ATASHIAKinabukasan, habang nag-iipon ako ng lakas ng loob para kausapin ang asawa ko, pinili ko muna ang tumambay sa ilalim ng mga puno. Napakasarap ng pakiramdam para akong nakawala sa rehas na bakal. Sobrang peaceful kasi sa paligid ng La Aurora. Si Charlene ay nasa hindi kalayuan at kalaro ang katulong na itinalaga ni Lance na pansamantalang yaya ng anak namin.Hindi ko alam kung nasaan ang asawa ko. Nang magising kasi ako ay wala siya sa loob ng silid na tinulugan namin. Probably he is mad dahil sa sahig ko siya pinatulog. "Atashia, you're here." Napalingon ako sa may-ari ng tinig. Agad kong nakita si Belle na lumalakad palapit sa akin. "Ang aga-aga huwag mo akong simulan," saad ko. Nagpalinga-linga si Belle sa buong paligid. Maya-maya po ay sumilay ang isang nakakainsultong ngiti sa kan'yang mga labi. "How are you?" Tumalim ang mga mata niya. Nakaramdam ako ng pagkalito. Handa ko na sanang patawarin sila ni Lance dahil naniniwala na sana ako na kapwa na sila nagsisisi kaya h
LANCEHindi ko magawang pahupain ang galit ni Atashia. My head is aching because of her unending rants. Ang dami niyang energy para awayin ako kahit na ilang beses na akong nagpapaliwanag sa kaniya. Alam ko na mahal ako ng asawa ko. Her actions said so. Subalit hindi talaga nawawala ang pagdududa niya sa akin. Habang karga ko si Atashia sa balikat ko, ramdam ko ang malakas niyang mga suntok. She even bit my back. Kahit nananakit na siya ay mas pinili ko pa rin ang maging kalmado. I love her, and I want her back. "Lance, pagbabayaran mo ang mga ginagawa mong ito sa akin," banta sa akin ni Atashia. I never said words in return. Lalo lamang kasi siyang magagalit sa akin kapag lumaban ako. "Gusto kong magharap-harap tayong tatlo nina Belle," sigaw ni Atashia. "Okay. Just calm down," sagot ko pagkatapos ko siyang ibaba sa kama ng silid na tinutulugan namin. "Bakit dito mo ako dinala? Kung talagang wala kang tinatago sa akin, at ikaw ang nagsasabi ng totoo, haharapin natin si Belle,"
OLIVIA From nowhere, bigla na lang sumulpot si Belle. I was so happy nang nalaman ko iyon. Daig ko pa kasi ang daga na nagtatago dahil hinahanap ako ng mga pulis. Sa paglabas ni Belle, nagkaroon ako ng pag-asa. "Mark, dukutin n'yo si Belle Friol," utos ko. "Ano na naman ito, Olivia? Hindi ka ba napapagod sa paggawa ng masama. Ako kasi, pagod na pagod na," reklamo ni Mark. Palagi na lang iyon ang linya niya sa tuwing may iniuutos ako sa kan'ya. "Basta sundin lang ninyo ang utos ko. Kapag hawak kasi natin ang babaeng iyon, pwedeng mabago ang kaso," nakangiti na turan ko. Bigla akong napaisip ng malalim. "Much better siguro kung parents ni Belle na lang ang dukutin ninyo. It will be so easier for us to make ganti and at the same time, maiisahan natin ang mga Regalado." Saglit na katahimikan ang namayani sa pagitan namin ni Mark. Batid ko na kating-kati na siya na iwan ako pero dahil sa kapatid niya, hindi niya magawa. Well, sa mundong ito, kung sino ang may mas maraming pera, siya
OLIVIAMalakas na sigaw ang pinakawalan ko habang nakatayo ako sa harap ng puntod ng aking mga parents. Halos sumabog ang dibdib ko dahil sa sobrang galit. Oh, my goodness, 'di pa rin nawawala sa small mind ko kung paano nila ako pinahirapan noong little child pa lang ako. I hate them. Sagad hanggang buto ang galit ko sa kanila. Iyon ang dahilan kung bakit ganoon na lang kung protektahan ko si Lance. Ayaw kong pagdaanan ng aking anak ang mga pinagdaanan ko sa buhay."Kayo ang unang nagparamdam sa akin na wala akong halaga sa mundong ito," saad ko habang nakatitig sa magkatabing puntod ng aking mga magulang. "Mga wala kayong kwentang tao dapat lang sa inyo ang mamatay. Hindi ko pinagsisisihan ang ginawa ko sa inyo."Ilang beses kong sinipa ang puntod ng mga magulang ko. Lintek talaga sila. Kahit matagal ng silang patay ay patuloy pa rin nila akong pinarurusahan. Hindi ako makaalis-aalis sa impyerno na kinalalagyan ko dahil sa kanila. Hindi ko napigilan ang mapaiyak. Masakit kasi ang
