Mabilis na nabitawan ni Claire ang braso ni Veena nang marinig ang galit na boses ni Manson na bigla na lang lumitaw kung saan. Namumutla ang mukha na nilingon niya ito at kinabahan baka kung ano ang isipin ni Manson sa kanya.
“Manson…” Mahina pa sa boses ng daga ang boses na bulong niya sa pangalan ng asawa. Naisara niya ang nakaawang na labi dahil sa galit na nakikita sa mukha nito. “Hindi naman ako–” “Manson!” putol ni Veena sa iba pa niyang sasabihin at kaagad itong lumapit kay Manson saka nangunyapit sa braso nito. “Help me…” Nanghihinang anas nito pero dahil magkalapit lang sila ay narinig iyon ni Claire. Tumaas ang kilay ni Claire at napabuga ng iritadong hininga nang makita ang inakto nito. Lalo pa siyang hindi makapaniwala nang nginisihan siya ni Veena pero nang tumingin ito kay Manson ay parang kawawa pa sa isang alipin ang hitsura nito. Labis ang pagpigil ni Claire sa inis upang hindi ito sunggaban at sampalin. “Ano’ng nangyari sa ‘yo, Claire? Bakit mo sinasaktan si Veena?” Madilim ang mukha na akusa sa kanya ni Manson. Bakas na bakas ang galit sa mukha nito at anumang oras ay handang saktan si Claire. “Hindi mo ba alam kung gaano kahina ang katawan niya tapos pagbubuhatan mo pa ng kamay?” Dumarami na ang tao sa restaurant lalo pa at lunchtime, breaktime ng mga empleyado sa mga kalapit na building. Pinagtitinginan sila at hindi kaya ni Claire ang klase ng tingin ng mga ito sa kanya dahil sa sinabi ni Manson. It looks like she was bullying a weak Veena. “Asawa mo ako pero siya ang kinakampihan mo? Ganoon ka na kadesperado at hindi ka na makapaghintay na ma-divorce ang kasal natin at naglalandian na kayo?” Nanggigigil na aniya. Namasa ang kanyang mata dahil sa muling pagkirot ng sakit sa dibdib niya pero ayaw niyang magpakita ng kahinaan kaya pilit niyang nilabanan ang luha. “Our marriage is ruined. Umalis ka na, Claire. Bago pa ako may masamang magawa sa ‘yo.” “Manson, hayaan mo na si Claire. Huwag mo siyang pagalitan. Baka hindi lang kayang dalhin ng emosyon niya ang katotohanang malapit na kayong maghiwalay.” Umayos ng tayo si Veena pero suportado pa rin ito ni Manson. “Kaya ko naman ang sarili ko, hindi ako nasaktan.” Halos magsuka ng dugo si Claire sa labis na pagpigil ng galit dahil sa inaakto ni Veena. Kung sasali ito sa Oscars, siguradong magwawagi ito. Marahas siyang napailing at nagpakawala ng mahinang tawa. Oo, nasasaktan siya pero hindi iyon dahilan para magpakababaw at magsinungaling para lang makuha ang atensyon ni Manson. Hindi na siya nagsalita at marahas na tinalikuran ang dalawa. Forget about lunch. Nawala na ang gutom niya at nabusog siya ng inis. Pagkaalis niya ay dumating si Meesha, ang kapatid ni Manson. Ang totoo ay kanina pa ito nagmamasid pero hindi lumapit dahil alam niyang mapapagalitan lang siya ng kanyang kuya pero hindi niya matiis ang kaipokritohan nito at nagpapaloko sa kasinungalingan ni Veena. “Kuya, naman! Bakit mo pinaalis si Ate Claire ng ganun-ganon lang? Bakit mo siya pinagalitan ng hindi mo naman alam kung ano ang totoong nangyari?” Nakapameywang na tanong niya sa kanyang kapatid. Nasa loob pa rin sila ng restaurant pero nakaupo na ang dalawa at si Meesha ay nakatayo habang naghihintay ng kasagutan ng kanyang kapatid. Hindi man lang niya binigyan ng tingin si Veena. “Tama ka, Meesha. Sabi ko nga kay Manson ay napakabait ni Clare para manakit. Ayos lang naman ako at walang nang–” “Puwede ba manahimik ka? Hindi kita tinatanong!” Meesha rudely cut off Veena’s words disregarding his brother’s look of dissappoval. “Kung