Share

Chapter 75

DUMATING si Louie sa Cebu bandang alas-nuebe ng gabi at nagpahatid sa hotel kung saan nag-check in ang asawa.

Paglabas niya ng taxi ay napansin niya kaagad si Zia at Patrick na naglalakad sa hindi kalayuan. Sa halip na dumiretso sa loob ng hotel ay nilapitan niya ang dalawa.

Hindi niya matagalang tingnan ang ngiti sa labi ni Zia habang nililipad-lipad ng hangin ang mahaba nitong buhok. Na kahit nasa malapit na siya ay naka-focus pa rin ito kay Patrick at saka lang siya napansin nang halos nasa tapat na.

Ang tuwa sa mukha ni Zia ay nawala ng makita ito.

Tiningnan ni Louie ang oras sa suot na relo. Pinadala sa kanya ang litrato ng hapon, anong oras na at magkasama pa rin ang dalawa hanggang ngayon.

Anong pinaggagagawa ng mga ito, nagdi-date?!

“Dok Patrick, what a coincidence! Tama naman, 'di ba? Kaysa pinagplanuhan?” ani Louie.

Hindi naman nag-react si Patrick at pasimple lang ngumiti. “Nagkataon man o hindi…” Saka nagkibi
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status