Share

Chapter 22

HINDI na nabigla si Michael nang makita si Zia. Kung tutuusin ay natutuwa pa nga siyang makita ito.

Humagod ang tingin niya sa suot na damit nito na kahit simple ay bagay naman, angat pa rin ang ganda. Pero mas excited siya mamaya sa banquet dahil paniguradong mag-aayos si Zia.

Nang tuluyang makababa sa hagdan ay nilapitan niya ang dalawang babae. “Ang ganda ng suot mo, Zia bagay sa’yo,” puri pa ni Michael na hindi maiwasang mabighani sa ganda nito lalo na sa malapitan.

Kahit halos gabi-gabi niya itong nakikita sa Lopez hotel ay hindi siya nauumay na pagmasdan si Zia. Hindi na normal itong nararamdaman, ngunit alam niyang hindi magtatagal at mawawalan din siya ng interes.

“Naku, Zia ipapakilala sana kita rito sa pamangkin ng asawa ko. Mabuti na lang at magkakilala na pala kayo,” ani Mrs. Lim.

“Magkaibigan po sila ni Louie,” wika naman ni Zia.

“Kaya naman pala—Teka, sandali lang, Hija. Maiwan ko muna kayong dalawa at mukhang may problema ro’n," biglang paalam ni Mrs. Lim nang mapansin
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP
Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Missy F
feelingero ka Louie
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status