Hindi sumagot si Claire at halos sindihan ang puwet niya nang pagbukas na pagbukas ng elevator ay kumaripas siya ng lakad. Habang binubuksan ang lock ng pinto ng apartment ay tinanong siya ni Manson.“Pinagsisihan mo ba na nagpakasal ka sa akin?” Bahagyang nasurpresa si Claire sa tanong ni Manson. Itinigil niya ang akmang pagbukas ng pinto at tiningala ang matangkad na asawa. Nagkasalubong ang mata nila. Hanggang ngayon ay hindi pa rin siya makapaniwala na parang isang greek god o model ng isang men’s magazine ang napakasalan niya. May problema man sila ngayon ay hindi iyon hadlang para i-admire niya ang kaguwapuhan nito. Bumilis ang pintig ng kanyang puso. Pero pinagsisihan ba niya na nagpakasal siya kay Manson?Umiling siya. “No. Hindi ko pinagsisihan.”Tinulak ni Claire ang pinto at naunang pumasok habang nakasunod sa kanya si Manson. “Tatlong taon ang nakakaraan ay isa akong walang silbing asawa. Ni hindi makalakad, mainitin ang ulo na kahit mga doktor at nurses na tumitingin ay
Umangat ang mukha ni Claire mula sa nabasag na vase at hindi makapaniwalang tumingin kay Manson dahil bigla itong pumasok. Paano pala kung n*******d siya? “Ayos lang ang lahat, Manson. Nasagi ko ang vase nang hindi sinasadya.” Tumingkayad siya upang pulutin sana ang piraso ng vase na basag nang mabilis siyang pinigilan ni Manson. “Ako na ang gagawa at baka masugatan ka pa.” Pinatong nito ang cellphone sa lababo na hindi pa rin napapansin na naka-on call pa rin iyon. Yumuko ito at isa-isang pinulot ang basag na piraso ng vase. Mabuti na lang at ceramic iyon kaya malalaki ang piraso ng bubog. “Mag-ingat ka at baka ikaw naman ang masugatan,” paalala ni Claire habang inabot dito ang basurahan. Kinindatan siya ng asawa at inilagay sa basurahan ang mga basag na piraso. “Nag-aalala ka ba para sa ‘kin? Huwag kang mabahala, aking asawa. Makalyo ang palad ko. Hindi ito agad-agad masugatan.” “Stop joking around. Walang makapal na balat sa matalas na bubog.” Yumuko siya at tinulungan ito pero
Walang kapantay na lungkot at pighati ang nararamdaman ni Claire ng mga sandaling iyon. Gusto niyang gumuho na ang mundo at lamunin na lang siya. Kung mawawalan ng silbi ang kamay niya, paano na lang siya mabubuhay? Paano sila ng kanyang ina kung tuluyan na silang maghiwalay ni Manson? Paano na ang trabaho niya?Puno ng katanungan ang magulong isip ni Claire, dagdag pa ang matinding kirot na dulot ng sugat niya. Pabagsak siyang napaluhod sa sahig.Nang marinig ng may-ari ng restaurant ang kaguluhan ay mabilis siya nitong dinaluhan. Kahit ang ibang customer ay nakapalibot sa kanya habang tumatawag ng ambulansya para dalhin siya sa ospital pero nagprisinta ang may-ari ng restawran na ito na ang magdadala sa kanya. Habang ang taong maygawa sa kanya ay parang bulang bilang naglaho.Dahil ang person in contact of emergency ay ang asawa niya, dali-dali ring pumunta ng ospital si Manson nang makatanggap ito ng tawag. Inabandona nito ang isang importanteng meeting at pinaubaya sa sekretarya .
