ATASHIA Dahil muntik kaming madisgrasya ni Jaspher sa kasusunod ni Lance, Mr. Regalado decided to send me and Charlene sa isa sa mga mansion ng pamilya nila sa La Union. Mahigpit ang bilin ng aking ama, hindi pwedeng malaman ng kahit sino kung nasaan ako kaya nang nagpaalam ako kina Nathan at Loida, wala akong nabanggit sa kanila na address ng pupuntahan naming mag-ina. Kasama ko sina Jaspher at Nanay. Pansamantala ay si Loida ulit ang mamamahala ng restaurant na ipinatayo ko. Nagtratrabaho na rin sa akin si Wenna, ang dating masungit na manager na may gusto noon kay Lance, kaya kahit paano ay kampante ako na kayang-kaya ng dalawa na pamahalaan ang negosyo ko dahil kapwa naman sila may background sa management dahil sa mga experiences nila. Mula sa mga katulong sa bahay ay nabatid namin na sumugod doon si Lance. Galit na galit si Nanay nang nalaman niya iyon at ako ang napagdiskitahan niya. "Sa dami ng mga lalaki sa mundo, isang Henzon pa ang pinakasalan mo. Iyan na ang resulta n
LANCEI was so devastated nang nalaman ko na wala na sa bahay nila sina Atashia at ang buong pamilya niya. Katulong na lang ang humarap sa amin ni Nathan at sinabi nito na kaaalis pa lang daw ng sasakyan na nagsundo sa buong mag-anak.“Pare, baka naman alam mo kung saan pupunta ang asawa ko,” pakiusap ko kay Nathan. “Please tell me. I can’t live without her.”“Kung alam ko, hindi na sana tayo nandito, Lance. You’re late. Masyado ka kasing nagpabulang sa mga nakita at nalaman mo,” sisi pa sa akin ng bestfriend ko. “Honestly, I want to punch you right now. You’re such a fool. Hinayaan mong mawala sa iyo ang taong mahal mo.”Napansandal ako sa aking sasakyan. Tama ang kaibigan ko. Ang laki ko talagang tanga. Nang araw na iyon, sa bar ng aking penthouse, nilunod kong muli ang aking sarili sa alak. Kasama ko pa rin si Nathan at panay ang saway niya sa akin. He hadn’t changed. Very caring pa rin ang kaibigan ko kahit na minsan ko siyang niloko na hindi ko siya nakikilala. Para akong sira-
ATASHIAIsang malaking dagok ang malaman na may taong gustong pumatay kay Nanay. She's critical in the hospital kaya napaluwas kami ni Jaspher ng wala sa oras. Bahala na kung mag-cross ang landas namin ni Lance. Batid ko rin naman na darating ang araw na iyon. Ang mahalaga ay makita ko ang tunay na sitwasyon ni Nanay. Habang pabalik kami ng city ay hindi halos nagsasalita si Jaspher. Tahimik din ako habang kalong ko ang aking anak. Marahan na hinaplos ni Charlene ang aking malungkot na mukha. "Why are you crying, Mom?" Nabigla ako sa tanong niya. Hindi ko inaasahan na tatawagin niya akong mommy. Ginagap ko ang kamay ng aking anak. Dinala ko iyon sa aking labi at bahagya kong hinalikan. Ikinulong ko ang kan'yang maliit na mukha sa aking nanginginig na mga palad. "I love you, bulong ko sa kaniya. "Love you, Mommy," sagot niya naman sa akin sabay ngiti ng ubod tamis. Nangilid ang luha sa aking mga mata. Daig ko pa naman ang may bukal sa aking mga talukap dahil nagiging iyakin na a
ATASHIA"Umalis ka riyan," wika ko kay Lance. Bahagya kong ibinaba ang bintana para makausap ko siya ng maayos. Wala na kasi akong plano na kumain sa restaurant na kinaroroonan ko kaya gusto kong iwan niya na ako nang sa gayon ay makaalis na rin ako. "Let's talk. I know I did a lot of things that broke your heart, but please give me a chance to correct everything," pakiusap niya sa akin. "I want you back into my life, Atashia. Gusto kong makasama kayo ng anak natin." "Wala kang anak sa akin, Lance. Tulad ng sabi mo, hindi mo anak si Charlene. Leave us alone. A-attend pa rin ako sa hearing. Don't worry. Kahit hindi ka mag-drama, matatapos pa rin ang annulment process natin.""Atashia, I changed my mind," nagmamakaawa na sabi ni Lance. "Ayaw ko nang ipa-annul ang kasal natin." Change my mind? Lintik na Lance na ito. Akala mo ganoon lang kadali na kapag nagbago ang isip niya, okay na ang lahat. Sa sobrang inis ko ay pinindot ko na lang ang button para sumara na ang bintana ng sasak
