Share

Divorce Now, Marry Me Later
Divorce Now, Marry Me Later
Author: SQQ27

Chapter One

Nangingiting uminat ng katawan si Claire nang magmulat siya ng mata. Malinaw na malinaw pa sa kanyang alaala ang nangyari sa kanila ng asawa kagabi. Matapos ang halos tatlong taon nilang pagsasama, matapos silang sikretong magpakasal, ay muling may nangyari sa kanila ni Manson. Ang buong akala niya ay hindi na siya makakatikim sa matipunong katawan nito dahil matapos ang honeymoon nila ay hindi na siya nito ginalaw.

Tumanim pa sa isip ni Claire na baka hindi naman talaga siya ang mahal ng asawa at pinakasalan lang siya nito upang kalimutan ang ex-girlfriend nito na nang-iwan matapos itong maaksidente. Pero lahat ng agam-agam na iyon ay biglang nawala nang nagniiig sila kagabi.

She turned her body and faced her husband with a grinning face. She stared at his handsome face, who looked innocent when his eyes were closed. Hindi pa rin siya makapaniwala kaya idinikit niya ang katawan at mahigpit itong niyakap. Sabado ngayon kaya kahit mataas na ang sikat ng araw ay pareho pa rin silang nakahiga sa kama.

“Claire, baka mawalan na ako ng hininga sa higpit ng yakap mo.”

Ang namamaos na boses ng asawa ang pumukaw sa kaligayahan ni Claire. Tiningala niya ang maaliwalas na mukha nito at malawak na ngumiti. “Good morning, my husband.” Bahagya niya itong pinakawalan. “Bakit ko naman papatayin sa yakap ang asawa ko? Eh ‘di mawawalan ako ng kaligayahan niyan?” nagbibiro pa niyang dugtong.

Nawala ang aliwalas sa mukha ni Manson dahil sa sinabi ni Claire. Hindi ito agad makaapuhap ng sasabihin at blangkong tumitig. Maya-maya ay kumalas ito sa pagkakayakap niya at umupo sa kama. Nagtatakang sinundan ito ng tingin ni Claire at sumunod dito ng upo. Ginamit niya ang kumot upang pangbalot sa hubad na katawan dahil sa lamig ng aircondition.

“May problema ba?” Hindi niya maiwasang tanong. Biglang kumabog ang dibdib niya sa hindi mawaring dahilan at napahigpit ang hawak sa kumot. She was expecting some problems that her husband was facing at the company. Iyon ang iniisip niya kung bakit malamig at wala ito sa mood nang gumising. Pero ang sunod na sinabi nito ang sumindak sa buong pagkatao ni Claire.

“Let’s file a divorce, Claire. Bumalik na si Valeen.”

Umawang ang labi ni Claire at nanlaki ang mata. Wala siyang maapuhap na salita dahil parang may sumakal sa leeg at may tumatarak sa dibdib niya. Gusto niyang ipaulit ang sinabi nito pero hindi niya mahagilap ang boses. Ang kaninang tuwa ay biglang naglahong parang bula at napalitan ng pighati. Gone in just a matter of seconds. Maraming salita ang gusto niyang sabihin pero ni isa walang lumabas sa kanyang bibig. Ito na nga ang kinatatakutan niyang mangyari.

Hinawakan ni Manson ang dalawang palad ni Claire at bahagya iyong pinisil. “Maraming salamat dahil sa loob ng tatlong taon nating pagsasama ay hindi ka nagsawang alagaan ako. Mabilis akong gumaling at ngayon ay buo na ulit ako. Huwag kang mag-alala kahit hindi na tayo mag-asawa ay hindi ko kayo pababayaan ng mama mo.”

Kinagat ni Claire ang pang-ibabang labi upang pigilan ang luha na nais umalpas. Sumakit ang lalamunan niya sa pagpigil kaya tumango na lang siya. Pinilit niya ang sarili na magsalita kahit nagbabadya na ang kanyang luha. “Hmm… Sige, mag-iimpake ako matapos kong magluto ng agahan. Kahit sa huling pagkakataon man lang ay mapagsilbihan ulit kita.”

Bumaba ng kama si Claire at maluha-luhang pinulot isa-isa ang damit na nagkalat sa sahig. Walang kumot na nakatabing sa katawan niya kaya't hubod hubad siyang naglakad sa banyo upang magbibis. Hindi na sana siya umasa na ang kasunduan nila ni Manson ay mauuwi sa pag-iibigan.

“Thank you. Alam kong hindi ka sisira sa naging kasunduan natin.”

Hindi namalayan ni Claire na nasa likuran na pala niya ang asawa. Nagulat na lang siya nang biglang may yumakap sa bewang niya.

“And Claire, you don't need to prepare breakfast. Magkikita kami ngayon ni Valeen at kakain kami sa labas. I was also thinking of bringing her here, so I hope you are gone before I come back. Here,” may inabot ito sa kanya mula sa likuran.

Bumaba ang tingin ni Claire at nang makitang isa iyong black card ay tuluyang nalaglag ang kanyang luha. It is really over for her and Manson.

“This is my compensation to you for the past years that you've helped me.” Hinalikan nito ang kanyang batok na tila ba concern sa kanya bago siya binitawan.

Mariing kinagat ni Claire ang labi upang pigilan ang paghikbi saka kumalas sa pagkakayakap ni Manson. Iniwan niya ito at dumiretso sa banyo upang doon ibuhos ang sakit na nararamdaman.

Nang makalabas siya ng kuwarto ay hindi na niya naabutan si Manson kaya kahit nasasaktan ay lumabas ng mansion si Claire bitbit ang malaking maleta saka tumawag ng taxi at nagpahatid sa bahay ng kanyang ina. Dito muna siya mananatili at magpapahilom ng sugat.

Maluwag siyang tinanggap ng ina pero nag-aalala ito sa kanya nang magmukmok siya sa kuwarto nang halos isang linggo. Kaya’t hindi na ito nakatiis at sinugod siya.

“Claire, anak. Alam kong nasasaktan ka sa paghihiwalay niyo ni Manson pero hindi ko gustong sayangin mo ang buhay mo sa ganito lang. Isa kang talentadong alahera. Milyones ang bayad sa ‘yo ng mga milyonaryong nagpapagawa ng alahas. Bakit hindi ka bumalik sa dati mong ginagawa?”

Hindi sumagot si Claire pero pinakinggan niya ang ina at bumalik sa dating trabaho bago sila nagkakilala ni Manson. Isang linggo na rin mula nang bumalik siya sa bahay ng kanyang ina at dalawang linggo na hindi niya nakikita si Manson o nakakausap man lang. Kahit sabik na sabik siyang makita ito ay pinigilan niya ang sarili na kontakin ito. Para ano pa? Masaya na ito sa piling ng ex-girlfriend nito. Pababa na siya ng hagdan nang marinig niya ang pamilyar na boses na laging nagpapabilis ng tibok ng kanyang puso.

“Manson?” Tawag niya sa atensyon ng asawa dahil kausap nito ang kanyang ina. “Bakit ka narito? Kung nandito ka para ayusin ang papeles ng divorce natin ay hindi ko magagawa dahil may trabaho ako.”

“May trabaho ka na? Bakit? I can still support you, Claire,” may pag-aalala sa boses ni Manson.

Minsan hindi na maintindihan ni Claire ang sarili kung maniniwala ba o hindi sa pag-aalala na nakikita niya sa mukha ni Manson. Hindi siya sumagot kaya muling sumagot ang asawa.

“Nana wants us back to her mansion.”

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status