Share

Chapter 31

ALAS-SIYETE ng umaga nang matapos si Louie sa pag-handle ng problema sa kompanya at kasalukuyang nililigpit ang ilang dokumento sa long-table.

Mabigat na ang talukap ng mata ngunit kailangan niyang manatiling gising kahit pa wala siyang tulog. Kinailangan niya kasing asikasuhin ang lahat para sa magaganap na urgent meeting.

Maging si Alice ay wala ring tulog ngunit hindi naman halata sa itsura dahil na rin sa make-up. Gusto ngang mag-retouch ulit kung hindi lang dahil sa ilang executives na hindi pa umaalis sa conference room.

Ang iba nga ay tila gustong kausapin si Louie ngunit wala namang nangahas. Napansin iyon ni Alice at gustong magmukhang malapit kay Louie kaya bahagyang lumapit sabay bulong, “Sir, gusto niyo po bang kumain muna? Io-order ko kayo ng pagkain. Gusto niyo ba ang fruit crisp with hibiscus powder, paborito niyo ‘yun, ‘di ba?” ani Alice na sumusulyap-sulyap pa sa mga executive para siguruhing nanunuod ang mga ito.

Napakunot-noo naman si Louie. Hindi siya mahilig sa ma
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status