ATASHIAWalang paalam na pumasok ako sa loob ng bahay na tinitirahan ni Liza. Ngunit bago iyon ay kinuha ko sa sampayan ang isang piraso ng damit pambata. Matindi ang kabog ng aking dibdib. My hands were also trembling due to unidentified emotions. I looked around the house. I searched for a child whom the owner of the dress I was holding. Subalit wala akong nakita na kahit na anong bakas na may bata pa sa loob ng bahay. I turned to Liza. Tinanong ko siya kung sino ang may-ari ng damit na hawak ko. Umiling si Liza sabay sabing hindi niya alam. Napulot niya lang daw iyon kaya nilabahan niya. Balak niya raw kasing ipamigay sa mga pulubi na nakita niya sa tabing kalsada. Of course I didn't believe her. "Huwag mo akong gawing tanga, Liza. Sinasabi ko sa iyo, pagsisisihan mo kapag nalaman kong itinatago mo ang anak ko," banta ko sa kaniya. "Atashia, enough of this drama," sabi ni Lance. Naningkit ang mga mata ko. Hindi ako sumama sa kaniya para umuwi lang na bigo. Nagdududa na tiningn
ATASHIABumalik ako ng hotel na walang kaimik-imik. Matagal akong nakatitig sa repleksyon ko sa salamin habang nakaupo ako sa kama. Si Loida na noon ay nasa baba at kasama si Nathan, walang kaalam-alam na nakaalis at nakabalik na ako. Si Lance na nasa kabilang silid lang ay wala rin alam. Makalipas ang ilang minutong pag-iisip, lumabas ako ng silid at pinuntahan ko si Lance, subalit wala siya sa silid nila ni Nathan. Tinawagan ko siya pero out of coverage area ang number niya. Hinanap ko naman sina Nathan at Loida. Nakita ko sila na papasok sa main lobby ng hotel. “Nakita ninyo ba si Lance?” I asked them. Kapwa umiling ang dalawa. “Akala ko ay kasama mo siya,” saad ni Loida. “Oo nga. Maaga siyang lumabas ng silid namin,” sabi naman ni Nathan. Sinubukan ko ulit tawagan si Lance. Ngunit katulad kanina ay hindi ko pa rin siya ma-contact. Nagdesisyon kaming hintayin na lang na bumalik siya. Makalipas nga ang halos isang oras, walang kibo si Lance nang dumating siya. “Anong problem
ATASHIAAraw ng pagkikita namin nina Ma’am Olivia at Lance sa isang private na lugar kung saan isasauli na ng mommy ni Lance ang anak ko. Hawak ko ng mahigpit sa aking kanang kamay ang picture ni Charlene. Sino ba ang makapagsasabi na minsan na rin palang nag-cross ang landas naming mag-ina. Tama ako noong nasa hospital ako, si Charlene nga ang batang dala noon ni Lance. Maaga akong dumating sa lugar na pinag-usapan. I was nervous and uncomfortable. Napakaraming what if ulit sa isip ko pero para sa anak ko, susugal ako. Sa paligid ng buong lugar ay nakapalibot ang mga tauhan ni Mr. Regalado. Naroon din sina Nathan at Jaspher. Pagpasok ko sa malaking gate ng bahay na property ng mga Henzon ay naabutan kong nakaupo si Lance sa isang plant box, malapit sa gate. Halata na hinihintay niya ang pagdating ko. I wanted to embrace him and ask for his forgiveness dahil mas pinili ko ang anak namin kaysa sa relasyon naming dalawa pero hindi ko na ginawa. Ayaw kong mas masaktan pa sa paghihiwala
ATASHIAIt was so hard na kunin ang tiwala ng anak ko. Dahil mas gusto kong mapabilis ang pagiging malapit namin sa isa't isa kaya I decided na we both stay in one room muna. My Charlene distanced herself from others. Madalas ay tahimik siya at ayaw makipaglaro kahit pa ano ang gawin namin. Naging clown na nga si Loida at ang mga kasama namin sa bahay pero madalas ay umiiyak siya at ayaw kumain. Hindi ko na alam minsan kung ano ang dapat kong gawin makuha lang ang atensyon niya. "Mommy," she said in the middle of the night."Yes. Nandito si mommy mo, Anak," sabi ko habang tinatapik ang likod niya. Ngunit sa halip na maging comfortable ay mas lumakas lalo ang iyak niya. Panay ang tawag niya ng mommy pero ayaw niya naman na hawakan ko siya. Sa kalagitnaan ng gabi ay para akong baliw na umiiyak habang pilit kong pinatatahan ang aking anak. Kung sana hindi siya inilayo sa akin ng mga masasamang tao, hindi sana nahihirapan ang anak ko ngayon at hindi sana niya pinagdaanan ang mga karana
