Share

Chapter Seven: Drunk

Dahil sa nangyari kanina sa restaurant ay hindi mapigilan ni Manson na maglasing upang alisin ang inis sa dibdib. Matapos ang trabaho ay pumunta siya sa isa sa mga paborito niyang bar kung saan pagmamay-ari ng kaibigan niya na siyang abay rin sa kasal nila ni Claire, si Harley. Magkalapit ang loob nito at ng kanyang asawa kaya lagi siyang nakakatikim dito ng sermon, tulad na lang ngayon.

“Manson, ano ba ang pumasok sa kukute mo at kailangan mo pang i-divorce si Claire? You two are doing okay,” magkasalubong ang kilay na tanong ni Harley matapos siyang abutan ng baso ng whiskey. Alam na alam na nito kung ano ang gusto niyang inumin kapag napagawi siya sa bar.

Mabait na tao si Harley. Kaibigan ito ni Manson noong high school pa lang sila sa isang prehisteryosong eskwelahan. Maganda, matangkad at matalino at papasa bilang isang beauty queen. Lagi pa nga silang napagkakamalang magkasintahan noon kaso alam ni manson simula’t sapul na babae rin ang gusto ni Harley at tanging kaibigan ang t
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status