Kaagad na bumiyahe ang grupo pa-Maynila nang gabi ding iyon. Pumunta sila ng Kalibo na siyang pinakamalapit na airport sa bahay ng lolo ni Claire. Pasalamat sila dahil may bakanteng tickets kaya hindi na sila naghintay nang matagal. Pero mag-a-alas kuwatro na rin ng madaling araw nang makarating ng ospital si Claire dahil sa traffic sa airport. Claude parted ways after the plane landed in NAIA. Nang makarating sina Claire at Manang Silva sa top floor kung saan ang VIP room ni Nana ay naabutan nila si Manson na nasa hallway malapit sa bintana at naninigarilyo. Gumuhit ang pag-aalala sa mukha ni Claire dahil sa stress na nababasa niya sa mukha ng asawa. Hindi pa man siya nakakahakbang upang lumapit dito ay biglang may malambing na boses ang tumawag sa pangalan nito.“Manson…” Kasunod niyon ay ang balingkinitang braso na yumakap sa baywang ni Manson. “Nabalitaan ko na nasa ospital si Nana. Pumunta ako para bumisita.”Parang sinakal ang pakiramdam ni Claire at hindi siya makahinga dahil
Walang ekspresyon na mababasa sa mukha ni Nana habang si Claire ay madilim ang mukhang nakatingala kay Veena. Gusto niya itong hatakin palabas ng kuwarto.“Nana…” Nanatili sa pagkakatayo sa gilid ng kama si Veena. “Wala naman po akong ibang nais kundi ang makita lang si Manson. Mahigit isang dekada rin po kaming nagkasama. Hindi n’yo po maialis sa akin kung gusto ko siyang makita dahil may pinagsamahan kami.”Umiling si Nana. “Yes, Veena. May pinagsamahan kayo ni Manson pero matapos ang pang-iiwan mo sa kanya noong naaksidente siya, saan na ang pagsasamang sinasabi mo? Sino ang nasa tabi ni Manson noong hindi siya makalakad? Sino ang nag-alaga sa apo ko noong panahong pinandirian siya ng lahat?”Nag-umpisang manubig ang mata ni Veena. “Nana, hindi ko po kasalanan kung bakit wala ako noong maaksidente si Manson. My mother force me to leave the country. Pero kung ako ang tatanungin ay hindi ko gustong umalis. Mahal ko pa rin si Manson–”“Wala nang dapat sisihin kung umalis ka o hindi, V
Wala pang sampung minuto at bumalik na si Manson sa kuwarto ni Nana. Kaagad itong dumiretso sa tabi niya at umupo. “Hindi mo dapat ginagalit si Veena. Bata pa siya at madaling ma-trigger ang sakit n’ya. Paano kung muli na naman niyang maisip na kitlin ang sariling buhay?”Yumuko si Claire para itago ang pagbalot ng inis sa mukha. Hanggang kailan siya magtitiis sa kadramahan ni Veena? At bakit kailangan n’yang i-tolerate ang ginagawa nitong panglalandi sa asawa n’ya?Imbes na sumagot ay nanatiling tahimik si Claire kaya’t si Nana ang sumagot para sa kanya. “Manson, bata pa rin si Claire. Bakit kailangang s’ya ang pagsabihan mo palagi? Hindi ba dapat ang babaeng ‘yon ang pagsabihan mo? Si Claire ang asawa mo kaya s’ya ang asikasuhin mo.”Tumingala si Claire at nagsalubong ang mata nila ni Manson. Ngumiti ito at kinurot ang magkabilang mukha n’ya dahil bigla iyong namula. “Sino’ng bata pa, huh? Puwede ka na ngang magdala ng bata,” biro pa nito. Ramdam ni Claire na lalo pang nag-init an
Claire licked the white fluid left on her lips and looked up at Manson. “N-nagustuhan mo ba?” “I love it, baby. Where did you learn that? You seemed expert, hmm…?”Napatungo si Claire. Paano ba niya sasabihin sa asawa na nagpa-practice siya gamit ang dildo?“I researched and watched some videos,” mahina ang boses na sagot niya. Hinila siya ni Manson at pinatayo mula sa pagkakaluhod sa sahig saka niyakap nang mahigpit. “Your research produces a well-done presentation. And I can say, you can be wild and I will like it. Pero kahit hindi ka wild sa pagtatalik natin ay ayos lang sa akin, okay?” Manson leaned and claimed her lips for a deep kiss. “You want to take a shower together?” “To conserve water?” natatawang sagot ni Claire.“Yes, to conserve water.” Binuhat siya ni Manson at dumiretso sila sa shower area. At dahil binuksan kaagad ni Manson ang shower ay basang-basa ang suot na damit ni Claire. Bumakat ang makurba niyang katawan at sa ilalim ng shower ay isa-isang hinubad ni Man
Dahil sa pagod nang nagdaang gabi ay tanghali na nagising si Claire. May ngiti sa labi na ininat niya ang katawan habang binalik-balikan ang alaala nang nagdaang gabi. She couldn’t believe that she had a wild side and Manson even praised her for that. Kung ganito sila lagi ng asawa ay malabong matutuloy ang divorce nila. Hindi na naman niya maiwasan ang mapangiti dahil sa naisip. Mahal niya si Manson at sa totoo lang ay ayaw niyang maghiwalay sila nito. Nang makapasok s’ya sa banyo ay lalong lumawak ang ngiti n’ya nang makita na pati ang toothbrush niya ay may nakalagay nang toothpaste. May tuwa sa puso at mabilis siyang nag-toothbrush saka naghilamos at pagkatapos ay bumaba sa kusina nang maamoy ang masarap na samyo ng pagkain. Ngumiti si Manson nang makita siyang papasok sa kusina habang inihahanda nito ang pagkain. “Gising ka na pala. Halika, kumain na tayo. Naghanda ako ng paborito mong almusal.” Binalik ni Claire ang ngiti ni Manson habang nakatitig sa guwapong mukha ng asawa.