hindi ka sana bumalik masaya pa ring nagsasama si Claire at ang kuya ko!” pagpapatuloy pa ni Meesha. “Meesha!” Mabilis na tumayo si Manson upang pigilan ang kapatid pero mabilis itong napigilan ni Veena at nawalan ito ng balanse kaya bahagya itong nabuwal at napayakap ang katawan kay Veena. Iyon ang tagpong naabutan ni Claire nang bumalik siya sa restaurant dahil nagpadala sa kanya ng mensahe si Meesha na nandoon nga raw ito at may ibibigay sa kanya. Ang buong akala niya ay nakaalis na sina Veena at Manson pero hindi niya akalain na maaabutan pa rin niya ang mga ito. Higit sa lahat sa ganitong sitwasyon. Mapakla siyang napangiti at muling tumalikod nang hindi na kinatagpo si Meesha. Hindi na niya kayang pigilang pumatak ang luha hinayaan niya iyon hanggang makasakay siya sa taxi at kahit hanggang makarating sa bahay ng ina ay luhaan siyang nagmukmok sa kuwarto. Plano niyang bumalik sa botique mamayang gabi upang isubsob sa trabaho ang nadudurog na puso. Samantala ay mabilis na lumayo si Manson kay Veena. “Did I hurt you?” Inalalayan niya itong makatayo saka pinandilatan si Meesha. “Umuwi ka na, Meesha. Ikaw ang mananagot sa akin mamaya kapg hindi ka pa tumigil.” “Huwag! Huwag mong pagalitan ang kapatid mo, Manson. Walang kasalanan si Meesha rito. Ako ang dapat na sisihin. Kung hindi sana ako lumayo…” “Shhh… Tama na, Veena. Walang sisihan, okay?” Napaismid si Meesha habang nagmamasid. Kung si Claire ay halos masuka ng dugo dahil sa kaplastikan ni Veena, siya naman ay gustong himatayin dahil hindio niya kayang sikmurain ang ugali ng babaeng kaharap. “Enough, Veena. Hindi ko kailangan ng peke mong simpatiya,” asik niya na muling umani ng sama ng tingin mula kay Manson. “Meesha!” bulyaw sa kanya ng kapatid. “Umuwi ka na kung ayaw mong ipadampot kita sa mga bodyguards mo!” “Sige, kuya. Ipagpatuloy mo ‘yang kaipokritohan mo at magpalamon ka sa kasinungalingan ng babaeng ‘yan!” Nagpapadyak na umalis ng restaurant si Meesha pero imbis na umuwi tulad ng sinabi ng kanyang kuya ay dumiretso siya sa bahay ng ina ni Claire. “Hayaan mo na ang kapatid mo, Manson. Alam kong galit pa siya sa akin kaya niya nasabi iyon. Huwag kang mag-alala dahil habang pinoproseso mo ang divorce niyo ni Claire, susubukan ko namang paamuin siya.” “Hmm…” tanging sagot ni Manson. Ang totoo ay ukupado ang isip niya ni Claire. Kung gaano ito nasaktan kanina dahil sa pagsuway niya. Hindi niya alam kung tama ba ang nababasa niya sa mukha nito na tila may pakialam pa rin ito sa kanya. Tahimik siyang umiling. Nah! Sigurado akong mas importante sa kanya ang Lucas na ‘yon keysa sa akin!Dahil sa nangyari kanina sa restaurant ay hindi mapigilan ni Manson na maglasing upang alisin ang inis sa dibdib. Matapos ang trabaho ay pumunta siya sa isa sa mga paborito niyang bar kung saan pagmamay-ari ng kaibigan niya na siyang abay rin sa kasal nila ni Claire, si Harley. Magkalapit ang loob nito at ng kanyang asawa kaya lagi siyang nakakatikim dito ng sermon, tulad na lang ngayon. “Manson, ano ba ang pumasok sa kukute mo at kailangan mo pang i-divorce si Claire? You two are doing okay,” magkasalubong ang kilay na tanong ni Harley matapos siyang abutan ng baso ng whiskey. Alam na alam na nito kung ano ang gusto niyang inumin kapag napagawi siya sa bar.Mabait na tao si Harley. Kaibigan ito ni Manson noong high school pa lang sila sa isang prehisteryosong eskwelahan. Maganda, matangkad at matalino at papasa bilang isang beauty queen. Lagi pa nga silang napagkakamalang magkasintahan noon kaso alam ni manson simula’t sapul na babae rin ang gusto ni Harley at tanging kaibigan ang t
