Share

Chapter Twenty-six: Accusations

Kaagad na bumiyahe ang grupo pa-Maynila nang gabi ding iyon. Pumunta sila ng Kalibo na siyang pinakamalapit na airport sa bahay ng lolo ni Claire. Pasalamat sila dahil may bakanteng tickets kaya hindi na sila naghintay nang matagal. Pero mag-a-alas kuwatro na rin ng madaling araw nang makarating ng ospital si Claire dahil sa traffic sa airport. Claude parted ways after the plane landed in NAIA.

Nang makarating sina Claire at Manang Silva sa top floor kung saan ang VIP room ni Nana ay naabutan nila si Manson na nasa hallway malapit sa bintana at naninigarilyo. Gumuhit ang pag-aalala sa mukha ni Claire dahil sa stress na nababasa niya sa mukha ng asawa. Hindi pa man siya nakakahakbang upang lumapit dito ay biglang may malambing na boses ang tumawag sa pangalan nito.

“Manson…” Kasunod niyon ay ang balingkinitang braso na yumakap sa baywang ni Manson. “Nabalitaan ko na nasa ospital si Nana. Pumunta ako para bumisita.”

Parang sinakal ang pakiramdam ni Claire at hindi siya makahinga dahil
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status