ATASHIA Halos mapanganga ako ng dinala ako ni Lance sa isang magarbong silid. Nasorpresa ako na may ganoon pala kaganda na kuwarto sa mansion nila. Sa makaluma kasi nitong estilo, hindi aakalain ng sinuman ang nakatago nitong mga hiyas. Ang theater kung saan nakadikit sa pader ang isang napakalaking screen ng tv ay binubuo ng napakaraming upuan at mamahalin na mga displays. Nakakapanganga rin ang ganda ng mga ilaw. Ang kulay asul nitong pintura at classy na mga black curtains ay lalong nagpatingkad sa angkin nitong rilag. "Let's watch the news. Tumawag kasi sa akin si Nathan at sabi niya ay manood daw ako," sabi ni Lance. "Paano mong nakausap si Nathan?" Nagtataka na humarap ako kay Lance. "Pwede mo nang tawagan ang family mo, hon," sa halip ay sagot ni Lance kaysa ang bigyan pansin ang tanong ko. "Huh? Lance, akala ko ba walang signal dito. Paano kong…" "Wala na ang signal blocker." He smiled. "Ano? Walang hiya ka talaga. Niloko mo lang pala ako." Pinagkukurot ko si Lan
ATASHIAHabang nasa bukid kami, pakiramdam ko ay solo ko ang aking asawa. Maraming sorpresa rin ang hindi ko inaasahan. "Bahay mo ito?" tanong ko kay Lance. Dinala kasi kami ni Mang Joel sa isang bahay na hindi kalakihan pero sobrang ganda. Hindi ito kalayuan sa bahay na tinitirahan nila ni Aling Tina. "This is bahay-kubo. A typical Filipino house. I told Mang Joel to build this one because I knew way back then that there is a chance for us to stay here," paliwanag ni Lance. "Alam ko na bahay-buko ito. Pero paano tayo mamaya. Walang kuryente rito at…" "Hon, I installed solar here. Do not worry about the electricity."Nang inakbayan ako ni Lance, napawi lahat ng mga pag-aalinlangan ko. Naisip ko na kaysa mag-alala ako, i-enjoy ko na lang ang pagkakataon na kasama ko sila ng anak ko. "You know what, you're more beautiful in my eyes when you are worried," bulong sa akin ni Lance. "Get ready tonight." Kinabahan ako. Lance and I never had an intimacy simula nang naging okay kami. Tak
ATASHIADahil pinayuhan ako ni Jaspher na ayusin ang relasyon ko sa ama ni Lance, pumayag akong umalis muna ng La Aurora. Kahit paano ay kampante ako dahil binigyan ako ng assurance ng aking kapatid na magiging ligtas kami ng anak ko. "Magtiwala ka sa asawa mo, Athasia," sabi sa akin ni Liza habang yakap niya ako. "Tiyak na hindi ka pababayaan ni Sir Lance. Hindi siya papayag na may mangyaring masama sa inyong mag-ina." "Sana nga maging maayos ang lakad naming ito, Liza. Gusto ko rin bumisita kay Loida. Parang siya na ang may-ari ng restaurant ko," biro ko pa. "Naku kung alam ko lang na magiging magaling kang negosyante, sumipsip na dapat ako sa iyo noon pa," wika naman ni Gemma. "Siguro kung ginawa ko iyon, baka isa na rin ako sa manager ng isa sa mga restaurant mo." "Pwede ka pa rin namang maging manager ng restaurant ko," saad ko kay Gemma. "Magpagaling ka na para matupad mo ang gusto mo." "Malapit na. Gagawin kong posible ang imposible. Makikita mo iyon, Atashia," mayabang na
OLIVIAI’m so happy dahil sumunod si Belle sa mga utos ko. Lalong naging happy ako dahil may nakapag balita sa akin na uuwi raw ng farm sa Cavite ang aking anak. Iyon nga lang, hindi ako masaya na kasama niya ang kaniyang hilaw na asawa at anak. Gosh, hindi lahat umaayon sa akin ang mga pangyayari. “Mark, may balita ka ba kung binawi na ng mga Regalado ang kaso nila laban sa akin? I am so excited nang maging malayang muli.” Masigla ang boses ko habang nagtatanong ako sa aking karelasyon. “Wala pa. Palpak yata ang plano mo,” sagot naman niya sa akin. No way! Hindi ko matatanggap na palpak ang naging desisyon ko. Aba, kapag nagkataon ay patong-patong na kaso na ito at tuluyan na akong hindi magkakaroon ng pagkakataon na maging malaya pa. I don’t want to sound being pathetic kaya hanggang kaya, lalaban ako. “Hindi palpak ang plano ko!” Mataas na agad ang boses ko at nanlilisik ang eyes ko. “Saka mo iyan sabihin kapag hindi tayo nakulong dahil sa pagkidnap mo sa mga Friol,” galit din