Share

Chapter Fifteen: Do you regret it?

Hindi sumagot si Claire at halos sindihan ang puwet niya nang pagbukas na pagbukas ng elevator ay kumaripas siya ng lakad. Habang binubuksan ang lock ng pinto ng apartment ay tinanong siya ni Manson.

“Pinagsisihan mo ba na nagpakasal ka sa akin?”

Bahagyang nasurpresa si Claire sa tanong ni Manson. Itinigil niya ang akmang pagbukas ng pinto at tiningala ang matangkad na asawa. Nagkasalubong ang mata nila. Hanggang ngayon ay hindi pa rin siya makapaniwala na parang isang greek god o model ng isang men’s magazine ang napakasalan niya. May problema man sila ngayon ay hindi iyon hadlang para i-admire niya ang kaguwapuhan nito. Bumilis ang pintig ng kanyang puso. Pero pinagsisihan ba niya na nagpakasal siya kay Manson?

Umiling siya. “No. Hindi ko pinagsisihan.”

Tinulak ni Claire ang pinto at naunang pumasok habang nakasunod sa kanya si Manson. “Tatlong taon ang nakakaraan ay isa akong walang silbing asawa. Ni hindi makalakad, mainitin ang ulo na kahit mga doktor at nurses na tumitingin ay
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status