Share

Chapter Two: HEART IN PAIN

Nana is Manson’s grandmother. Gustong-gusto nito si Claire mula nang unang araw na ipinakilala ito rito ng lalaki. Nang makarating sa mansion ng matanda ay mahigpit na yakap ang isinalubong nito sa kanya samantalang isang matalim na tingin ang ibinigay nito kay Manson. Mahigpit din itong niyakap ni Claire.

“Nana, bakit n’yo po ako pinatawag?” Tanong ni Claire nang makaupo na sila sa sofa. Ayaw sanang magtagal dito ni Claire dahil habang tumatagal siya sa poder ng lola ni Manson ay lalo siyang nasasaktan. Ayaw niyang biguin ang matanda kapag ma-process na ang divorce nila ni manson.

“Nabalitaan ko na bumalik na ang walanghiyang babaeng ‘yon kaya’t hindi ka na nakatira sa bahay ni Manson? Ang kapal talaga ng mukha!” Bumaling ito sa apo nito na tahimik na nakikinig habang nakayuko. “Matapos ka niyang iwan noong may kapansanan ka ngayon babalik na lang siya basta-basta at sisirain ang pagsasama niyo ni Claire? Hindi ako papayag.”

Nagtaas ng tingin si Manson. His stubborn look stared at his grandma. “La, hindi kasalanan ni Veena kung bakit siya umalis. It was her mother’s. Hanggang ngayon pinagsisihan pa rin niya ang nangyari kaya nagkaroon siya ng depresyon.”

Biglang napahawak sa dibdib ang matanda at dinalahing ng sunod-sunod na ubo. “Hindi ko alam kung saan ka nagmana ng katigasan ng ulo, Lar Manson. Kahit suwayin mo pa ang gusto ko at makipagbalikan ka sa babaeng iyon ay hindi ako papayag. Dito kayo titira sa bahay ko hangga’t hindi ni’yo ako nabibigyan ng apo ni Claire.”

“Pero, La—“

“Wala nang pero-pero. Kasal kayo ni Claire at obligasyon ni’yo na bigyan ako ng apo.”

Manson glared at Claire and Claire lowered her eyes. Bakit ka nakatingin nang masama sa akin? Wala akong kasalanan. Tahimik na sigaw ng puso niya. Nasasaktan siya kung paano siya tratuhin ni Manson pero wala siyang magawa kundi kimkimin iyon.

Biglang tumunog ang cellphone ni Manson at matapos tingnan kung sino ang tumawag ay mabilis nito iyong sinagot. “Hello, tita?”

Manson stopped talking as he listened to the person speaking on the other line.

“Manson, iho. I’m so sorry to call you this early. Pero kailangan ka ni Veena. Iho,” hindi natuloy ang sasabihin ng ginang dahil bigla itong humagulhol.

Binalot ng pag-aalala ang puso ni Manson. “Tita, calm down. Ano po’ng nangyari?”

“Veena tried to kill herself again, iho. Nandito kami sa ospital.”

Mabilis na tumayo si Manson. “I’m coming over, Tita.”

“Saan ka pupunta?” Biglang tanong ng kanyang lola na nagpapigil sa biglang pag-alis ni Manson.

“Nasa ospital si Veena,” nagmamadali ang boses na sagot ni Manson at nagmano sa lola pero hindi ito tinanggap ni Nana.

“Manson, may asawa ka na. Bakit ka pa pupunta sa babaeng ‘yon? Kung may nangyari man sa kanya hindi mo na obligasyon ‘yon!”

Dumilim ang mukha ni Manson at nakuyom nito ang kamao upang pigilan na sagutin si Nana. “I am going, Nana.”

Hindi umimik ang matanda kaya namagitan si Claire. “Sasamahan ko si Manson bago dumiretso sa trabaho ko, Nana.”

Umalis ang mag-asawa sa mansyon na walang kibuan. Halata ni Claire ang pag-aalala sa mukha ni Manson kaya hindi niya ito inabala hanggang sa makarating sila sa ospital. Pero nang makita ni Claire ang babaeng tinitibok ng puso ni Manson ay napatda siya at halos hindi makaalis sa pintuan. The woman was lying on the bed with a drip on her right arm. Her skin is pale, and she is skinny, but that didn’t hide her looks. Ngayon ay naiintindihan na ni Claire kung bakit siya ang napili ni Manson na maging asawa nito. They clearly look alike.

Mapait siyang napangiti at akmang tatalikod pero hinawakan siya sa braso ni Manson at pinaupo sa pang-isahang sofa. Hinawi pa nito ang buhok na nakatabing sa mukha niya saka marahang hinaplos ang pisngi niya. “Stay. Ihahatid kita sa trabaho mo pagkatapos nito.”

Tumango si Claire at sumulyap kay Valeen na tumaas ang kilay nang magtagpo ang mata nila.

“Maraming salamat at pinayagan mo si Manson na puntahan ako. Claire, right?” Nawala ang taray sa mata nito at naging malambing ang boses nang lumapit dito si Manson. Pinilit nitong bumangon at umupo kaya agad itong dinaluhan ng huli..

“Valeen, you should not strain yourself. Baka hindi pa kaya ng katawan mo.”

Habang pinagmamasdan ni Claire ang dalawa na nag-uusap ay lalong kumikirot ang kanyang puso na parang pinipiga. Nahihirapan siyang huminga pero pilit niyang pinakalma ang sarili.

“Valeen suffered from depression after I forced her to come with me to the US. Kasalanan ko ang nangyari at hindi ng anak ko. Huwag ka sanang magalit sa kanya, iha.”

Lumipat ang tingin ni Claire nang may narinig na nagsalita sa tagiliran niya. It was Valeen’s mother. Sa sobrang abala niya sa pagmasid sa dalawa ay hindi niya namalayan na nasa tabi na pala niya ang ginang. Hindi siya sumagot dahil hindi niya alam kung ano ang sasabihin.

Ang hindi alam ni Manson, dahil abala ito sa pakikipag-usap kay Valeen ay tahimik na umalis si' Claire. She hailed a cab and went to work alone. Malapit na siya sa pinagtatrabahuan nang tumawag sa kanya si Manson pero hindi niya ito sinagot.

“Miss Claire, buti naman nakarating ka na. Kanina pa naghihintay sa ‘yo si Boss,” bati sa kanya ng assistant ng botique na pinapasukan niya.

“Pasensya na, kuya. There was an emergency on my way here, that's why I'm late,” paliwanag ni Claire at sumunod sa lalaki papasok.

Buong araw na abala si Claire sa ginagawa kaya't kahit papaano ay nakalimutan niya ang tagpo kaninang umaga. Pero paglabas niya ng botique ay isang lalaking nakasuot ng three piece suit ang naghihintay sa kanya habang nakasandal sa sasakyan nito. It is a blue McLaren and the man itself is as handsome as the car. Who else could it be besides Manson? The man who always makes Claire's heart race.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status