Dahil sa tagpong nakita ni Claire sa sariling pamamahay ay hindi siya nakatulog nang maayos kaya ang ginawa niya ay tinapos ang mga desinyo na pinapagawa ng kliyente niya. Narito siya ngayon sa boutique at inabala ang sarili upang kalimutan ang pait na nararamdaman ngunit kahit ano’ng gawin niya ay hindi iyon nababawasan.Tumigil lamang siya sa ginagawa nang mapansin na maliwanag na sa labas. Tumayo siya at nag-inat pagkatapos ay tiningnan ang cellphone. Umaasa siya na may mensahe sa kanya si Manson pero ni isa wala. Bagkus ay meron doong sampung miscall at sandamakmak na mensahe mula kay Meesha. Hindi niya iyon binasa at diretso itong tinawagan."Hey, ate! Bakit ngayon ka lang tumwag? Kagabi pa ako tawag nang tawag sa 'yo!"Nailayo ni Claire ang cellphone sa tainga dahil sa tinis ng boses ni Meesha. "Bakit, may nangyari ba?""Ate naman! Kailangan ba may mangyari pa para makausap kita?" nagtatampong tanong ni Meesha.Naiiling na ngumiti si Claire at nagpasyang katagpuin ito baka magta
Mabilis na lumapit ang bodyguard ni Veena upang umawat pero dahil malakas si Meesha ay nahirapan ang mga itong awatin ang dalawa. Kaagad namang hinawakan ni Claire si Meesha at sinubukan itong ilayo pero sa ginawa niyang iyon ay nakalmot siya ni Veena sa braso. “Damn you, slut!” Naghuramentadong sigaw ni Meesha nang makita ang ginawa ni Veena kay Claire pero dahil kaagad na humarang ang bodyguards nang una ay hindi nakalapit ang kapatid ng asawa niya. “Meesha, tama na. Ayos lang ako,” pigil ni Claire rito. “Hayaan mo na siya at baka ikaw na naman ang pagagalitan ng kuya mo.”“Hmp!” Umupo si Meesha sa kalapit na upuan matapos itong pakalmahin ni Claire. “Hindi mo dapat siya pinapakitaan ng kabutihan, ate. Hindi niya deserve ‘yun!”“How could you, Meesha!? Kapatid ang turing ko sa ‘yo mula pa noon pero bakit ganito ang trato mo sa akin?” Biglang sigaw ni Veena. Hindi ito makalapit sa kinauupuan nilang mesa dahil sa mga bodyguards nitong pumipigil dito.Marahas itong nilingon ni Meesha
May maliit pero sagana sa panindang bulaklak malapit sa botique na pinagtatrabahuan ni Claire kaya’t doon siya nagpababa. Pero walang ideya ang asawa kung bakit.“Samahan na kita,” suhestiyon ni Manson nang pinagbuksan siya nito ng pinto ng kotse. “Bakit bumaba ka rito samantalang doon pa ang botique na pinapasukan mo?”Hindi sumagot si Claire at nagpatiunang naglakad papasok sa botique. Sumunod sa kanya ang nakakunot ang noong asawa. Nang makita nito kung ano ang ginawa niya ay saka lang ito natauhan. “Kailangan ko ng one-hundred and forty-three long stem white roses,” utos ni Claire sa tindera na namangha dahil sa dami ng in-order niya. “Para saan pong okasyon, maam?” magalang na tanong ng tindera pero ang mata nito ay hindi mapigilang tumingin kay Manson na nakatayo sa likuran niya. Masungit na nilingon ni Claire si Manson at pinandilatan. Hmp! Nakakamatay talaga ang kaguwapuhan mo! Tahimik niyang bulong sa sarili. Nilingon niya ang tindera na ngayon ay nag-umpisa ngang magpakit
