Share

Chapter Five: Fight Alone

Dahil sa insidenteng nangyari ay naabala ang gawain ni Claire at lalong nadagdagan ang ginagawa niya. May rush order din galing sa Earl ng Ireland at milyones ang ibinayad sa kanya upang matapos agad iyon. Isa iyong korona na gawa sa iba’t ibang klase ng mamahaling diyamante, rubi at emeralds. Ang koronang ito ay para sa bagong hihiranging Earl ng Northern Ireland kaya puno ng pag-iingat ang ginagawa ni Claire.

Hindi na niya namalayan ang mga oras at araw na lumipas. Dahil puwede naman siyang sa botique na lang matulog ay dito na siya mamalagi at kung hindi pa siya pinipeste ni Nana na umuwi sa mansyon nito ay hindi pa uuwi si Claire. Nang sa ganun, kahit papaano ay nagkikita pa rin sila ni Manson. Sa iisang kuwarto pa rin sila natutulog pero sa kama siya at sa sofa si Manson. Lalong nasasaktan si Claire sa ganoong set-up nila ni Manson pero ininda niya ang lahat ng iyon dahil alam niyang wala na siyang pag-asa na magbabalik sa dati ang pagsasama nila ng asawa.

“I’ll be back late tonight, Claire. Pakisabi kay Nana na huwag na ako hintayin dahil hindi kita masusundo. I have a dinner meeting until late.”

Tumango si Claire. Nakatalikod siya kay Manson habang nagbibihis. Samantalang ang asawa ay nakahanda na para umalis.

“Sure. I’ll let Nana know. Hindi rin ako makakauwi dahil marami rin akong dapat tapusin.” Akamng papasok siya sa banyo nang bigla siyang tinawag ni Manson.

“Are you angry with me, Claire? Ilang araw nang malamig ang pakikitungo mo sa akin.”

“No.” Nilingon niya ito. “I am just thinking about when are we gonna process our divorce? Habang tumatagal ayaw kong lokohin si Nana. There will be no more for us. Kaya alam kong hindi ko siya kayang bigyan ng apo.”

Napatda si Manson sa narinig at hindi hinintay ni Claire na sumagot ito saka pumasok sa banyo.

Kinabukasan, alas-onse na ng umaga nang magpasyang umuwi si Claire. Balak niyang dumiretso sa bahay ng kanyang ina pero isang mensahe ang natanggap niya mula sa isang hindi kilalang kontak. Hindi sana niya iyon papansinin at baka scam lang pero nang makita niya ang larawan na s-in-end nito ay namutla si Claire. Dali-dali siyang nag-hire ng taxi at nagpahatid sa lokasyon na ibinigay ng sender.

Nang makarating sa restaurant ay agad niyang hinanap ang mesa ng sender. Hindi na nahirapan si Claire dahil isang babae ang kumakaway sa kanya. Napaawang ang labi niya at mabilis na tumibok ang puso. It was Valeen.

“Salamat at pumunta ka. Akala ko wala akong mapagsabihan ng magandang balita.” Hinawakan ni Valeen ang kamay niya nang makaupo siya sa mesa kaharap nito.

Claire’s eyes darted onto that diamond ring that was so familiar to her. Eto ang larawan na ipinadala sa kanya. Pero hindi iyon ang dahilan kung bakit pamilyar iyon. Dahil ang singsing na suot ni Veena ay ang mismong singsing na ginawa niya noong k-in-idnap siya ng dalawang lalaki. Bakit ito napunta sa kanya? Hindi siya makakibo.

“Bakit hindi ka makapagsalita? Hindi ka ba makapaniwala na makipagkita ako sa ‘yo? O tulad ko ay excited ka rin sa good news na ibabalita ko?”

Sinalubong ni Claire ang tingin ni Veena. Matamis man itong nakangiti ay hindi niya iyon nakitaan ng senseridad.

“Do you know who gave this to me?” Veena asked. Itinaas nito ang kamay na may suot na singsing. “Last night, Manson gave this to me after our intimate dinner. Ang sabi niya promise ring daw eto dahil malapit na kayong mag-divorce. Ikaw na mismo ang hindi makapaghintay na makipag-divorce hindi ba?”

Claire swallowed her foreboding feeling. So, hindi company dinner ang pinuntahan niya kagabi kundi i-date si Veena. Si Manson ang ang nagbigay ng singsing na ginawa ko para sa mga magnanakaw? How could it be? Nanatiling nakatutok ang mata niya sa singsing na suot ni Veena.

“Isn’t this pretty? Bagay, hindi ba? Lalo na at mula kay Manson. Napakabait mo, Claire. Salamat sa pagpapalaya kay Manson at sa pag-aalaga sa kanya.”

Kinuyom ni Claire ang kamao na nakatago sa ilalim ng mesa. “Are you happy with that? Acting pity to ruin a family?”

Nawala ang ngiti ni Veena pero maya-maya ay ngumisi ito. “Kasal ka lang kay Manson pero hindi ikaw ang mahal niya. Aren’t you the one who ruined Manson? He’s not happy with you. Ako ang mahal niya. He even gave me a ring.”

Claire gritted her teeth. Mula nang ikasal sila ni Manson ni isa ay hindi siya nito nabigyan ng kahit anong alahas. “Congratulations, then.” Tumayo siya. Hindi niya kayang harapin ang kaplastikan ng babae at baka kung ano pa ang magawa niya dahil kanina pa siya nagtitimpi.

“Why are you leaving? Are you hurt, my dear Claire dahil hindi ikaw ang pinili ni Manson?”

Ngumisi si Claire at ikinatok ang kamao sa mesa. “Manson will never be happy for a slut like you!”

“Ano’ng sinabi mo?” Mabilis itong tumayo at pinigilan siya sa braso. Akmang sasampalin siya nito pero napigilan niya ito. Ito ang tagpong naabutan ni Manson.

“What are you doing, Claire?”

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status