Share

Chapter Ten: Why do we need to divorce?

May maliit pero sagana sa panindang bulaklak malapit sa botique na pinagtatrabahuan ni Claire kaya’t doon siya nagpababa. Pero walang ideya ang asawa kung bakit.

“Samahan na kita,” suhestiyon ni Manson nang pinagbuksan siya nito ng pinto ng kotse. “Bakit bumaba ka rito samantalang doon pa ang botique na pinapasukan mo?”

Hindi sumagot si Claire at nagpatiunang naglakad papasok sa botique. Sumunod sa kanya ang nakakunot ang noong asawa. Nang makita nito kung ano ang ginawa niya ay saka lang ito natauhan.

“Kailangan ko ng one-hundred and forty-three long stem white roses,” utos ni Claire sa tindera na namangha dahil sa dami ng in-order niya.

“Para saan pong okasyon, maam?” magalang na tanong ng tindera pero ang mata nito ay hindi mapigilang tumingin kay Manson na nakatayo sa likuran niya.

Masungit na nilingon ni Claire si Manson at pinandilatan. Hmp! Nakakamatay talaga ang kaguwapuhan mo! Tahimik niyang bulong sa sarili. Nilingon niya ang tindera na ngayon ay nag-umpisa ngang magpakit
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status