Matapos bitiwan ang mga salitang iyon ay inabot ni Manson ang babasaging ashtray na puno ng upos ng sigarilyo at walang-awang hinampas iyon sa pagmumukha ni Helena. Hindi na nagkaroon ng pagkakataon ang babae na makaiwas dahil hawak siya ng dalawang tauhan ni Manson sa magkabilang-balikat.Pumutok ang kaliwang kilay ni Helena kung saan natamaan ng ashtray at kaagad na umagos ang dugo mula roon. Sinipa siya paluhod ng tauhan ni Manson at napaigik ito nang tumama ang tuhod nito sa nabasag na bubog. Pumalahaw ng iyak ang babae pero pinusalan ng isa pang tauhan ang bibig nito ng isang maduming panyo. Tumayo si Manson at gamit ang sapatos ay inangat niya ang mukha ng babae. “Masakit? Dapat ay maranasan mo rin ang sakit na naranasan ng asawa ko dahil sa ginawa mo. Kapag hindi bumalik sa dati ang kamay niya ay hindi lang ito ang aabutin mo,” mababa ang boses na banta niya. Para siyang demonyo na walang puwang para sa awa. Pagkatapos, gamit ang kaparehong paa ay malakas niyang inapakan ang k
Ang mga sumunod na araw ay iginugol ni Manson sa pagbabantay kay Claire sa ospital at kapag may nais siyang pirmahan na papeles ay pinapadala niya sa sekretarya. Nang gabing iyon habang natutulog si Claire ay nakatanggap siya ng tawag mula sa kapatid ni Veena na si Vincent. Akmang babangon siya mula sa pagkakahiga sa kama nang bigla siyang pinigilan ni Claire na nagising dahil sa kilos niya.“Saan ka pupunta?” namamaos ang boses na tanong nito dahil naudlot ang tulog.Itinaas niya ang hawak na cellphone at hinaplos ang buhok nito saka malumanay ang boses na nagsalita. “Sandali lang ako. Sasagutin ko lang ang tawag.”“Malamig sa labas, dito mo na lang sagutin. Is it important?”Tumango si Manson saka umupo sa kama at sumandal sa headboard. “Bakit napatawag ka ng dis-oras ng gabi, Vincent? May problema ba?”“Pasensya na sa istorbo, Manson. Pero may masamang nangyari kay Veena. May umatake sa kanya at napuruhan ang kanyang kamay. Halos mawasak iyon kaya’t nandito rin siya sa ospital. Ang
Naiiling na pinulot ni Vincent ang unan na tinapon ng kapatid saka bumaling dito. “Veena, sa mga panahong magkasama kayo ni Manson, maayos ang lagay niya. Protektado ka niya, pinagsisilbihan. Pero nang malugmok siya, umalis ka at iniwan mo siya. At iyon ang mga panahon na pumasok si Claire sa buhay ni Manson. Inalagaan niya ito, pinagsilbihan at hindi ito iniwan. Ang sabi nga nila, ang taong karamay sa kahirapan ay ang taong tunay na maaasahan. Kaya’t huwag kang magtaka kung ang tatlong taon ni Claire sa poder ng lalaki ay mas matibay sa ilang taon niyong pagsasama ni Manson.”“Bakit siya ang kinakampihan mo, kuya? Kapatid ba talaga kita?” Hestirikal na sigaw ni Veena at hindi alintana ang IV na nakakabit sa palad habang dinuduro ang kapatid. Nilamon na ito ng emosyon.“Wala akong kinakampihan, Veena. Tinuturuan lang kitang pag-aralan ang sitwasyon at mag-isip nang maayos,” kalmadong sagot ni Vincent. Ngunit lalong naglupasay sa pag-iyak si Veena dahil sa sagot niya. Para itong bata
Halos mawalan ng ulirat si Mrs. Colter dahil sa sakit nang pagpalo ni Claire sa kanya ng thermo flusk. Kaagad niyang tinakpan ang ilong, gamit ang kaliwang kamay na nababalot ng gintong alahas, na siyang natamaan nang maramdaman na umagos ang dugo mula roon. Hindi niya akalain na ang inosente at mahaba ang pasensya na si Claire ay biglang naging bayolente.“Ahhh!!!” nangangalit ang bagang na sigaw niya at akmang susuguring muli si Claire pero nasa likuran pa rin niya si Manang Silva at ang bodyguard kaya agad siyang napigilan.Ito ang tagpong naabutan ni Manson. Kaagad na dumilim ang mukha nito saka matatalim ang matang tiningnan si Mrs. Colter. Nang bumaling siya sa asawa at makita na ayos lang ito ay saka lang umaliwalas ang mukha niya.“Manson!” sigaw ni Mrs. Colter upang agawin ang pansin niya. “Tingnan mo kung ano ang ginawa ng babaeng ‘yan sa mukha ko. ‘Yan ba ang sinasabi mong mabait? Na may mahabang pasensya at mapagpatawad? Hinampas niya ako ng flusk, Manson! Isa siyang bayo
Hindi napansin ni Claire ang pagdilim ng mukha ni Manson dahil sa pagdepensa niya sa pangalan ni Lucas. Kahit ang pagbago ng reaksyon ng asawa ay hindi niya pansin dahil nakatuon ang buong atensyon niya sa larawan sa cellphone nito. “Lalabas lang ako sandali,” paalam ni Manson at tumayo. Walang emosyon ang boses nito at hindi siya hinalikan sa noo katulad nang lagi nitong ginagawa saka malakas na binalibag ang pinto nang lumabas. Pero lahat ng pagbabagong ito ay hindi napansin ni Claire dahil nakatutok pa rin siya sa larawan. Dahil ang totoo, ang pangalang Lucas ay ang susi sa na magbubukas ng pinto sa nakaraan niya na hindi niya kayang kalimutan. Kapag naririnig niya ang pangalang Lucas, tila may punyal na tinatarak sa puso niya nang paulit-ulit at hindi niya kaya ang sakit niyon.Hindi niya namalayang tumulo na ang kanyang luha kung hindi pa niya iyon nakitang tumulo sa cellphone.Pilit niyang kinalma ang sarili habang nakatingin pa rin sa larawan at malalim na nag-isip.Sino ang t