HINDI pa makapagdesisyon si Zia dahil sa emosyong nararamdaman. Hangang sa hinawakan ni Louie ang kamay niya.
“Babalik ako sa Manila para ayusin ‘to ngayon. Pipigilan kong kumalat pang lalo ang post at impact ng negative comment.”Nagbaba ng tingin si Zia. Ilang sandali pa ay mapait na ngumiti. “Para saan pa’t kumalat na rin naman. Kaya sige nga, Louie, pa’no mo susolusyunan ‘to?”Naikuyom ni Louie ang dalawang kamay at nagpasiyang umalis para ayusin kaagad ang gulo. Ang ginawang ito ni Bea ay hindi lang basta makakaapekto sa pamilya Cruz. Dahil maging ang pamilya niya ay damay sa kalokohan nito. Kapag hindi kaagad nagawan ng paraan ay siguradong babagsak ang stock ng kompanya ngayong araw.Nang nasa tapat na ng pintuan ng theater ay lumingon si Louie at tiningnan ang asawa. Saka tuluyang umalis.Si Zia na nasa stage, sa ilalim ng maliwanag na ilaw ay parang mawawasak sa sobrang sakit ng nararamdaman.Mayamaya ay bumulong siya, sBUMALIK sa Manila si Zia ngunit dumaan muna sandali sa sementeryo pag-alis sa airport.May mahinang ambon ng mga oras na iyon at may hawak pa siyang bulaklak para sa pinakamamahal na yumaong Ina. Pinagmamasdan ang lapida nito.Ang kanyang Ina na si Isabel ay namatay dahil sa car accident.Sa alaala ni Zia ay maamo, malambing at mapagmahal na asawa si Isabel kay Arturo. Masaya ang pamiya nila noong nabubuhay pa ito. Alagang-alaga ang bahay at ang paborito nitong garden kung saan madalas itong nagpipinta. Habang inaalala ang nakaraan ay may luhang pumatak sa mga mata ni Zia. Matapos alisin ang damo sa paligid ay nag-alay siya ng dasal sa lapida ng Ina.Nanatili siya roon ng ilang oras habang lumuluha hanggang sa tumigil ang mahinang ambon at muling sumilip ang sikat ng araw.Kinagabihan ay tuluyan nang umuwi si Zia. Nang mapansin ng katulong ay maingat itong nagsalita, “Welcome back po, Ma’am. Tumawag nga po pala rito si Sir kanin
SA ARAW na iyon ay bumisita si Alice. Kaagad namang pinagbigay alam ng katulong ang pagdating nito.Nang mga oras na iyon ay hawak ni Louie sa kamay ang iniwang wedding ring ni Zia.“Sabihin mong maghintay at bababa rin ako,” aniya.At iyon naman ang ginawa ni Alice. Nang dumating siya kanina ay nasabi ng katulong na umalis ng bahay si Zia. Dapat ay masaya siya sa balitang iyon, pero hindi.Hanggang sa tuluyang bumaba si Louie na halatang pagod. “Anong meron at kailangan mong pumunta rito?” aniya saka nagtungo sa dining area para kumain.Kahit walang gana ay kailangan niya pa ring kumain.Sumunod naman si Alice na bahagyang nagbago ang ekspresyon, tila kabado at napapalunok pa ng laway. “Hinahanap kayo lagi ni Bea matapos ng nangyaring insidente. Pero hindi niya kayo laging makontak at hindi na rin po kayo dumadalaw sa kanya kaya…” Saka napabuntong-hininga, tila nahihirapang sabihin ang susunod na nangyari. “Naglasl*s po siya… ul
KINABUKASAN, patungo na sana si Louie sa kompanya ng sabihan siya ng katulong na may nagpuntang staff mula sa Repair shop at may binigay na package.Kasalukuyang inaayos ni Louie ang butones sa manggas ng suot na damit saka nagtanong, “Nasaan na?”Binigay ng katulong ang kailangan ni Louie saka siya bumalik sa kwarto at maingat na binuksan.Sa loob ay ang diary ni Zia na naibalik na sa dati, kung matatawag ngang ganoon dahil gaya ng sinabi ng may-ari ng repair shop…[Mapalitan man ang papel pero ang mahahalagang bagay na nakasulat ay hindi na…]Kalahati ng diary ay naroon pa rin ang madamdamin at nakakatuwang salita na isinulat ni Zia. Habang ang kalahati ay purong papel na lamang, blangko.Marahang humaplos ang kamay niya sa sulat. Hindi maipagkakaila ang pagmamahal sa kanya noon ni Zia. Nang magsawa ay maingat niyang binalik sa drawer ang diary.***ILANG ARAW ang lumipas nang muling magkita ang mag-asawa sa i
GULAT ding nakatingin si Zia ng mga sandaling iyon kay Louie. Ilang sandali pa ay tumatawag na ito sa cellphone.May kaba pa rin sa dibdib si Zia ng sagutin ang tawag at bumungad kaagad sa kanya ang galit na boses ni Louie sa kabilang linya, “Get out of the car!”Huminahon at kinakalma ni Zia ang sarili ng sumagot, “Louie, ilang beses ko bang ipapaalala sa’yong hiwalay na tayo? Kung ano o sino man ang kasama ko ay wala ka ng pakialam doon. Kakain lang ako sa labas kung gusto mo ng matinong rason kung bakit ko kasama si Patrick ngayon. Hindi ko pwedeng balewalain ang mga kaibigan kong nag-aayang makipag-bonding ng dahil sa’yo.”“Sigurado kang kaibigan lang siya? Alam mong may gusto ang Patrick na ‘yan sa’yo, Zia.”“So what? May gusto rin naman si Bea sa’yo pero umiwas ka ba, hindi naman ‘di ba?” saad ni Zia at pagkatapos ay binabaan ito ng tawag.Through the windshield, ay napansin ni Louie na naluluha ang asawa. Bakit? Anong dahilan? Si B
