Share

Chapter 11

HABANG naglalakad pabalik sa apartment ay hindi maiwasang manginig ng tuhod ni Zia. Sandali siyang tumigil at kinalma ang sarili hanggang sa muling nagpatuloy pauwi.

Hindi pa umaalis ang kotse ni Louie at ayaw niyang mapansin nitong kabado siya. Kinikilabutan man dahil sa haplos nitong nanunuot pa rin sa kanyang balat ay nagpakatatag si Zia.

Nang makarating sa pinto ay sakto namang may tumawag sa kanyang pangalan. Paglingunin ay nabigla siya nang makita ang kaibigan, si Lindsay.

“P-Pa’no mo nalaman ang lugar na ‘to?” ani Zia.

“Nagpunta ako sa ospital at nakausap si tita Maricar. Sinabi niya ‘tong address sa apartment.”

Tumango-tango si Zia at binuksan ang pinto. Ngunit bago pumasok ay tinanaw niya muna kung naroon pa ba ang kotse ni Louie. Nakahinga siya nang wala na sa puwesto ang sasakyan.

“Dumiretso kaagad ako sa ospital pagkagaling ko sa airport. May makakain ka ba riyan, gutom na kasi ako,” ani Lindsay saka sumunod dala ang luggage.

Nang tuluyang makapasok ay natigilan si L
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status