Share

Chapter Twenty-seven : Not Divorcing

Walang ekspresyon na mababasa sa mukha ni Nana habang si Claire ay madilim ang mukhang nakatingala kay Veena. Gusto niya itong hatakin palabas ng kuwarto.

“Nana…” Nanatili sa pagkakatayo sa gilid ng kama si Veena. “Wala naman po akong ibang nais kundi ang makita lang si Manson. Mahigit isang dekada rin po kaming nagkasama. Hindi n’yo po maialis sa akin kung gusto ko siyang makita dahil may pinagsamahan kami.”

Umiling si Nana. “Yes, Veena. May pinagsamahan kayo ni Manson pero matapos ang pang-iiwan mo sa kanya noong naaksidente siya, saan na ang pagsasamang sinasabi mo? Sino ang nasa tabi ni Manson noong hindi siya makalakad? Sino ang nag-alaga sa apo ko noong panahong pinandirian siya ng lahat?”

Nag-umpisang manubig ang mata ni Veena. “Nana, hindi ko po kasalanan kung bakit wala ako noong maaksidente si Manson. My mother force me to leave the country. Pero kung ako ang tatanungin ay hindi ko gustong umalis. Mahal ko pa rin si Manson–”

“Wala nang dapat sisihin kung umalis ka o hindi, V
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status