aalala na tanong sa akin ni Loida. "Nasaan si Lance?" Iyon kaagad ang mga katagang lumabas sa bibig ko. "Hindi ko alam. Tinawagan niya lang ako para pumunta rito. Sabi ng mga nurse, siya ang naghatid sa iyo rito pero hindi ko na siya nakita pa, Atashia."Hindi ako makapaniwala na pagkatapos ng nangyari sa akin ay iiwan ako ni Lance. Sabagay, hindi na rin naman bago iyon pero hindi pa rin nasasanay ang puso ko. Nakakainis talaga ang lalaking iyon. Dahil pakiramdam ko ay okay naman ako, nagdesisyon na akong lumabas ng hospital. Unfortunately, biglang dumating si Lance. Lasing ang asawa ko at makulit siya. Ayaw niya a
ATASHIA“Don’t do it. I will ganti to you kapag nasira ang mukha ko,” banta sa akin ng mommy ni Lance. Hay naku, ilang beses ko nang narinig mula sa kan'ya iyon. “Ikaw pa talaga ang may ganang gumanti, Ma’am? Nakakaawa ka naman po. Wala ka na kasing ibang alam gawin kung hindi ang manakit ng kapwa mo. Kahit sarili mong anak ay hindi mo pinalampas sa kasamaan mo.” Iniamba ko kay Ma’am Olivia ang paso kaya naman nagtatakbo siya palapit kay Tim. “Guard, guard, help me. She will basag the paso on my face. Duh, sayang ang paayos ko ng mukha. It’s so mahal pa naman.” Inilapag ko ang paso at pinagtawanan ko si Ma’am Olivia. Akala mo isa siyang anghel na hindi kayang manakit ng kapwa kapag may ibang taong nakakakita sa kaniya pero kapag ako ang kaharap niya, lumalabas ang kademonyohan niya. Hindi ko naman talaga gustong tawanan siya, hindi ko lang napigilan dahil sa nagkubli talaga siya sa likuran ni Tim. “Ma’am, mukhang kayo naman po ang gustong manakit at hindi si Ma’am Atashia,” wika
ATASHIAHabang maingay sa labas, tahimik lang akong nakahiga sa kama. First time kong makaranas ng sobrang pagod. I was drained emotionally, mentally, and spiritually. Okay lang ang physical ko kasi malakas ang katawan ko pero iyong isip at puso ko, bumigay na talaga. I heard someone shouting and calling Lance a monster. I want able to recognize his voice pero alam kong lalaki siya. Wala akong pakialam kung sino man siya. Hanggang sa may bumukas ng pintuan ng guest room. "Get out," wika ni Belle. Hindi ako sumagot sa kaniya. Nanatili lang akong nakahiga sa kama at nakatingin sa kisame. "I said, get out!" Belle's voice was louder this time. "Ikaw ang lumabas. Huwag mo akong utusan," sabi ko. "Shit! Gusto mo bang patayin si Lance ng kalaguyo mo?" Ngumiti ako. Kalaguyo? Nakakatawa. Everyone believe the lies na ipinakalat ng kung sino. Dahil ayaw ko naman ng gulo at na-curious ako sa kaguluhan sa labas kaya sumunod ako kay Lance. Naabutan kong nagsusuntukan sina Lance at Tim. "He
ATASHIAWalang paalam na pumasok ako sa loob ng bahay na tinitirahan ni Liza. Ngunit bago iyon ay kinuha ko sa sampayan ang isang piraso ng damit pambata. Matindi ang kabog ng aking dibdib. My hands were also trembling due to unidentified emotions. I looked around the house. I searched for a child whom the owner of the dress I was holding. Subalit wala akong nakita na kahit na anong bakas na may bata pa sa loob ng bahay. I turned to Liza. Tinanong ko siya kung sino ang may-ari ng damit na hawak ko. Umiling si Liza sabay sabing hindi niya alam. Napulot niya lang daw iyon kaya nilabahan niya. Balak niya raw kasing ipamigay sa mga pulubi na nakita niya sa tabing kalsada. Of course I didn't believe her. "Huwag mo akong gawing tanga, Liza. Sinasabi ko sa iyo, pagsisisihan mo kapag nalaman kong itinatago mo ang anak ko," banta ko sa kaniya. "Atashia, enough of this drama," sabi ni Lance. Naningkit ang mga mata ko. Hindi ako sumama sa kaniya para umuwi lang na bigo. Nagdududa na tiningn
ATASHIABumalik ako ng hotel na walang kaimik-imik. Matagal akong nakatitig sa repleksyon ko sa salamin habang nakaupo ako sa kama. Si Loida na noon ay nasa baba at kasama si Nathan, walang kaalam-alam na nakaalis at nakabalik na ako. Si Lance na nasa kabilang silid lang ay wala rin alam. Makalipas ang ilang minutong pag-iisip, lumabas ako ng silid at pinuntahan ko si Lance, subalit wala siya sa silid nila ni Nathan. Tinawagan ko siya pero out of coverage area ang number niya. Hinanap ko naman sina Nathan at Loida. Nakita ko sila na papasok sa main lobby ng hotel. “Nakita ninyo ba si Lance?” I asked them. Kapwa umiling ang dalawa. “Akala ko ay kasama mo siya,” saad ni Loida. “Oo nga. Maaga siyang lumabas ng silid namin,” sabi naman ni Nathan. Sinubukan ko ulit tawagan si Lance. Ngunit katulad kanina ay hindi ko pa rin siya ma-contact. Nagdesisyon kaming hintayin na lang na bumalik siya. Makalipas nga ang halos isang oras, walang kibo si Lance nang dumating siya. “Anong problem
ATASHIAAraw ng pagkikita namin nina Ma’am Olivia at Lance sa isang private na lugar kung saan isasauli na ng mommy ni Lance ang anak ko. Hawak ko ng mahigpit sa aking kanang kamay ang picture ni Charlene. Sino ba ang makapagsasabi na minsan na rin palang nag-cross ang landas naming mag-ina. Tama ako noong nasa hospital ako, si Charlene nga ang batang dala noon ni Lance. Maaga akong dumating sa lugar na pinag-usapan. I was nervous and uncomfortable. Napakaraming what if ulit sa isip ko pero para sa anak ko, susugal ako. Sa paligid ng buong lugar ay nakapalibot ang mga tauhan ni Mr. Regalado. Naroon din sina Nathan at Jaspher. Pagpasok ko sa malaking gate ng bahay na property ng mga Henzon ay naabutan kong nakaupo si Lance sa isang plant box, malapit sa gate. Halata na hinihintay niya ang pagdating ko. I wanted to embrace him and ask for his forgiveness dahil mas pinili ko ang anak namin kaysa sa relasyon naming dalawa pero hindi ko na ginawa. Ayaw kong mas masaktan pa sa paghihiwala