Share

Chapter Three: Work

“Bakit mo ako iniwan kanina?” Madilim ang mukha na tanong nito habang nakasalikop ang braso sa harap ng dibdib.

Alanganin ang ngiti ni Claire. Pagod siya dahil maraming customer ang nabalitaan ang pagbabalik niya sa trabaho kaya't mabilis ang mga itong nag-book ng schedule para magpagawa ng alahas sa kanya. Even the royalties from the other countries contacted their boutique. Ganoon siya ka-famous.

“Bakit ka nandito? Baka hinahanap ka na ni Valeen at tangkain na naman niyang saktan ang sarili niya.” Hindi alam ni Claire kung lumabas ang sama ng loob niya sa pagkakasabi niya pero hindi niya kayang pigilan ang sarili. She is hurting, but it was her fault and there's no one to blame.

“Bakit mo tinatanong kung nandito ako? May obligasyon ako sa ‘yo. Asawa mo ako at sinusundo kita dahil may dinner sa bahay ni lola at pinapatawag ka niya.”

“Hindi ba magdi-divorce na tayo? Bakit tinatrato mo pa rin ako nang ganito? Simula nang sinabi mong magdi-divorce tayo wala ka ng obligasyon sa akin.”

Nanlilisik ang mata na lumapit sa kanya si Manson at mahigpit siyang hinawakan siya sa braso. “Bakit? Dahil ba sa Lucas na ‘yon?” Pinaikot siya ni Manson at nagkaharap silang dalawa. “Sabihin mo sa akin ang totoong dahilan kung bakit ang bilis mong pumayag na mag-divorce tayo. Ang Lucas ba na ‘yon? Ang lalaking hanggang ngayon ay laman ng panaginip mo?”

Claire took in a deep breath to try to calm her erratic heart. “Manson, nagkakamali ka ng iniisip. Puwede ba bumalik na lang tayo sa mansyon ni Nana?”

Hinila siya ni Manson at mahigpit na niyakap. “I’m sorry, Claire. Ayaw kong nasasaktan ka. Pasensya na kung nasabi ko iyon.”

Hindi sumagot si Claire at hindi niya rin ibinalik ang yakap nito. Sumakay sila sa kotse at bumiyahe patungo sa mansyon ni Nana at nang makarating doon ay sinalubong sila ng mag-asawa na tuwang-tuwa dahil magkasama sila ni Manson. Buong dinner ay tungkol sa magiging apo ng mga ito ang naging paksa. Parehong tahimik sina Claire at Manson dahil alam nila pareho na imposible iyong mangyari dahil kay Valeen.

“Are you mad at me?” Manson’s voice whispered beside Claire’s ear, making her feel hot. Amoy niya ang mabangong hininga nito dahil sa toothpaste at hindi niya kayang itanggi na gustong-gusto niya iyon. Malawak ang kama pero mas lumawak pa iyon dahil halos isiksik ni Manson ang sarili nito kay Claire. “Gusto mo bang pagbigyan si Nana? Paano kung sundin na lang natin ang gusto niya at bigyan siya ng apo?”

Claire sucked in her breath. Iisa lang ang naiisip niyang dahilan kung bakit nasabi iyon ni Manson. Dahil once na magkaanak sila nito ay iiwan na siya nito nang tuluyan at babalik ito kay Valeen.

“Dahil kay Valeen? Gustong-gusto mo na siyang makasama?” Nakagat ni Claire ang pang-ibabang labi upang pigilan ang paghikbi. Nasaktan siya nang husto sa sinabi ni Manson. Ang kamay niya ay mahigpit na napakapit sa comforter.

“N-no, Claire. I just wanted to make Nana happy. May pinagsamahan naman tayo ‘di ba? Siguro hindi naman mahirap sa ‘yo na pagbigyan ang hiling ni Nana.”

Mahina siyang napatawa nang mapait. What did she do in her past life that she deserves this kind of punishment?

Kinaumagahan ay maagang nagising si Claire at iniwan si Manson na natutulog pa sa kuwarto. Madilim pa sa labas at kahit ang mga kasambahay ay hindi pa rin mulat. Tahimik siyang lumabas at nag-order ng taxi para magpahatid sa botique. Twenty-four hours ang botique nila para sa mga empleyado lalo na kung may tinatapos silang rush orders. Hindi pa siya nakakarating sa entrance ng botique nang biglang may humarang sa kanya na dalawang kalalakihan na tila may masamang balak dahil sa uri ng pagkakatingin ng mga ito sa kanya. Parehong malalaki ang katawan ng mga ito at alam ni Claire na hindi niya kayang lumaban. Gayunpaman ay pilit niyang pinakalma ang sarili upang makapag-isip ng ayos kung paano tumakas. Hindi na ito bago sa kanya.

“Ano’ng kailangan ni’yo?” kalmadong tanong niya. Walang saysay kung magpakita siya ng takot.

The blue t-shirt guy held a dagger in his hand and he played it skillfully while answering Claire. “Sumama ka sa amin. Hihiramin ka lang ng Boss namin ng isang linggo.”

“Huwag kang mag-alala dahil hindi ka namin sasaktan,” sagot ng kasamahan nito. “Iyon ay kung sasama ka sa amin ng matiwasay.”

“Saan n’yo ako dadalhin?”

“Huwag ng maraming satsat. Magpaalam ka na sa pamilya mo na hindi ka uuwi sa inyo ng mga isang linggo. Kung ano ang dahilan ikaw na ang bahala roon!” Ang naunang lalaki ang sumagot kay Claire.

Kung kanina ay hindi pa siya kinakabahan, ngayon ay nagsimula nang magrambulan ang daga sa dibdib niya. Kahit nanginginig ang katawan ay pilit niyang tinawagan ang kanyang ina. Gusto niyang tawagan si Manson pero ayaw niya itong istorbohin dahil mas nanaisin pa nitong makasama si Veena keysa ang iligtas siya.

Pinasakay siya ng dalawang lalaki sa kotse at piniringan kaya hindi niya alam kung saan siya dinala ng mga ito. Basta matapos siyang ikulong sa isang silid ay hindi na siya binalikan ng mga ito. Ang tanging bilin sa kanya ay sundin ang ipinautos ng Boss ng mga ito at makakalaya siya nang maayos.

***

“Bakit mo namang hinayaang makauwi si Manson sa kanila at kasama pa ang babaeng iyon? Paano kung hindi mo na siya makukuha ulit? Paano na lang ang negosyo ng daddy mo?”

“Mom, relax. I got things under control. Mapapasaakin muli si Manson in no time.” Malawak ang ngiti na sagot ni Veena sa ina. Her face screamed wickedness. Ni hindi halatang may depresyon ito o nagpapanggap lang kapag kaharap si Manson.

“Huwag kang magpakumbinsi, anak. Masiyadong mabait ang babaeng iyon para iwan ni Manson. Baka maaberya ang plano mong agawin siya.”

Isang ngisi ang isinagot ni Veena at bumalik sa pagkakahiga sa hospital bed. She is well enough to be discharged, but it will cut her drama. Hindi pa tapos ang plano niya.

“Don’t worry, mom. Ako ang mahal ng lalaking iyon. Hindi pa ba sapat sa inyo na lagi siyang nandito sa tabi ko kahit hindi pa proseso ang divorce nila ni Claire? Alisin mo na ang pag-aalalang ‘yan sa puso mo dahil habang nag-uusap tayo ngayon ay sinisigurado ko nang hindi babalikan ni Manson si Claire.”

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status