ILANG KATOK ang ginawa ni Alice saka marahang binuksan ang pinto ng opisina ni Louie, at nakitang abala ito sa pagbabasa ng ilang dokumento.Sandaling nag-angat ng tingin si Louie at nagtanong, “Ano na’ng balita?”Umiling naman si Alice. “Kani-kanina lang po ay nakipag-usap ako sa assistant ni Mr. Samuel at ayaw po nilang tanggapin ang investment niyo, Sir.”Napasandal at natahimik sa kinauupuan si Louie ng ilang sandali. “Okay, pwede ka ng umalis,” utos na lamang niya.Umalis naman kaagad si Alice ng mapunang iritado na ang ekspresyon nito.Pagkasara ng pinto ay tahimik na muli ang opisina hanggang sa dinukot ni Louie sa bulsa ang wedding ring at saka tinitigan.Ayaw tanggapin ni Zia ang kotse, ang investment sa concert. Maging ang dating bahay ng pamilya Cruz ay hindi rin nito nais. Hindi na niya alam kung anong gagawin... Wala siyang maisip na paraan para bumalik ito.Ang nais lang nito ay makalayo na ng tuluyan at ma
NAKAUWI si Zia sa inuupahang apartment at nang balikan ang kaninang nilulutong pritong tilapia ay inahon lang niya sa kawali saka tinakpan.Matapos ay nagtungo siya sa kwarto, hindi na nag-abalang buksan ang ilaw saka naupo sa sahig habang nakasandal sa kama.Nakayakap sa tuhod nang muli niyang binalikan ang alaala ng nakaraan…Noong mga panahong pat*y na pat*y siya kay Louie at walang ibang iniisip kundi ang makasal dito.Magkaroon ng dalawang anak o kahit ilan pang nais nito at mag-alaga ng aso.Ang binitawang salita kanina ni Louie. Na nagtatanog kung nais niya bang mag-alaga ng aso ay parang patalim na humihiwa sa puso niya. Sa loob ng mahabang panahon ay pinangarap niyang makasama si Louie habang buhay…Pero hindi pala lahat ng pangarap, saya ang maibibigay.***NANG magsawa sa kwarto ay lumabas si Zia sa apartment at naupo sa labas. Buong gabi siyang naroon, pinagmamasdan ang bituin sa langit. Napapatulala pa nga siya madalas hanggang sa makaramdam ng panunuyot ng lalamunan.Ka
NANUNUOT ang tingin ni Louie, may ngiti sa labi at marahan ang salitang sinabi kay Zia, “Bakit hindi mo muna subukan kay Hara? Hahayaan kitang alagaan siya, hindi ako mangingialam. I just want to act as a father.”Napatitig naman si Zia. Kapag ganito si Louie ay mahirap talagang hindian. Bukod roon ay ito talaga ang gusto niya noong maliit pa lang siya.Pangarap na kinalimutan niya gaya ng paglimot sa nararamdaman kay Louie. Para muling bumangon nang paunti-unti sa buhay na dapat noon niya pa pinili.“Sorry,” bulong ni Zia saka nagpatuloy pabalik sa bahay.Kusang tumulo ang luha na kanina niya pa pinipigilan.Habang nanatili namang nakatayo roon si Louie, hindi nakaligtas ang nakitang pagluha ng asawa. Kahit hindi man ito ang inaasahang mangyayari ay masaya pa rin siya at nagkausap sila ni Zia. Sa pag-alis nito ay muling kumahol ang tuta.Mayamaya pa ay napagpasiyahan na ni Louie na umalis. Pagbukas ng pinto at pagkalapag sa tuta ay nakarinig siya ng sigaw mula sa loob ng bahay.Boses
NAUPO naman si Zia sa kandungan ni Louie na hiyang-hiya at mapula ang pisngi. Talagang nakabukaka siyang umupo at tungong-tungo ang ulo.Inilapit naman ni Louie ang katawan para mapagmasdan ang mukha ng asawa. Nakangiti pa siya at natutuwa na tila ito pa lang ang unang beses na gagawin ni Zia ang ganitong bagay kahit matagal na silang mag-asawa. “Natatakot ka o hindi ka lang talaga sanay sa ganitong bagay?” aniya.“H-Hindi,” mahinang tugon ni Zia. Matapos ay idinantay ang ulo sa balikat nito para hindi makita ang kanyang mukha.Humaplos naman si Louie sa buhok ng asawa saka sinilip ang mukha nitong pilit iniiwas kaya hinawakan na niya ang pisngi nitong nag-iinit sa hiya. Tuluyan siyang hindi nakatiis at binuhat si Zia patungo sa hospital bed na naroon.Sumaboy ang itim at mahabang buhok nito sa puting kama. Saka niya ginawaran ng marahan na halik sa labi. Matapos ay makailang ulit na hinaplos ang pisngi. “Matulog ka muna, alam kong pagod ka.” Sabay ayos ng kumot sa lantad nitong kataw