ATASHIA"Come here," tawag sa akin ni Belle. "Let's escape this danger together."Ang takot na nararamdaman ko ay hindi sapat para pagkatiwalaan ko siya. Naisip kong posibleng si Belle ay kasabwat din ng mga lalaki lalo pa at dati na silang nagsabwatan ni Lance para saktan ako. "Ang galing ng drama mo. Kunwari hero kita ngayon para may utang na loob ako sa iyo," sabi ko sa pagitan ng mga putok sa paligid. "I am innocent, Athasia. Nakasunod ako sa iyo because I wanted to ask for forgiveness. I am not here to hurt you. It's just a coincidence." "There is no such coincidence! Lubayan mo ako, Belle." Napamulagat ako ng tumahimik ang paligid. Nagtataka ako kung bakit biglang humupa ang barilan at nawala na rin ang mga lalaking kanina lang ay pilit akong inaabot sa loob ng sasakyan. Dahan-dahan kong inangat ang aking ulo para silipin ang sitwasyon. "Wala na sila," bulong ko."Atashia, pwede ka nang lumabas," sabi naman ni Belle. "Oo nga. Umalis na kasi ang mga tao ninyo ni Lance," saa
ATASHIASimula nang nalamam ni Charlene kung sino ang kaniyang ama, hindi n'ya na ako tinigilan na kulitin para makipagkita raw kami kay Lance. Nagsinungaling ako sa aking anak. I told her that Lance is out of the country as of the moment kaya hihintayin namin na dumating ito. In an instance, Charlene calmed down. Nang mapag-solo kami ni Jaspher, galit na kinompronta ko siya tungkol sa ginawa niya. Subalit sa halip na humingi ng tawad, binigyan pa niya ng justification ang ginawa niya. Nang dumating si Daddy, naabutan niya kami ni Jaspher na nagtatalo. Akala ko ay kakampihan niya ako dahil mali naman talaga ang kuya ko sa pangingialam nito pero namagitan lamang siya. Kapwa niya lang kami pinaalalahanan na huwag laging paiiralin ang galit para magkasundo kaming magkapatid. "Atat ka na bang balikan si Belle kaya pinangungunahan mo ako sa mga desisyon ko," inis kong sabi. "That's not true. I am thinking about you and Charlene. Ayaw kong masira ang pamilya mo dahil lang sa mga taong p
ATASHIANaging mapilit si Lance at halos hindi niya ako bitawan. Mabuti na lang at nilapitan ako ng ilang mga kaibigan ng aking ama para kumustahin. "Hija, what business venture are you up to?" tanong sa akin ng isa sa mga kaibigan ni Daddy. "I'm into restaurant business, sir. Hopefully, makapatayo rin ako ng mga hotels in the near future," saad ko naman. "Oh, that's a nice idea. Maybe we can be partners soon," sabi pa niya. Dahil hindi naman talaga ako sanay sa mga ganoong usapan kaya ngumiti na lang ako. Medyo hindi ako comfortable sa presence ng may edad ng lalaki pero kailangan ko siyang pagtiisan para lang hindi ako kulitin ni Lance. "Sir Jimenez, kumusta?" tanong ni Lance sa kausap ko. Nagulat ako dahil akala ko ay lulubayan niya na ako. Subalit mas lalo niya pang idinikit ang katawan niya sa akin. "Mr. Henzon, I am sorry kung medyo na out of place ka," sabi ng lalaki. May halong sarcasm sa boses nito. "Don't mention it. By the way, it's nice to see you here." Inilahad n
ATASHIASa condo ni Lance, sa Raon City, niya ako dinala. All the memories flashback as I entered the unit. Pansamantala, nakalimutan ko lahat ng problema naming dalawa. Umupo ako sa couch na para bang katulad ng dati. Kahit lasing na lasing ako, malinaw sa isip ko ang mga nangyayari. Hindi ko nga lang makontrol ang puso ko. "Do you want to sleep now?" tanong sa akin ni Lance. "Uuwi na ako. Baka hinahanap na ako ni Charlene," saad ko. Pero ikinawit ko naman ang aking mga braso sa leeg ng aking asawa. "Please stay here with me tonight. I miss you so much, Hon." "I missed you too." Walang pag-aalinlangan na sabi ko kay Lance. We started kissing each other. Sabik na sabik ako sa kan'ya kaya hindi ko napigilan ang aking sarili nang kusang gumalaw ang aking mga palad para haplusin ng buo niyang katawan. He kissed my lips down to my chest. We both were moaning with great pleasure. Lance undressed me without hesitation. I did the same thing too. We were both gasping for breath. He car