Share

Chapter 69

PASADO alas-onse na ng mga oras na iyon at medyo nahihilo na si Zia kaya nagpasiya na siyang umalis sa club. Matapos mabayaran ang naimon nilang dalawa ni Lindsay ay naglakad na siya palabas.

Eksaktong kapapasok lang ni Louie sa bar na pinapagpag ang suot na jacket maging ang buhok.

Sa palagay ni Zia ay umuulan sa labas at bahagyang basa ang buhok nito. Nang mag-angat ito ng tingin ay agad nagkasalubong ang kanilang mga mata.

Matamang tinitigan ni Louie ang mukha ng asawa habang nanlilisik ang tingin nito. Sunod niyang napuna ang suot na dress ni Zia. Maiksi, kita ang cleav*ge at hapit na hapit sa katawan. Nakakaakit mang tingnan pero hindi nagustuhan ni Louie ang nakikita.

Mabilis siyang lumapit habang hinuhubad ang suot na jacket saka ibinalot sa katawan ni Zia.

Maraming lalake sa paligid na paniguradong madudumi ang isip at handang manloko ng inosenteng babae, maka-score lang.

“Tara na,” aniya pero umismid lang si Zia.

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status