Share

Chapter 40-2

KINAGABIHAN ay sinundo si Zia ng driver mula sa apartment. Nasa loob ng kotse si Louie kaya medyo nag-alangan pa siyang tumabi.

Tahimik lang silang dalawa hanggang sa marating ang bahay. Matagal pinagmasdan ni Zia ang bahay dahil aminin man o hindi ay namiss niya ang lugar maging ang mga kasambahay na ilang taong nakasama.

Paghinto ng kotse sa entrance ay inutusan ni Louie ang driver na lumabas. Pagkaalis ay bigla na lamang siyang sinunggaban nito ng halik sa leeg.

Sa gulat ay napatili si Zia, “Louie, ano ba!”

Pero hindi ito natinag at mas lalo siyang idiniin sa kinauupuan. “Don’t shout, ayokong isipin ng mga tao sa loob na sinasaktan kita. Okay ba sa’yo ang gano’n o baka gusto mo ‘yung nagpapanggap tayong sweet sa harap ng iba?”

“Talaga bang sa’kin mo itatanong 'yan? Ano pa bang gusto mong mangyari?” ani Zia sabay tulak.

Napangisi naman si Louie. “Gusto mong malaman? Sasabihin ko sa’yo mamaya,” aniya at saka lumabas ng sasakyan.
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status