Share

Chapter Twelve: Feed Me

Chapter 12

Nang lumapat ang labi ni Veena sa kanya ay mabilis itong itinulak ni Manson palayo at matalim ang matang tiningnan ang babae na tila binibigyan ng babala. Kaagad namang lumayo si Veena at nakuntentong umupo sa tabi niya.

“Bakit ka nandito?” malamig ang boses na tanong ni Manson. Ayaw niyang magkaroon uli sila ng hindi pagkakaunawaan ni Claire kapag malaman nitong nagkita sila ni Veena at magkatabi pa sa upuan.

Malawak na ngumiti si Veena at inabala ang sarili sa pagkuha ng pagkain na hindi man lang nagpapaalam sa um-order niyon. “You know me, Manson. I am wherever you go. I can sniff and will find you even if you are in depths of earth,” Veena answered coquitteshly.

Umangat ang kilay ni Marx sa narinig habang si Manson ay hindi sumagot. Tahimik siyang kumuha ng pagkain pero bago pa niya iyon mailagay sa plato ay inagaw na iyon ni Veena at ito na ang nagsilbi sa kanya.

“Let me, my bae. Nakahanda akong pagsilbihan ka kahit saan. Kahit anong pagsisilbi gagawin ko.”

Hindi na n
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status