NAPASINGHAP si Zia sa mapangahas nitong ginawa. Buong akala nga ay talagang huhubaran siya ngunit hindi nito tinuloy. Hanggang sa bigla na lang siyang niyakap ni Louie mula sa likod at itinulak sa glass-window. Lapat na lapat ang harapan niya sa bintana. Kinabahan siya dahil kitang-kita niya ang ibaba. Baka biglang mabasag at mahulog siya. Ikinatakot niya rin na baka may makakita sa kanya na ganoon ang ayos sa katabing building. “Louie!” hiyaw niya sa sobrang takot. “I just want to clarify na ino-offer mo ‘tong katawan mo sa’kin kapalit ng paglaya ng step-mom mo, right?” bulong ni Louie na nakuha pang halikan sa tenga at leeg si Zia. “Pero ilang beses ko nang natikman at ginamit ang katawan mo. Anong benefits ang makukuha ko sa katawang gamit na gamit na? Gusto mo talagang magpakababa ng ganito pero ayaw mo namang bumalik sa’kin na mas convenient para sa’yo?” Mas dumiin ang yakap ni Louie sa puntong ramdam na ni Zia mula sa likod ang pagkalalake nito. At nilalamukos pa ang isang u
SHE felt helpless. Pakiramdam ni Zia ay isa siyang mababang-uri ng babae. Iyon ang ipinaparamdam ngayon sa kanya ni Louie dahil sa ginagawa nito. Mula noon hanggang ngayon ay hindi pa rin siya kayang respetuhin. Walang pinagkaiba sa mga babaeng bayaran. Na kahit anong pakiusap ay naging bingi si Louie na patuloy siyang hinahalikan at hinahawakan sa iba’t ibang parte ng katawan kahit anong tutol niya. Tumigil saglit si Louie dahil sa pagpupumiglas ni Zia. Nairita siya at tuluyang hinawakan ang buhok nito sabay pinaharap ang mukha para mahalikan sa pisngi. Nagpumiglas naman si Zia hanggang sa mahagip ng mata ang fruit-knife na nasa side-table. Pilit niyang inaabot ngunit hindi niya mahawakan nang maayos hanggang sa malaglag sa sahig. Desperada na siya ng mga sandaling iyon. Kapag hinayaan niya si Louie na gawin ang gusto nito ay para na rin niyang sinabing babalik siya sa dating buhay bilang asawa nito. Buhay reyna sa mata ng iba ngunit mas masahol pa sa katulong ang pagtrato. Aya
MARAHANG naupo sa kama si Zia nang isara ni Louie ang pinto matapos makuha ang pagkaing inutos nito sa secretary.Pinanuod niya si Louie habang inaalis ang takip ng round transparent container. Porridge ang binili ni Alice para sa kanya habang morning breakfast naman ang kay Louie. Matapos ay kumuha rin ng inumin at nilagay sa bed tray.“Ayoko,” ani Zia.Natigilan naman si Louie at napatingin sa kanya. “Ayaw mo nitong pagkain?”“Ayoko nitong ginagawa mo, Louie. Hindi ikaw ito at kahit magbago ka pa’y hinding-hindi na maibabalik sa dati ang lahat. Napagod na ang puso kong mahalin ka.”“Ayos lang, hindi na mahalaga kung anong nararamdaman mo sa’kin. Wala akong pakialam dahil sa panahon ngayon, inconvenience ng matatawag ang pagmamahal. Hindi ka bubuhayin at mapapalamon lalong-lalo na sa kinakaharap mong problema.”Iyon ang paniniwala ni Louie. Ang isang gaya niyang businessman ay hindi naniniwala sa pag-ibig. Sa mundong ginagalawan niya ay ito lang ang mahalaga; kasikatan, yaman at kapa
ALAS-SIYETE ng umaga nang matapos si Louie sa pag-handle ng problema sa kompanya at kasalukuyang nililigpit ang ilang dokumento sa long-table.Mabigat na ang talukap ng mata ngunit kailangan niyang manatiling gising kahit pa wala siyang tulog. Kinailangan niya kasing asikasuhin ang lahat para sa magaganap na urgent meeting.Maging si Alice ay wala ring tulog ngunit hindi naman halata sa itsura dahil na rin sa make-up. Gusto ngang mag-retouch ulit kung hindi lang dahil sa ilang executives na hindi pa umaalis sa conference room.Ang iba nga ay tila gustong kausapin si Louie ngunit wala namang nangahas. Napansin iyon ni Alice at gustong magmukhang malapit kay Louie kaya bahagyang lumapit sabay bulong, “Sir, gusto niyo po bang kumain muna? Io-order ko kayo ng pagkain. Gusto niyo ba ang fruit crisp with hibiscus powder, paborito niyo ‘yun, ‘di ba?” ani Alice na sumusulyap-sulyap pa sa mga executive para siguruhing nanunuod ang mga ito.Napakunot-noo naman si Louie. Hindi siya mahilig sa ma