LANCEI kept following my wife wherever she went. Nababaliw na ako dahil sa kaniya. Now that she signed the annulment paper, pakiramdam ko ay nawala ang isang bahagi ng pagkatao ko. I was not like this noong nakipag-break ako sa mga dati ko nang nakarelasyon. I have no idea what had happened to me. Nasa ibang bansa pa lang kasi ako ay puro mga negative na balita ang natanggap ko mula sa Pinas. Lahat ng sinabi ni mommy ay hindi ko pinaniwalaan pero maging ang investigator ay negatibo rin ang mga updates sa akin kaya naman naniwala na rin ako ng tumagal na ang panahon. Wala na ang sasakyan ni Jaspher. Nagawa nilang makalayo sa akin. Alam kong matindi ang galit sa akin ni Atashia at hindi ko alam kung dapat ba akong magpakumbaba para mabawi ko ang aking misis specially now na mukhang ipinakilala na siya ni Jaspher sa parents niya. Dàmn it! Hanggang hindi pa approved ang annulment namin ay may karapatan pa rin ako sa asawa ko. Ngunit hindi ako sigurado kung gusto ko pa rin bang tanggap
ATASHIA Dahil muntik kaming madisgrasya ni Jaspher sa kasusunod ni Lance, Mr. Regalado decided to send me and Charlene sa isa sa mga mansion ng pamilya nila sa La Union. Mahigpit ang bilin ng aking ama, hindi pwedeng malaman ng kahit sino kung nasaan ako kaya nang nagpaalam ako kina Nathan at Loida, wala akong nabanggit sa kanila na address ng pupuntahan naming mag-ina. Kasama ko sina Jaspher at Nanay. Pansamantala ay si Loida ulit ang mamamahala ng restaurant na ipinatayo ko. Nagtratrabaho na rin sa akin si Wenna, ang dating masungit na manager na may gusto noon kay Lance, kaya kahit paano ay kampante ako na kayang-kaya ng dalawa na pamahalaan ang negosyo ko dahil kapwa naman sila may background sa management dahil sa mga experiences nila. Mula sa mga katulong sa bahay ay nabatid namin na sumugod doon si Lance. Galit na galit si Nanay nang nalaman niya iyon at ako ang napagdiskitahan niya. "Sa dami ng mga lalaki sa mundo, isang Henzon pa ang pinakasalan mo. Iyan na ang resulta n
LANCEI was so devastated nang nalaman ko na wala na sa bahay nila sina Atashia at ang buong pamilya niya. Katulong na lang ang humarap sa amin ni Nathan at sinabi nito na kaaalis pa lang daw ng sasakyan na nagsundo sa buong mag-anak.“Pare, baka naman alam mo kung saan pupunta ang asawa ko,” pakiusap ko kay Nathan. “Please tell me. I can’t live without her.”“Kung alam ko, hindi na sana tayo nandito, Lance. You’re late. Masyado ka kasing nagpabulang sa mga nakita at nalaman mo,” sisi pa sa akin ng bestfriend ko. “Honestly, I want to punch you right now. You’re such a fool. Hinayaan mong mawala sa iyo ang taong mahal mo.”Napansandal ako sa aking sasakyan. Tama ang kaibigan ko. Ang laki ko talagang tanga. Nang araw na iyon, sa bar ng aking penthouse, nilunod kong muli ang aking sarili sa alak. Kasama ko pa rin si Nathan at panay ang saway niya sa akin. He hadn’t changed. Very caring pa rin ang kaibigan ko kahit na minsan ko siyang niloko na hindi ko siya nakikilala. Para akong sira-
ATASHIAIsang malaking dagok ang malaman na may taong gustong pumatay kay Nanay. She's critical in the hospital kaya napaluwas kami ni Jaspher ng wala sa oras. Bahala na kung mag-cross ang landas namin ni Lance. Batid ko rin naman na darating ang araw na iyon. Ang mahalaga ay makita ko ang tunay na sitwasyon ni Nanay. Habang pabalik kami ng city ay hindi halos nagsasalita si Jaspher. Tahimik din ako habang kalong ko ang aking anak. Marahan na hinaplos ni Charlene ang aking malungkot na mukha. "Why are you crying, Mom?" Nabigla ako sa tanong niya. Hindi ko inaasahan na tatawagin niya akong mommy. Ginagap ko ang kamay ng aking anak. Dinala ko iyon sa aking labi at bahagya kong hinalikan. Ikinulong ko ang kan'yang maliit na mukha sa aking nanginginig na mga palad. "I love you, bulong ko sa kaniya. "Love you, Mommy," sagot niya naman sa akin sabay ngiti ng ubod tamis. Nangilid ang luha sa aking mga mata. Daig ko pa naman ang may bukal sa aking mga talukap dahil nagiging iyakin na a