“Huwag kang magsalita nang kung ano-ano, Veena. Ang totoong panakip-butas dito ay ikaw. Kung hindi namatay ang kapatid mo ay wala kang puwang sa buhay ni Manson.” Malupit ang bawat salita na lumalabas sa bibig ni Mosheire.Nang lingunin ito ni Claire ay nakita niya ang ginang na kakapasok lang din ng botique. May alalay na nakasunod dito. Mrs. Mosheire Del Vega wore a sophisticated dress that fitted her curves. Hindi halatang nasa fifties na ito. Kahit ang paglakad nito ay parang modelo. Nginitian ito ni Claire bilang pagbati. “Ma.”Isang eleganteng ngiti ang isinukli ni Mosheire kay Claire at agad siyang lumapit. Habang si Veena ay muntikan nang sigawan kung sino ang nang-insulto pero nang malaman na ina iyon ni Manson ay agad na nagbago ang ekspresyon nito. “Aunty, nakauwi na pala kayo.” Lumapit ito kay Mosheire at akmang yayakap pero pinigilan ito ng ginang. “Na-miss ko po kayo. Sinabi ko kay mommy na malapit na ang kaarawan n’yo kaya nandito ako at naghahanap ng mairegalo. Hindi
“Ano’ng pahirapan ang pinagsasabi mo, Manson? Masaya kaming nag-uusap ni Claire. Hindi ba, iha?” kaagad na kontra ni Morsheire sa anak nito. Nangingiting tumango si Claire at tiningnan ang asawa. “Bakit ka nagmamadaling pumunta rito, Manson? Wala namang problema sa amin ni mama.” Nakaangat ang kilay na tiningnan ni Morsheire ang anak. “Ano’ng tingin mo sa akin, Manson. Isang kontrabidang biyenan?” Inosente ang mukha nito na para bang walang tinatagong dragon sa katawan. Hindi nakasagot si Manson habang si Claire ay napangiwi. Hindi niya makalimutan kung paano nito tinatrato si Veena kanina. Pero hindi niya akalain na maganda ang turing sa kanya ni Morsheire kahit pa malamig ang pakikitungo nito sa ibang tao. “Ma, asawa ko si Claire. Dapat lang na protektahan ko siya sa kung sinuman ang gustong manakit sa kanya.” Naiiling na sumagot si Morsheire. “Naririnig mo ba ang sinasabi mo, Manson? Alam mo ba talaga kung sino ang gustong manakit sa kanya?” S******p ng tsaa si Morsheire bag
Natigil ang akmang pag-inom ni Claire ng champagne nang marinig ang boses na ‘yon. Inilapag niya sa mesa ang kopita saka dahan-dahang nilingon ang pinagmulan ng boses. Pagkarinig pa lang sa boses na iyon ay agad na siyang dinaluhong ng kaba. The voice was full of contempt, ridicule and disgust. Halata ang pagkadisgusto ng nagmamay-ari ng boses na ‘yon kay Claire pero pilit niyang kinalma ang sarili na ‘wag ito patulan. “Hindi na rin pala masama kapag nabihisan ka. Nagmukha kang si Cinderella na pagkatapos ng party ay bumalik sa pagiging alila.”Napatungo si Claire dahil pinagtitinginan na siya ng mga naroroon. Umugong ang bulung-bulungan at hindi na niya kailangang mag-isip kung ano ang sinasabi ng mga ito. Minamata siya ng mga mayayaman na dumalo sa kaarawan ng kanyang biyenan!Nang makita ni Claire kung sino ang nagsalita ay hindi na siya nagtaka kung bakit. It was Manson’s aunt. Kapatid ng ama ng kanyang asawa. Ang isa sa taong labis ang pagkadisgusto sa kanya. Kahit namumula ang