LANCEI had an awful day at work, that was why I went to Atashia’s restaurant. I was trying to win back my wife's heart, but unfortunately, Daddy came. I wasn't expecting to see him in my wife’s restaurant because I knew he was busy on the farm. As dad entered Atashia's office, my eyes met his. I was asking him questions silently.“Good morning, sir. I am not expecting your visit.” Pormal ang facial expression ni Atashia and I could sense she was uncomfortable having my dad in her office. “Dad, why are you here?” I asked him too. “I am not expecting to see my son here, hija. I am glad na okay na kayong dalawa,” sabi ni Dad sa halip na sagutin ang tanong ko. Atashia invited him to sit down. She ordered her secretary to bring us coffee. Habang tinitingnan ko ang asawa ko, napangiti ako. Malaki na ang naging improvement niya mula sa isang simpleng personal assistant ko noon at secretary into a big boss sa isang sikat na restaurant. Well, it’s not a surprise anymore since she is now st
OLIVIAThe police are hunting me. Gosh, may warrant arrest na for me. Duh! Ginawa ko lang naman ang sa tingin ko ay tama. Ang dami kasing batas sa mundong ito gayong pwede naman maging malaya ang mga tao at gawin ang mga gusto nila. Hindi ko maintindihan kung bakit hindi gawing batas ng mga nasa pwesto na magkaroon ng ilang araw na kalayaan ang mga tao. Nang sa ganoon ay pwede nilang patayin ang mga taong nagkasala sa kanila. Well, imposible iyon, alam ko. Marami kasi ang feeling banal sa mundong ito. Magkasama pa rin kami ngayon ni Mark. No choice na siya kung hindi ang pakisamahan ako dahil wala naman siyang mapupuntahan pa. Mabuti na lang, marami akong ninakaw sa Henzon Group of Companies. Kahit nagtatago ako, nakahiga pa rin ako sa pera. Naibenta ko rin ang private plane ni Lance at ilan pa niyang mga ari-arian kaya naka-jackpot ako. Marami akong ipon at sapat iyon para sa ilang buwan na pagtatago. Masama na kung masama akong ina. Who cares about what other people think? Mapapa
ATASHIAIsang malaking katanungan sa pamilya ang pagkamatay ni Miss Salvie. Ngunit hindi ko inaasahan na pati ang pangalan ko, ni Daddy, at ni Jasper ay madadamay. Ang isa pang malaking katanungan ay kung bakit sa Siniloan natagpuan ang bangkay ng dating karelasyon ng aking ama. Dahil doon kaya ako ang nadidiin sa kaso. Batid kasi ng ilang mga taga Siniloan na tumira ako roon. Dahil sa mga nangyayari ay pilit kong hinahanap si Lance. Medyo matagal na kasi siyang hindi nagpaparamdam sa akin. Dapat ay sana ay masaya ako dahil hindi na niya ako inaabala subalit hinahanap-hanap siya ng puso ko. Nahihiya na pinuntahan ko si Nathan sa kan’yang opisina. Medyo nagulat pa nga ang nobyo ng bestfriend ko dahil sa sorpresa kong pagbisita sa kan'ya. "Why did you not inform me that you're gonna visit me right now?" tanong sa akin ni Nathan. "Himala. Pinayagan ka yata ng iyong ama na mamasyal ngayon," biro pa niya."Nag-aalala kasi ako kay Lance," agad kong sabi. "Tumakas lang ako sa mansion kasi
LANCEI was in the middle of my meeting when Nathan called me. At first, I wasn't able to understand what he was trying to tell me. Hanggang sa mabanggit niya ang pangalan ni Atashia. "Come again. What did you just say?" tanong ko ulit sa akin kaibigan. "Pare, ang sabi ko, nawawala ang mag-ina mo. Nagkakagulo ngayon sa mansion ng mga Regalado dahil paggising ng lahat kaninang umaga, wala na sina Atashia at Charlene," balita sa akin ni Nathan. "You are joking, right?" tanong ko ulit sa kaibigan ko."Of course not. Kahit kailan ay hindi ko gagawing biro ang bagay na ganito, Lance. Prepare yourself. Maaaring tanungin ka ng mga pulis tungkol sa pagkawala ng iyong mag-ina," sabi pa ni Nathan bago naputol tawag niya. I was silent for a moment. I don't know what to do, and who to talk with. My wife and my daughter are missing and I have no idea where they are. As I returned to the meeting room, I drastically ordered everyone to return to their post. Sumunod naman ng walang reklamo ang m