BUMALIK sa bahay si Louie. Nabigla pa nga at aligagang sumalubong ang ilang katulong na hindi inaasahan ang pag-uwi ng amo. Inakala pang galing sa business trip.Paghinto ng kotse sa entrance ay lumapit ang isang katulong para pagbuksan siya ng pinto. “Welcome back po, Sir,” anito.Tumango lang si Louie at nagtanong kung may pagkain na ba sa kusina. Hindi siya nakakain ng almusal dahil sa kagustuhang makabalik sa ospital. Ngunit hindi rin naging maganda ang kinalabasan ng pag-uusap nila ni Zia kaya nagpasiya na lamang siyang umuwi.Nataranta naman ang katulong sa tanong. “N-Naghahanda pa lang po magluto ng tanghalian. Sasabihan ko po kaagad ang cook na magluto kaagad.”“’Yung madalian lang at gutom na ‘ko,” ani Louie. Hindi na nakuhang magreklamo.“Okay po, Sir,” tugon nito saka nagmamadaling pumasok sa loob. Sumunod naman ang natitirang katulong para balikan ang trabaho.Tumuloy na rin sa loob si Louie at pumanhik sa itaas. Pagpasok sa kwarto ay awtomatiko siyang napatingin sa weddin
MAG-ISA sa living area si Louie ng mga oras na iyon. Nakatulala at malalim ang iniisip.Hanggang sa naisipan tawagan si Alice, “Call, Lawyer Ocampo. Papuntahin mo rito sa bahay at sabihing dalhin ang divorce papers,” utos niya.Habang sa kabilang linya naman ay sandaling natigilan si Alice. Nabigla sa narinig at nagtanong, “A-Ano po ulit ‘yun, Sir? Divorce papers?”Ayaw ni Louie na inuulit ang nasabi na kaya binabaan niya ito ng tawag kay sa sumagot.Napakurap ng mata si Alice at ilang sandali pa ay napangiti. Hindi akalaing nagpasiya ng makipag-divorce si Louie.Sa wakas, dumating na ang pagkakataong pinakahihintay. Sa oras na maging opisyal ang paghihiwalay ng dalawa ay madali na lang para sa kanyang alisin sa landas si Bea. Dahil hindi hamak na mas lamang siya sa kahit na anong aspeto kumpara rito.Isa’t kalahating oras ang lumipas ay dumating sina Alice at Lawyer Ocampo. Dumiretso sa study room kung saan ay naghihintay si Louie.Kasunod ang isang katulong na may dalang inumin para
NAIIYAK sa inis si Zia at sinisisi ang sarili dahil nagpadala sa sariling emosyon kaya muli na namang napaglaruan ni Louie.Kagat-kagat niya ang ibabang labi nang makita ang tuwa sa mukha nito. Kung pwede nga lang niya itong abutin at suntukin ay ginawa na niya. Ngunit mas pinili na lamang niyang pumirmi sa kama at pinanggigilan ang kumot. Nang matigilan dahil sa naramdaman niyang kirot mula sa natamong sugat.Nang ibalik ang atensyon kay Louie ay papasok na ito sa banyo. Wala siyang ideya kung anong ginagawa nito sa loob hanggang sa mapansing tumatagal na ito.Paglabas ay halatang pinagpawisan saka basa ang mukha na tila galing lang sa paghihilamos.Kaduda-duda hanggang sa napatingin siya sa ibabang parte ng katawan nito. Doon ay nakumpirma niya ang ginawa ni Louie.Nagparaos ito sa loob ng banyo.Parang gustong mandiri ni Zia. Nakakapalan siya sa pagmumukha ni Louie. “Talagang sa ospital gumawa ng kababalaghan?” aniya pa.Pero binalewala lang siya nito at kumuha ng damit pamalit. Na
HALOS pairap na umiwas ng tingin si Zia saka bumalik sa kama. Naupo siya at sumandal sa head-board. Kinuha ang libro sa may side-table at nagbasa. Mayamaya pa ay nagsalita, “Kasama ba sa deal ang relasyon ninyo ni Bea? Kailangan ko ba muling magkunwari na walang alam?” Nang walang makuhang sagot kay Louie ay muli siyang nagpatuloy, “Ba’t hindi mo masagot ang tanong ko, nahihirapan ka? Mas mahirap kaysa mambabae? Kung sabagay, hindi nga pala tayo totoong mag-asawa. Hanggang sa papel nga lang pala.” Napakurap si Louie at ilang sandali pa ay natawa. Hindi akalain na may ganito palang ugali si Zia. Tuluyan siyang tumayo at lumapit dito. Una ay hinaplos ang pisngi hanggang sa pinaglaruan ang malambot nitong labi gamit ang daliri. “Hindi ko alam na may pagkapasmado pala ‘tong bibig mo. Kung ano-ano ang lumalabas.” Matalim namang tumingin si Zia bago iniwas ang mukha pero nagpatuloy ito sa paglapit. Sa kagustuhang makalayo ay dumausdos siya pahiga sa kama. Napangisi tuloy si Louie na ma