Share

Chapter Twenty-one: Wrong Person

Halos mawalan ng ulirat si Mrs. Colter dahil sa sakit nang pagpalo ni Claire sa kanya ng thermo flusk. Kaagad niyang tinakpan ang ilong, gamit ang kaliwang kamay na nababalot ng gintong alahas, na siyang natamaan nang maramdaman na umagos ang dugo mula roon. Hindi niya akalain na ang inosente at mahaba ang pasensya na si Claire ay biglang naging bayolente.

“Ahhh!!!” nangangalit ang bagang na sigaw niya at akmang susuguring muli si Claire pero nasa likuran pa rin niya si Manang Silva at ang bodyguard kaya agad siyang napigilan.

Ito ang tagpong naabutan ni Manson. Kaagad na dumilim ang mukha nito saka matatalim ang matang tiningnan si Mrs. Colter. Nang bumaling siya sa asawa at makita na ayos lang ito ay saka lang umaliwalas ang mukha niya.

“Manson!” sigaw ni Mrs. Colter upang agawin ang pansin niya. “Tingnan mo kung ano ang ginawa ng babaeng ‘yan sa mukha ko. ‘Yan ba ang sinasabi mong mabait? Na may mahabang pasensya at mapagpatawad? Hinampas niya ako ng flusk, Manson! Isa siyang bayo
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status