Share

Chapter Thirty-Seven: Mysterious Guy

“Alam mo na siguro kung bakit ka pinakasalan ni Manson. Magkamukha kayo ni Veena at ang batang iyon lang ang nababagay sa anak ko. Pareho ang estado ng buhay namin samantalang ikaw,” tiningnan siya nito mula ulo hanggang paa. Nanliit ang paningin ni Claire at napayuko. Nagpatuloy ito sa pagsasalita. “Ano ba ang maitutulong mo sa negosyo ni Manson? Wala kang yaman at koneksyon, iha. Hiwalayan mo na si Manson. Malaki na rin naman ang naitulong niya sa ‘yo at sa pamilya mo, hindi ba? Isa pa, bumalik na si Veena. Panahon na para sila ni Manson ang magpakasal.”

Ito ang mga salitang paulit-ulit na nagre-replay sa isip ni Claire habang nakaupo sa bench sa ilalim ng isang malagong punong-kahoy sa harap ng hospital kung nasaan ang kanyang lola. Umalis siya sa opisina ng biyenan niyang lalaki na pigil-pigil ang luha. Ang sakit na dulot ng sinabi ni Mr. Pherie ay malakas na sumuntok sa kanyang puso at nahihirapan siyang huminga. Pero kahit ano’ng gawin niya ay hindi siya makaiyak. Tila manhid na
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status