Share

Chapter Twenty: Accuse

Naiiling na pinulot ni Vincent ang unan na tinapon ng kapatid saka bumaling dito. “Veena, sa mga panahong magkasama kayo ni Manson, maayos ang lagay niya. Protektado ka niya, pinagsisilbihan. Pero nang malugmok siya, umalis ka at iniwan mo siya. At iyon ang mga panahon na pumasok si Claire sa buhay ni Manson. Inalagaan niya ito, pinagsilbihan at hindi ito iniwan. Ang sabi nga nila, ang taong karamay sa kahirapan ay ang taong tunay na maaasahan. Kaya’t huwag kang magtaka kung ang tatlong taon ni Claire sa poder ng lalaki ay mas matibay sa ilang taon niyong pagsasama ni Manson.”

“Bakit siya ang kinakampihan mo, kuya? Kapatid ba talaga kita?” Hestirikal na sigaw ni Veena at hindi alintana ang IV na nakakabit sa palad habang dinuduro ang kapatid. Nilamon na ito ng emosyon.

“Wala akong kinakampihan, Veena. Tinuturuan lang kitang pag-aralan ang sitwasyon at mag-isip nang maayos,” kalmadong sagot ni Vincent.

Ngunit lalong naglupasay sa pag-iyak si Veena dahil sa sagot niya. Para itong bata
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status