ATASHIAI received a lot of messages from Lance. He said everyone was looking for me at sa anak ko. Dahil doon kaya napilitan akong magpadala ng text sa kan'ya. Bukod sa kan'ya, nagpadala rin ako ng text message kay Jaspher. Batid ko kasing nag-aalala rin ang kapatid ko. Sa isang malayong barangay sa lalawigan ng Catanduanes, masayang naglalaro ang anak ko. May mga bago na siyang kaibigan doon kahit ilang araw pa lang kami sa nasabing lugar. "Atashia, galit ka pa rin ba sa akin?" tanong ni Gemma. Nakaupo siya sa wheelchair dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin siya nakakalakad. Kapwa kami nasa lilim ng isang mangga na malapit sa malaking gate na kawayan. Tiningnan ko si Gemma mula ulo hanggang paa. "Galit?" Tumawa ako ng bahagya. "Wala na akong galit sa iyo. Matagal ko nang tinanggal iyon sa puso ko dahil hindi iyon makakabuti para sa akin. Pero huwag kang umasa na pagkakatiwalaan kita. Nandito ako hindi dahil sa iyo kung hindi dahil kay Liza. Tingnan natin, malay mo sa mga panaho
ATASHIACharlene's third birthday. Isang simpleng celebration ang inihanda ko para sa aking anak. No kiddie party, no balloons, and no gift giving. Isang simpleng swimming by the beach lang ang pinag-usapan namin nina Liza at Gemma. Madaling araw pa lang ay hindi na magkaugaga ang magkapatid sa pag-asikaso ng mga lulutuin sa araw na iyon. Hindi na nila ako pinatulong dahil nag-aalboroto si Charlene. Hindi na naman kasi niya makalimutan ang kan'yang ama. Daddy… daddy… daddy…Uminit na ang aking ulo at tuluyan na akong nawawalan ng pasensya. Kahit anong gawin ko kasi ay hindi ko mapatahan ang aking anak. Madaling araw na pero sa halip na matulog ay panay lang ang iyak ni Charlene. "Tawagan mo kaya si Lance para makapag-usap ang mag-ama," suggestion ni Liza. “Kapag ginawa ko iyon, lalong magwawala iyan si Charlene,” wika ko naman. “Naku, baka masira pa ang birthday ng batang iyan dahil sa kahahanap niya sa kaniyang ama,” sabi naman ni Gemma. Napaupo ako sa lumang hagdanan. Kinarga
ATASHIAAgad akong sinalubong ng yakap ni Liza. Si Gemma naman ay umiiyak habang nakatingin sa amin. Kitang-kita naman sa mukha ng mga kamag-anak nila ang matinding takot na naramdaman nila. Ngunit ang ipinagtataka ko ay kung bakit naroon din si Lance ng mga oras na iyon. "Kumusta kayong mag-ina? Nasaktan ba kayo?" tanong ni Liza sa akin. "Liza, tingnan mo nga si Charlene. May ahas sa loob ng kweba Hindi ako sigurado kung natulaw ba siya o hindi," bulong ko sa kan'ya. Mabilis naman na kumalas sa pagkakayakap ko si Liza. Agad niyang sinuri ang buong katawan ng aking anak. Palibhasa isa siyang nars kaya sanay na sanay siya sa pag-check ng mga pwedeng sintomas ng tuklaw ng ahas. "Wala akong nakitang kahit na anong indekasyon na natuklaw ng ahas si Charlene," sabi ni Liza. Laking pasasalamat ko na malayo si Lance habang nag-uusap kami ni Liza. Baka kasi maghurumentado ang asawa ko kapag nalaman niya ang nangyari sa amin ng anak niya sa loob ng kweba. "Bakit nandito si Lance?" Hindi
ATASHIAMaliwanag na nang umalis kami ng Catanduanes. Sakay ng isang private plane, tahimik akong nakaupo sa tabi ng bintana ng eroplano. Si Charlene naman ay katabi ng kan'yang ama at nag-i-enjoy sila na pagmasdan ang mga ulap.Wala akong ideya kung saan kami pupunta. Buong magdamag kasi ay daig pa namin ni Lance ang hindi magkakilala. Sa sofa siya natulog habang ako ay katabi ni Charlene. Kahit may space pa sa kama, sinabi ko sa kan'ya na mahuhulog ang anak namin kapag tumabi pa siya sa amin. Batid ko na alam ni Lance na hindi ko siya gustong makatabi sa pagtulog pero hindi naman siya nagreklamo. Bumubulong-bulong siya na parang manggagamot noon sa Siniloan pero hindi ko na siya pinansin pa. Bigla kong nahaplos ang aking tiyan ng nakaramdam ako ng pagkahilo. Nasusuka kasi ako habang nasa ere kami."Mabuti na lang at hindi ako nabuntis ng mokong na ito," bulong ko sa aking sarili. Bigla ko kasing naalala ang nangyari sa amin ni Lance noong nagkaroon ng party sa isa sa mga compani