Share

Chapter 33: Strike Back

Nanatili ako sa loob ng kuwarto ni Ruan hanggang sa mabawi ko ang lakas ko. Dalawang araw na ang nakalipas at maayos naman na ang pakiramdam ko sa katawan ko, ngunit hindi pa rin bumabalik ang boses ko.

Napapikit ako nang humagod ang mainit na palad ni Ruan sa likod ko. Mabuti na lang at hindi pa bumabalik nang buo ang aking boses, kundi ay baka umungol pa ako kahit na pinapahidan lang naman ako ng lotion ni Ruan.

Katatapos niya lang ako samahan maligo. And yes, pinilit talaga niya na siya ang magpaligo sa akin. Hindi talaga niya ako pinapakilos bilang pambawi raw sa nawalang lakas ko. Parang siya tuloy ang naging personal assistant ko.

Napayuko ako nang lumuhod si Ruan sa harap ko para pahiran ng lotion ang mga binti ko. Sa dalawang araw na ganito kami ay halos hindi na ako nahihiya sa kaniya.

I was completely naked in front of him right now. Lantad na lantad ang mga peklat sa sulok ng katawan ko mula sa assessment na pinagdaanan ko bago ako tuluyang nakabalik sa trabaho.

Hi
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status