Chapter 11Natigilan sa akmang pagpasok sa botique si Claire nang marinig ang sinabi ni Manson. Biglang nanginig ang kamay niya na nakahawak sa handle ng pintuan dahil sa biglang pagbilis ng tibok ng puso. Mabilis niyang nilingon ang asawa. Pero gustuhin man niyang umasa ay hindi pupuwede.“Bakit mo nasabi ‘yan? Hindi ba ikaw ang unang nagsuhestiyon na maghiwalay na tayo dahil sa Veena na ‘yon?” She didn’t want her hopes to crash without even starting. “Ibig ba niyang sabihin ay determinado ka na makipaghiwalay sa akin?”Kahit nasasaktan ay tumango si Claire. “Oo. Malapit nang maaprubahan ang divorce dito sa Pilipinas kaya oo, sigurado ako sa desisyon kong makipaghiwalay sa ‘yo.” Ngumiti si Claire kahit taliwas iyon sa totoong nararamdaman. Kung puwede lang ay ibalik niya ang oras at huwag nang pumayag na makipaghiwalay rito.“Claire! Anong ginagawa mo diyan sa labas? Pumasok ka na rito at may meeting tayo para sa bagong proyekto.” Isang lalaki, na halos kasing-edad ni Claire ang lum
Chapter 12Nang lumapat ang labi ni Veena sa kanya ay mabilis itong itinulak ni Manson palayo at matalim ang matang tiningnan ang babae na tila binibigyan ng babala. Kaagad namang lumayo si Veena at nakuntentong umupo sa tabi niya. “Bakit ka nandito?” malamig ang boses na tanong ni Manson. Ayaw niyang magkaroon uli sila ng hindi pagkakaunawaan ni Claire kapag malaman nitong nagkita sila ni Veena at magkatabi pa sa upuan.Malawak na ngumiti si Veena at inabala ang sarili sa pagkuha ng pagkain na hindi man lang nagpapaalam sa um-order niyon. “You know me, Manson. I am wherever you go. I can sniff and will find you even if you are in depths of earth,” Veena answered coquitteshly.Umangat ang kilay ni Marx sa narinig habang si Manson ay hindi sumagot. Tahimik siyang kumuha ng pagkain pero bago pa niya iyon mailagay sa plato ay inagaw na iyon ni Veena at ito na ang nagsilbi sa kanya.“Let me, my bae. Nakahanda akong pagsilbihan ka kahit saan. Kahit anong pagsisilbi gagawin ko.”Hindi na n
Chapter 13Natulos sa kinatatayuan si Claire nang makita kung paano subuan ni Manson si Veena na puno ng lambing na gustong-gusto naman ng huli. Nakaramdam ng iritasyon si Claire at sumikip ang dibdib dahil sa hindi niya makayanan ang tagpo. Masarap na amoy ng pagkain na may halong amoy ng alak ang VIP room, pero taliwas iyon sa nararamdaman ni Claire. Gusto niyang sugurin si Veena at ingudngod ang nguso nito sa mesa pero alam niyang wala siya sa posisyon. Sa puso ni Manson, ito ang nangunguna at siya ay asawa lamang sa papel. Nang tinapunan niya ng tingin si Marx ay pinandilatan niya ito ng mata na nakatingin din pala sa kanya na nakaawang ang labi. Saan ang emergency? Emergency dahil tinitigasan? Nanggigil na sigaw niya sa isip.Dahil nakita na rin naman siya ni Marx ay hindi siya nito hinayaang makaalis. “Claire!” Tumayo ito sa kinauupuan saka hinila siya papasok sa loob at pinaupo sa kabilang gilid ni Manson. Tinapik siya nito sa braso at tiningnan siya na tila sinasabing bantaya
Nagpahatid si Claire kay Claude sa bahay ng kanyang ina dahil labis itong nag-ayaw na mag-commute siya at dis-oras na ng gabi. Nakaparada ang sasakyan ng lalaki sa tapat ng building ng apartment complex na tinutuluyan ng kanyang ina habang pareho silang nakasandal sa harapan ng kotse nito. Mainit ang dala ng hangin at masarap iyon sa pakiramdam kaya nang inimbitahan siya ni Claude na mag-usap sandali ay agad pumayag si Claire.Claude insists on talking with her a bit longer. Wala naman silang ibang pinag-usapan kundi puro tungkol sa trabaho at dahil pareho sila ng hilig ay hindi napansin ni Claire na napahaba na ang kanilang usapan. Walang ano-ano ay bigla niyang napansin ang isang matangkad na pigura na papalapit hindi kalayuan sa kanila. Kahit mahina ang liwanag mula sa poste ng ilaw sa kalsada ay aninag na aninag pa rin ni Claire ang nag-mamay-ari ng bulto ng katawan na ito, ang kanyang asawa. Paano ba niya ito hindi makikilala kung sa paglalakad pa lang ng mahabang biyas nito ay n